ELYSIA'S POV
Para akong nawalan ng lakas nang makita ko ang nasa larawan. Napatakip ako sa aking bibig upang pigilin ang ingay na aking nilikha mula sa pagluha.
Ang sabi niya wala na sila.
Ang akala ko mahal Niya ako pero bakit ganito?
Sa pangalawang pagkakataon ay niloko niya ako.
Patuloy ang aking pagluha hanggang sa hindi ko na namalayan na nakarating na ako sa aking tinutuluyan.
Buong araw ay nagkulong ako sa aking kwarto, umiiyak, humahagulgol dahil sa ikalawang pagkakataon ay niloko ako ng taong mahal ko.
Pinagkatiwalaan ko siyang muli, umasa na hindi niya na ako sasaktan pero heto na naman ako mas naging durog ang puso kaysa sa una.
Unti-unting nagbalik sa aking alaala ang mga panahon na magkasama kami sa loob ng ilang buwan.
Naniwala na naman ako sa kasabihang 'action speaks louder than voice' at nagpadala sa mga pa-rosas at pera na ibinibigay nito sa akin.
Nadala na naman ako sa kanyang mga yakap at halik pero kung aking babalikan, ni minsan ay hindi nito nasabi sa akin ang salitang mahal kita.
Muli ring bumalik sa aking alaala ang naging pag-uusap namin kung saan ay tinanong ko ito kung bakit hindi pwedeng ilabas ang aming relasyon dahil sa sakal na sakal na ako sa kakatago, iniisip ko pa nga na daig ko pa ang kabit kung kanyang itago pero tama naman pala ang hinala ko.
"T@ng ina mo, Xavier! Isa kang sinungaling! Pinaikot mo lang ako, pinaglaruan mo lang ang puso ko!"
Ang akala ko, kaya ayaw niyang ipaalam sa iba ang tungkol sa relasyon namin ay dahil sa pinagkaiba ng antas namin sa lipunan pero itinatago niya pala ako dahil sa may pakakasalan na siya.
In short, ginawa niya na naman akong kabit ng hindi ko alam.
Kung sana, nakinig na lang ako kay Gaway.
Kung sana, hindi na ako nagpatupok sa mga titig niya.
Kung sana, nilabanan ko ang kung anuman ang natitirang damdamin ko para rito sana hindi ako umiiyak ngayon.
Durog na durog ang puso ko,
Daig ko pa ang ginarote at tinørture dahil sa ginawa niya.
Siguro, kung buhay si Miriam ay katakot-takot na sermon ang aking matatanggap.
Hindi ko na namalayan na sa aking pag-iyak ay tuluyan na akong nakatulog.
Nang sumunod na araw ay para akong isang buhay na walang kaluluwa. Nawalan ako ng lakas para pumasok sa trabaho at ayaw kong makita si Xavier.
Gusto ko na mag-resign,
Tama. Mag-reresign na lang ako at hahanap ng ibang trabaho.
Iginugol ko ang aking araw sa paggawa ng aking resignation letter.
Kinabukasan, tanghali na ng pumasok ako.
Mugto pa rin ang mata dahil sa pag-iyak, upang hindi ito mahalata ay pinatungan ko na lang ng makapal na foundation.
"Oh, Ely. Okay ka na?" tanong sa akin ni Geraldine nang makasalubong ko ito.
"Medyo," sagot ko at pekeng ngumiti saka dumiretso sa opisina ni Ms. G.
Pagpasok ko sa opisina ni Ms. Glenda ay agad kong ibinaba sa kanyang lamesa ang aking resignation letter.
"Oh, Ms. Nyavara. Bakit ka mag-reresign?" tanong sa akin ni Ms. Glenda habang nakatingin sa aking resignation letter. Sinabi ko na hindi na ako physically fit para sa trabaho ko ngayon dahil sa huminang muli ang aking katawan kahit na ang totoo ay ginamit ko lang iyong rason upang makaalis sa lugar na iyon. Hindi na nagtanong pa si Ms. Glenda at tinanggap ang aking resignation letter.
Bago tuluyang umalis ay iniwan ko sa secretary ni Xavier ang susi ng unit nito at nagdahilan na pinalinisan ni Xavier ang condo nito sa akin dahil may kaibigan itong titira roon na agad naman pinaniwalaan ng sekretarya.
Kahit papaano ay nakaramdam ako ng ginhawa dahil sa agad na tinanggap ang aking resignation letter. Pag-uwi ng bahay ay wala akong ganang kumain at sa halip ay nagplanong magwalwal. Bago umalis ay tinawagan ko muna si Gaway na halos tatlong araw ko ring hindi tinawagan para lang hindi nito makita kung gaano ako ka-miserable.
"Pasensya ka na, Way. Masama kasi ang pakiramdam ko noong nakaraang araw kaya hindi na muna ako nag-cellphone, " sabi ko habang kausap si Gaway.
Tahimik lang ito na nakatitig sa akin sa camera na parang sinusuri ang aking itsura.
Nakita ko ang pagbuntong nito ng hininga.
"Kung may problema ka, Ely. Huwag ka mahihiyang magsabi sa akin, ha. Alam kong may pinagdaanan ka ngayon pero hindi kita pipilitin na sabihin sa akin. Pero kapag dumating ang panahon na hindi mo na kaya, handa akong pakinggan ka. Huwag mong sarilihin ng kagaya ni Mirian. Huwag kang bibitaw, kawawa kami ng mga pamangkin mo. Ikaw na lang ang meron kami," sabi nito. Para akong maiiyak sa kanyang sinabi, tumatagos ang bawat salita nito sa aking puso. Sa mga oras na ito, ang tangi kong gusto ay karamay. Isang taong makikinig sa aking hinain pero sa ngayon, parang hindi ko pa kayang sabihin sa kanya ang aking katangahan.
Peke akong ngiti bilang tugon. Kinamusta ko ang dalawang bata bago tuluyang pinatay ang tawag at sa muling pagkakataon ay tumulo ang aking luha.
"Sorry, Gaway. Ang t@nga ko kasi, deserve ko 'to," umiiyak na sabi ko.
Para malibang ay nagpunta ako sa isang bar sa bandang Morato. Nilunod ang aking sarili sa alak at sa maingay na saliw ng musika na pumupuno sa paligid. Parang baliwala sa akin ang mga taong nagkakasayahan at nagsisigawan sa aking paligid dahil ang aking isip ay punong puno ng kasawian.
Ilang beses tumunog ang aking cellphone at nang makitang numero ni Xavier ay hindi ko ito sinasagot. Paulit-ulit ang pagtunog nito kaya nang sa huling pagkakataon ay bukod sa blinock ko ang kanyang numero ay pinatay ko na rin ang aking cellphone.
"T@ng ina mong h@yop ka! Porket mayaman ka ay kaya mo na paglaruan ang puso ko. Pakasal ka lang, wala na akong pakialam," sigaw ko sa aking cellphone na nakapatong at saka tumungga ng tumungga. Wala akong ibang ginawa kung hindi uminom hanggang sa umikot ang aking paningin.
"Uuwi na ko," bulong ko sa aking sarili at saka pasuray-suray na naglakad palabas ng bar para maghanap ng taxi.
"Miss, Miss, are you okay?" tawag sa akin ng Isang lalaki.
"I'm fine, Sir. So you better get out of my sight. I am not interested in you," dire-diretso Kong Sabi habang pilit na inaaninag ang kalsada.
"T@ng ina," himutok ko nang wala akong makitang kahit isang taxi man lang na dumaan o kahit na nakaparada.
"I-book mo na nga lang ako, Kuya ng sasakyan. Nahihilo na ko, gusto ko na matulog," Sabi ko sa aking kausap na halos hindi makatayo ng tuwid at halos mapatumba, mabuti na lang ay agad niya akong nahawakan.
"Miss, anong address mo?" tanong ng lalaki.
"T@ng ina, Kuya. Kung may binabalak ka sa aking masama sinasabi ko sa iyo. Huwag mong ipapakita ang mukha mo sa akin dahil baka ipakulam kita," banta ko rito kahit na halos papikit na ako ng mata. Unti-unti hanggang sa tuluyan ng nagsara ang talukap ng aking mga mata mata. Ang huli ko na lang naalala ay ang pagtawag nito sa akin habang tinatapik ang aking mukha.
Maaga akong nagising kinabukasan dahil sa sakit ng ulo dahil sa dami ng aking ininom kagabi, ang pakiramdam ko ay parang nakalutang pa rin. Nakapikit pa ako nang subukan kong tumayo pero agad kong napagtanto na hindi ito ang aking bahay nang imulat ko ang aking mga mata.
Nasaan ako?
Isa na naman ba itong panibagong pagkakamali?