CHAPTER 31 Pagkapalit ko ay minabuti ko na munang sabayan si Mama sa panood ng balita habang hinihintay si Francis. Ang nasa balita, isang ginang ang nakapatay sa kaniyang sariling anak at asawa dahil sa sakit sa pag-iisip. Nagimbal ako sa balitang iyon. Kung titignan ang ginang habang ini-interview siya ay aakalain mong wala siyang sakit sa pag-iisip. Maayos niyang nasasagot ang mga tanong sa kaniya ngunit bakit niya nagawang patayin ang anak at kaniyang asawa? Tama lang ba yung sagot niyang hindi niya alam? Na wala siya sa katinuan nang mangyari ang trahedyang iyon? Posible ba talaga iyon? Napalunok ako. "Grabe na talaga ang mga balita ngayon. Kaya ayaw kong manood ng news dahil puro krimen na lang, hold up, nakawan, saksakan, nasabugan ng bomba, mabi

