ELYSIA'S POV
Ipinulupot ko ang aking mga braso sa kanyang leeg habang pakikipagtagisan ng halik.
I missed him so much.
Dama ko rin sa paraan ng kanyang paghalik kung gaano rin ito kasabik na kagaya ko.
Nasaktan ako sa kanyang ginawang pagsisinungaling, itinago niya sa akin ang totoo na may nobya na ito kung kaya pinili kong lumayo.
Ang buong akala ko ay wala na akong nararamdaman para sa kanya, na kaya ko na siyang tingnan na hindi bibilis sa pagtibok ang aking puso pero nagkamali ako.
Sa isang simpleng hingi ng tawad at titig lang nito ay nawala kaagad ang pader na halos isang taon kong itinayo. Tila nakalimutan ko rin ang sakit ng sugat na kanyang nilikha.
Hindi ko namamalayan na habang patuloy kami sa paghahalikan ay narating na namin ang kanyang lamesa. Iginilid nito ang mga gamit na naroroon kabilang na ang kanyang laptop saka ako pinaupo sa kabilang gilid. Mabilis ang kanyang kamay sa pagkalas ng mga butones ng aking suot na puting blusa habang hindi ito tumitigil sa paghalik. Napakapit ako sa kanyang buhok nang tumuloy ang kanyang labi sa aking leeg. Hindi na nito tinanggal pa ang kawit ng aking bra at ibinaba na lamang iyon, nalantad ang aking itinatagong mga dibdib na agad namang sinalo ng kanyang bibig. Napapaliyad ako habang nakapikit, dinadama ang nakakakiliting dila nito sa aking tuktok. Kiliting ilang buwan ding hinanap ng aking katawan. Itinaas nito ang suot kong itim na pencil cut skirt nang magsawa ito sa pagpala sa aking dibdib. Napasinghap ako nang maramdaman ang kanyang mainit na palad na pumasok sa aking p@nty, hinahaplos ang pagitan ng aking hiyas. Kagaya ko ay namumungay ang mga mata nito. Ibinaba nito ang aking p@nty sunod ay mabilis nitong kinalas ang sinturon ng kanyang suot na pantalon at saka inilabas ang kanyang itinatagong sandata kasunod ng pagbaba ng kanyang pantalon. Ibinuka nito ang aking mga hita at itinapat sa aking hiyas ang kanyang sandata. Bago tuluyang maipasok ay kinapa nitong muli iyon gamit ang kanyang palad. Sinalat-salat at pinaglaruan hanggang sa ipasok nito ang isa nitong daliri. Hindi ko napigilang mapahalinghing dahil sa sobrang s@rap.
"Shhh, you can't scream with pleasure inside my office," bulong nito sa namumungay na mata. Naramdaman kong pinaglabas masok nito ang kanyang daliri at ilang sandali pa ay dinagdagan pa ng isa pa. Hingal na hingal ako nang hugutin nito ang kanyang mga daliri. Malakas na napasinghap ako kasunod ng awang ng bibig at paglaki ng mata sa labis na pagkabigla nang bigla nitong buong ipinasok ang kanyang sandata.
Sagad at baon na baon na para bang naabot na nito ang dulo ng aking obaryo.
Tinakpan nito ang aking bibig upang pigilan ang paglabas ng malalakas na ungol na aking nalilikha sa bawat matinding pagb@yo nito. Nang magsawa ito sa aming posisyon ay pinababa Niya ako sa kanyang lamesa at umupo ito sa kanyang upuan. Inalalayan niya akong umibabaw sa kanya at ilang sandali pa ay ako na ang umiindayog sa saliw ng musikang tanging kaming dalawa lamang ang nakarinig.
Bago dumating ang secretary nito ay natapos kami. Sandali lamang iyon pero para sa akin ay nabigyan ako ng panibagong lakas para magtrabaho. Hindi na nawala ang ngiti sa aking labi nang makabalik ako sa aking kahit pa hindi ako nagkaroon ng pagkakataong makapagtanghalian.
Sa bawat araw na nagdaan ay parang nagkaroon ng kulay ang aking mundo. Kahit papaano ay nabawasan ang lumbay sa aking puso dahil sa pagkawala ni Miriam at dahil iyon kay Xavier.
Naging lihim ang aming pagkikita. Sa tuwing sasapit ang lunch break ay nagkakaroon ako ng pagkakataon na mayakap ito. Kahit gustuhin ko man na lumipat sa kanyang condo unit kahit pa naibigay na nito sa akin ang kanyang susi ay hindi ko pa rin magawa dahil sa nag-aalala ako kay Gaway.
Simula ng mamatay si Miriam ay tila kaming dalawa na lang ang naging magkasangga sa buhay. Itinuring naming magkapatid ang isa't Isa. Alam nito ang nangyari sa amin noon ni Xavier Pero hindi ko magawang sabihin dito na nagkabalikan kami ni Xavier sapagkat alam kong tututol ito dahil ayaw niyang magaya ako sa kanilang dalawa ni Miriam. Natatakot ako na baka dibdibin nito ang naging desisyon ko at maging dahilan ng kanyang stress, mahigit Isang buwan pa lang ang nakakalipas buhat ng nanganak ito kaya ayaw ko itong mag-alala para sa akin. Dalawang bata ang inaalagaan nito at ayaw ko ng makadagdag pa sa isipin nito.
Ang importante ay masaya ako at nagkaayos na kami ni Xavier.