ELYSIA’S POV
Nang mga sumunod na araw ay nakatanggap akong muli ng mga bulaklak na may pare-parehong kulay na kumbinasyon ng pink at violet, bagamat’ magkakaiba iyon ng design ay hindi naman nawawala ang pink carnation, lavander at minsan ay nahahaluan niya ng tinatawag nilang ‘yellow acacia’. Halos mangamoy bulaklak na rin ang loob ng aking bahay at hindi ko na rin alam kung saan ilalagay ang mga ipinapadala nitong bulaklak kaya pati pitsel ay nalagyan ko lang din.
Napaisip ako at naglikot ang aking utak kaya isinearch ko sa floriography o yung tinatawag nilang language of flowers kung saan naipapahayag ng isang tao ang kanilang damdamin sa pamamagitan ng kulay, uri at ayos ng mga bulaklak para sa kanilang pagbibigyan.
Isa-isa kokng pinicturan ang mga bulaklak na bago sa aking paningin at saka kinuha ang kanilang pangalan sunod ay hinanap ko sa floriography.
Napakunot ako ng noo nang mapansing halos pare-parehas lamang ang mga kahulugan ng mga ito.
Secret love.
Lihim na pagtingin.
“Gusto niya ako? Ang bilis niya naman ma-fall. Isang beses lang naman kaming nagkita, eh,” kinikilig kong sabi sa aking sarili. Hanggang sa pagtulog ay ang kanyang mukha ang aking nakikita ngunit nang dahil sa isang bangungot ay nagising ako sa isang nakakahibang na panaginip.
Langit siya, lupa ako.
Mayaman siya, pobre ako
At kailan man ay hindi magtatagpo ang landas namin.
Maaaring may gusto siya sa akin pero napakarami niyang pera at napakadali niya akong palitan.
Maaari rin na gawin niya lang akong pampalipas oras at kapag nagsawa ay basta-basta na lang itatapon.
“Gumising ka sa katotohanan, Elysia. Ang ganyang klaseng mga tao ay hindi ka seseryosohin,” paalala ko sa aking sarili.
Kinabukasan, nakatanggap akong muli ng bulaklak ngunit sa pagkakataong iyon ay pinabalik ko na iyon sa naghatid sa akin, maging ang sumunod na araw. Nang mga sumunod pa ay hindi na basta bulaklak lang ang kanyang pinapadala dahil may mga food delivery at mamahaling accessories pa gaya ng kwentas na puro diyamante, bracelet na 24k gold at kung anu-ano pa pero kagaya ng mga nauna ay naging matibay ang aking pasya.
“Couz, sino ba iyang galanteng suitor mo? Name reveal naman,” pangungulit sa akin ni Gaway habang ako ay nag-sscroll sa aking laptop at chinicheck kung may sumagot na ba sa aking mga application.
Sa sampung inapplyan ko noong nakaraan ay kalahati ang sumagot at sa Lunes ay initial interview ko na.
“Hay naku, Gaway. Huwag mo ng alamin,” sabi ko sa kanya.
“Pero couz, sayang naman yung mga niregalo sa iyo lalo na yung jewelries. Pwede mo naman tanggapin saka ibigay sa amin ni Miriam. Aba, sobrang maharlika ngga inireregalo sa iyo. Daig pa ang namanhikan,” palatak nito.
“Hoy, Gaway. Dapat gumaya ka kay Elysia nang hindi ako namomroblema. Kahit sabihin natin na sobrang yaman ng nanliligaw sa kanya, kahit pa kasing yaman ni Xavier Jaxon Romanov ang lalaking iyon, dapat alam natin ang hangganan natin. Kailanman ay hindi magtatagpo ang langit at lupa. Ang mga katulad nating mga dukha ay hindi nababagay sa mga katulad nilang nakaupo sa sariling kaharian nila sa langit. Kaya gayahin mo siya hindi iyong ambilis mong nagpapauto sa mga mayayaman na iyon,” Sabat ni Miriam.
Para naman akong sinampal ng katotohanan ng mga salitang binanggit ni Miriam.
Masakit na katotohanan.
Siguro, kailangan ko iyon upang tuluyang magising sa aking ilusyon na magkakagusto ang katulad ni Xavier sa isang katulad ko dahil lamang sa isang beses na may nangyari sa amin.
"Ano ka ba, Miriam. Huwag kang masyadong nega. Bakit si Prince William at Kate Middleton? Isang prinsipe na nainlove sa isang ordinaryong babae. At saka, anong pinagsasasabi mong kailanman ay hindi magtatagpo ang langit sa lupa? Sa Baguio at Benguet, kapag mahamog at sobrang lamig bumababa ang langit," katwiran ni Gaway.
"Magkaiba ang hamog sa langit, Gaway. Ang langit ay ang universe kung saan naroroon ang mga buwan," sagot kaagad ni Miriam.
"Nasaan ba ang ulap? Hindi ba sa langit. Saan gawa ang ulap? Hindi ba sa mga water droplets na mula sa lupa.So, I therefore conclude, possibleng bumaba ang langit sa lupa sa pamamagitan ng mga ulap kapag rainy season like ber months. Pak ganern," depensa ni Gaway sa kanyang kapatid.
"Sige, Gaway. Ipilit mo ang gusto mo. Kapag nadisgrasya ka talaga dahil sa mga baluktot na rason mo, sinasabi ko sa iyo. Hindi mo ako maasahan."
"Kontrabida ka naman kasi. Para na ngang Fairy tale ang love story ni Elysia gagawin mo pang drama. Kaya takot manligaw sa iyo si Glenn dahil napaka-nega mo. Hindi mo na lang kami suportahan ni Ely sa gusto namin. wala man lang wish me luck para sa ikauunlad ng ating pamumuhay," sagot muli ni Gaway na ayaw magpatalo.
Hindi ko alam kung ano ang aking dapat gawin.
Magpapaubaya na at susubukang nagmahal gaya ng sabi ni Gaway o umiwas gaya ng payo ni Miriam?