CHAPTER 30 Kahit ang dati ay mahusay na pagpapatakbo ko sa aming negosyo ay naapektuhan na din sa problema ko sa puso. Inaamin ko, mahal ko silang dalawa ngunit nabubukod tangi si E-jay sa akin. Ayaw ko mang maniwala na may kinalaman siya sa pagtangkang patayin ako ngunit isa siya sa pinaghihinalaan ko. Kahit pa sabihing nagkakamabutihan kami ni Francis ay hindi ko pa din inaalis sa isip ko na maaring may kinalaman siya sa lahat ng nangyayaring ito. At ang multong nagpapakita sa talon. Sino siya? Anong kaugnayan niya sa dalawa. Hindi din siya maalis sa isip ko. Anong hiwaga ang dala niya sa buhay nina E-jay at Francis? Sino ang sinasabi nitong pumatay sa kaniya na papatay din sa akin? Tambak na ang pipirmahan sa table ko. Kinukulit na din ako ng secretary ko na mapirmahan ang mga iyon ka

