ELYSIA’S POV Patuloy ako sa pag-inom, hindi ko na alam kung nakailang baso na ba ako ng tequillang na-order. Wala na rin akong pakialam kung paano ako makakauwi sa aking apartment dahil ang tanging nais ko lang ngayon ay magpakalunod sa pag-inom. Yung tipong mamanhid na ang katawan ko dahil sa labis na kalasingan. Simula ng pangyayaring iyon ay hindi na kasi ako pinayagan pa ni Xavier magkaroon ng leave, imbis na dalawang araw na day-off kagaya ng ibang empleyado nito ay isang araw lang ang ibinibigay nito sa akin at ang araw na iyon ay iginugugol ko na lang sa pagmumukmok dahil kahit na maglaba at magluto ay hindi ko na rin magawa. Sa kabila ng ingay ng lugar dahil sa nakakaaliw na musika, sabayan pa ng mga kabataan at mga grupong nagkakasayahan ay tila hindi ko iyon alintana. Blangko

