ELYSIA' S POV
Nagpatuloy ang aming lihim na relasyon na umabot pa ng isa pang buwan subalit habang nagtatagal ay nakakaramdam ako ng kakaiba. Madalas na itong nakatingin sa kanyang cellphone na parang may inaabangan, madalang na rin kaming magkita sa kanyang condo dahil sa sunod - sunod na mga business trip nito. Hindi naman ako makapagreklamo dahil alam ko naman kung gaano kadami ang negosyong kanyang hawak kahit pa sabihin na may mga itinalaga siyang mga tao para magbantay sa bawat kompanya pero hindi ko alam kung bakit ako nakakaramdam ng kakaiba na pilit ko naman binubura.
Hindi rin ito madalas nagsasabi sa akin kapag may mga business trip ito kahit pa may numero ako sa kanya. Tinitext tinatawagan niya lang ako kapag uuwi ito sa condo kapag magkikita kami.
Abala ako sa pag-aasikaso sa mga papel na ibinigay sa akin ni Miss Glenda nang marinig ang usapan ng mga kasamahan ko sa trabaho.
“Besh, ilang araw na bang hindi ko nakikita si Sir Xavier. Hindi ba siya papasok today?” tanong ng isa kong katrabaho.
“Hindi ko alam eh baka nasa business trip.”
“Sayang naman, siya pa naman ang source of motivation ko sa pagpasok araw-araw,” dinig kong mga usapan nila.
Napahinto ako sa aking pagpindot sa printing machine dahil sa kanilang usapan at naging interesado sa kanilang topic.
Limang araw na buhat ng huli kaming magkita ni Xavier. Ang huling pag-uusap namin ay noong magkasama kami sa Condo unit nito at nabanggit nito na may pupuntahan itong bansa. Hindi naman nito sinabi kung saan at ano ang kanyang gagawin doon pero hindi na ako nagtanong pa dahil alam ko naman na tungkol iyon sa negosyo.
"Guys, guys. May Chika ako, mainit-init pa," hingal na lapit ng isa naming katrabaho na isang gay
"Ano na naman yan, Geraldine? Ang aga-aga, may baon ka na namang chika."
"Ano, gusto niyo malaman o hindi? Naku, bagong balita pa naman ito. Mainit-init pa at laman ng usa-usapan sa Human Resources Department."
"Naku, Girl. Spluk mo na iyan, spill the tea at alam mo naman ang chismis ang nagpapasaya sa department natin para ganahan tayo magtrabaho."
"Eto na nga. Hindi ba kayo nagtataka kung bakit halos hindi natin nakita si Sir Xavier ng halos isang linggo?"
"Hindi naman. Balita ko ay marami siyang negosyong hinahawakan, dito man sa bansa o sa international."
"Correct ka, Girl. One of the richest man in our continent ang amo natin base sa isang magazine, hindi naman siya yayaman ng ganoon na hihiranging Quadrillionaire kung wala siyang sandamakmak na negosyong pinagkakakitaan," usapan ng mga ito. Pasimple akong nakikinig habang nagkukunwaring abala sa aking hawak na papel, inaabangan kung ano ang balitang pasasabugin ni Geraldine dahil sa maging ako ay walang naging balita kay Xavier.
"Enngk! wrong. Sabi ng kakilala ko sa HR Department hindi daw Business Trip ang pinuntahan ni Sir Xavier," dinig kong sabi ni Geraldine. Hindi ko mawari pero bahagya akong dinapuan ng kaba sa kung ano ang kanyang maisisiwalat.
"Ano ba yan, Girl. Pabitin ka naman masyado. Sabihin mo na, baka makita tayo ni Ms. Glenda na nag-chichismisan maputukan na naman tayo ng init ng ulo niyo. Bilis na," bahagyang lumakas ang boses ng kausap nito kung kaya may mga napatingin dito kabilang na rin ako sa mga iyon.
"Ano ba, Faye. Nakakahiya ka." Kita kong hinampas pa ni Geraldine ang aming katrabaho.
"Ikaw kasi, ang galing mo mambitin."
"So, ito na nga. Nagpunta raw si Sir Xavier sa US para puntahan ang long time girlfriend nito. Naalala niyo yung nakwento ko sa inyo dati na sikat na ballet dancer na si Juliette Davidson? Yung nalumpo dahil sa isang aksidente? Girlfriend ni Sir Xavier iyon at siya raw ang sumagip kay Sir noon. Kung hindi raw itinulak ni Ma'am Juliette si Sir baka si Sir ngayon ang baldado."
Parang isang bombang sumabog sa aking tenga ang balitang aking narinig.
Pinuntahan ni Xavier ang kanyang girlfriend? Ang akala ko ba ay wala na sila?
Kung ang akala kong ang balitang iyon ang nagpanginig sa akin ay mas lalo pa akong nanghina sa sumunod na sinabi ni Geraldine.
"Talaga? pang-nobela pala ang love story nila ni Sir."
"Wait, there's more. Alam niyo ba kung bakit nagpunta si Sir sa US? Hindi lang para dalawin si Ma'am Juliette kung hindi nagpakasal na ang mga ito. Check mo yung post ng site na ito, hanapin mo Juliette Davidson and Xavier Jaxon Romanov para malaman niyo na hindi lang ito puro chika lang," sabi pa ni Geraldine.
Gustong tumulo ng aking luha sa labis na pagkabigla ngunit tila walang luha ang nais na lumabas. Nanginig ang aking mga kamay at tuluyan kong nabitiwan ang hawak kong mga papel saka ako mahigpit na napahawak sa lamesang yari sa kahoy kung saan nakalagay ang printing machine.
"Elysia!"
"Ely!" Sabay-sabay na sigaw nila na agad na napalapit sa akin samantalang napaalalay sa akin si Geraldine sa aking likod.
"Anong nangyari sa iyo?"
"Ayos ka lang?" magkasabay na tanong nila sa akin.
"A-Ayos lang ako. Hindi kasi ako nakapag-almusal kaninang umaga at saka medyo masama rin ang aking pakiramdam," sagot ko sa nanginginig kong boses. Pilit na pinapakalma ang aking sarili kahit na nang oras na bumuka ang aking bibig kanina ay parang tutulo na ang aking luha.
"Ganun ba? Sige na, ayusin mo na ang gamit mo. Kausapin na lang namin si Ms. Glenda na mag-sick leave ka na muna. Namumutla ka oh, baka bigla ka himatayin," sabi nila. Inalalayan nila akong makapunta sa aking lamesa upang kunin ang aking gamit saka ako sinamahan ni Geraldine sa baba at nagpara pa ng taxi.
Pagpasok pa lang ng taxi ay nanginginig ang aking kamay na kinuha ang aking cellphone mula sa aking bag at tinaype ang site na sinabi ni Geraldine kanina.
Hindi makahinga at nanlalambot ang aking mga daliri habang nagtatype sa search engine ang dalawang pangalan na binanggit nito kanina.
Tuluyang bumagsak ang aking luha nang makita ang larawan ng dalawang taong nakasuot ng damit pangkasal sa labas ng simbahan.