ELYSIA’S POV Para akong walang kaluluwang pumapasok sa opisina araw- araw. Sa nakalipas na mga araw ay may mga nakakapansin na ng pagbabago ng aking awra lalong-lalo na si Ms.Glenda. “Ely, dito ka na muna. Magpahinga ka na muna,” pigil sa akin ni Ms. Glenda ng magpunta ako sa kanyang opisina upang kunin ang isang papel na pinapakuha ni Xavier. “Kumain ka na ba? Wala naman si Sir kaya halika na muna at sasamahan kita,” nag- aalalang sabi nito saka ako hinila paupo sa isang bakanteng silya, kinuhang muli mula sa aking mga kamay ang papel na kinuha ko sa kanya at inilapag sa kanyang lamesa. “You look pale, Ely. May sakit ka ba? Tingnan mo, tuyong tuyo rin ang labi mo. Nakakapagpahinga ka pa ba?” puna nito sa akin. Wala sa sarili kong tiningnan ang oras sa wall clock na nasa loob ng opi

