ELYSIA’S POV
Punong-puno ako ng pagsisisi habang papalabas ng makasalanang opisina na iyon. Ambilis kong nagpadala dahil sa kanyang kabaitan, sa tamis ng kanyang pananalita at sa kagandahang lalaki nito.
“Ely, hoy Ely!” tawag sa akin ni Gaway.
“Ha?”
“Kanina pa kita tinatawag hindi ka sumasagot. Ipapasundo ka sana ni Madam Beth, paalis na tayo,” sabi nito sa akin nang makalapit ito sa akin.
“Bakit ganyan ang itsura mo? May problema ba?” tanong nito sa akin.
“Ah, wala. Nagulat lang ako, tara na,” yaya ko rito.
“So, ano ang sinabi sa iyo? Bakit ka raw pinatawag?” tanong nito habang naglalakad kami papunta sa L300 kung saan naghihintay na ang aming mga kasama.
“Wala naman. Nakipagkwentuhan lang,” pagsisinungaling ko at mas lalong binilisan ang aking paglalakad.
“Sure? Kwentuhan lang? Bakit antagal mo?” pagpupumilit pa nito.
“May kausap pa kasi siya kaya naghintay pa ako sa labas ng matagal, kahit tanungin mo pa ang kakambal mo,” sabi ko na lang rito.
“Weeh? Di nga? Alam mo, hindi nakaligtas sa mata ko yung mga tinginan niya sa iyo, Ely,” banat pa nito.
“Alam mo, Gaway. Kung anu-ano na lang iyang nasa isip mo, tara na nga. Ang sakit na ng katawan ko at sobra na akong inaantok,” sabi ko rito para lang tigilan niya ako sa pangungulit. Nag-iinit na ang aking mukha at pakiramdam ko ay namumula na iyon, mabuti na lang ay nakapasok na kami sa loob ng van at medyo madilim. Bagsak na rin ang aking mga kasama kaya hindi na nila ako pinansin.
Sandali lamang akong nakaidlip sa biyahe, pagdating sa bahay ay pabagsak akong humiga sa kawayang upuan. Muli kong ipinikit ang aking mga mata ngunit ang alaala ng kapusukan ang nagiging laman ng aking isip.
Magpahanggang ngayon ay sising sisi ako sa aking nagawa. Dalawang taon ako sa call center kung saan mas maraming tukso pero hindi ko nagawa ang bagay na iyon samantalang sa loob lamang ng isang gabi ay ibinigay ko ang aking sarili sa isang estranghero.
Isang lalaki na sandali ko lamang nakilala at sandaling nakakwentuhan.
“Wala ka ng magagawa, Elysia. Nangyari na ang nangyari, mag-ingat ka na lang sa susunod,” kausap ko sa aking sarili saka nagtungo sa banyo upang maligo at saka muling natulog.
Alas-dos na ng hapon nang ako’y magising dahil sa puyat at pagod nang nakaraang gabi. Masakit din ang aking katawan lalo na ang aking gitnang bahagi ngunit pinilit ko lang kumilos.
Habang kumakain ng pinagsamang almusal at tanghalian ay dumating si Miriam na nakapang-alis at mukhang galing sa kung saan.
“Elysia, kakagising mo lang?” tanong ni Miriam sa akin. Naupo ito sa aking tapat at nanghingi ng malamig na tubig.
“Napagod sa trabaho.”
“Parang hindi ka naman sanay sa puyatan,” hirit ni Miriam.
Jusko, kambal talaga sila ni Gaway kung magdahilan at rumason.
“Hindi ba nga kaya ako nandito para magbakasyon dahil nagkakasakit ako sa trabaho ko,” pangangatwiran ko, hindi ko naman masabi na masakit ang aking kiffer dahil naisuko ko sa gwapong guest kagabi.
“Ay, Oo nga pala. Sorry, pero don’t worry. Lahat naman ng pagod natin sulit. Nagpunta ako sa opisina, ito nga pala ang sinahod mo.” Ibinigay niya sa akin ang isang maliit na brown envelope.
Hinugasan ko muna ang aking kamay bago ko binuksan ang laman ng sobre. Hindi ko na inilabas ang pera sa halip ay sinilip ko na lang ang laman noon at binilang ang kulay asul na laman niyo. Napakunot ang aking noo nang mapansing higit pa ang laman noon kaysa sa sinabi ni Miriam at ni Madam Beth sa akin bago mag-umpisa.
"Siya nga pala. Sabi ni Madam Beth, mas malaki ang nasahod mo sa amin kasi isinama niya na ang komisyon mo," Sabi ni Miriam na kumukuha na rin ng plato para makikain
"Komisyon?"
"Oo. Yung kinausap mo raw kasi kagabi, nagpa-book ng dalawang event at kinuha ulit tayong catering service kaya tuwang tuwa si Madam Beth."
Natahimik ako sa kanyang sinabi at bumalik sa pagkain. Para namang nawalan ng lasa ang masarap Kong ulam dahil sa sinabi ni Miriam.
Kaya ba malaki ang ibinigay nitong tip ay dahil upang mabayaran ang nangyari sa amin kagabi?
"Tapos ka na?" takang tanong ni Miriam nang makitang inuubos ko ang laman ng aking plato.
"Nagkape kasi ako kanina kaya medyo busog pa ko. Sige lang, kumain ka lang," Sabi ko rito saka inilagay sa lababo ang aking platong pinagkainan.
"Ely, sasama ka ba ulit? Sa susunod na araw ulit may pag-cacateran tayo ulit," tanong sa akin ni Miriam.
"Saan?" tanong ko. Walang kaso sa akin kung sasama ako ulit, baka kasalan o di kaya ay binyagan naman ang aming pupuntahan kung saan wala ang gwapong lalaki na nakakuha ng puri ko.
Pero taliwas iyon sa inaasahan ko nang sumagot si Miriam.
"Sa Isang resort hotel bandang Laguna. Iyong kausap mo kagabi ang nag-book. Grabe naman pala ang yaman noong lalaking iyon." dire-diretsong sabi ni Miriam.
"Paano mo nasabi?" curious kong tanong.
"Natanong ko kasi si Madam Beth. Kaya pala hindi makaimik si Madam Beth kahapon noong pinapahanap ka sa kanya kasi sobrang yaman pala niya. Ano nga ang tawag sa kanya? Bilyonaryo? Hindi eh, Sabi kasi ni Madam Beth mas mayaman pa raw sa bilyonaryo. Teka, Qud..Squad.. Quadri.. Quadrillionaire. Yun, nakuha ko rin sabi ni Miriam habang iniisip ang tawag.
Quadrillionaire?
Jusko, napakalayo ng agwat namin. Paniguradong ang isang katulad niya ay kayang bumili ng kahit ilang babaeng kanyang gustuhin.
Mas mabuti na ako na lang ang umiwas dahil hindi ko sigurado kung ano talaga ang nais Niya sa akin.
Naibigay ko naman na sa kanya ang gusto niyang makuha kaya hindi ko na siya dapat pang makita.
Pakiramdam ko ay napakababang babae ko dahil sa ginawa ko.
"Huy, Ely. Ayos ka lang ba? Natameme ka na naman . Ano, G ka?" tanong ni Miriam sa akin.
"Pass na muna ako. Gusto ko na muna magpahinga para kapag bumalik ako ng Manila mas maayos ang katawan ko at handa na sa bakbakan," sagot ko kahit ang totoo ay gusto ko lang umiwas.
Aaminin ko na nag-enjoy ako sa nangyari sa amin. Labis na nagsisisi ngunit may parte sa akin na natuwa at hinahanap ito.
Hangal ka, Elysia! Wala ka sa pelikula at mas lalong wala ka sa isang libro. Impossibleng magkakagusto sa iyo ang Isang lalaking may yaman na higit pa sa Bilyonaryo.