CHAPTER ONE
ISANG ordinaryong araw lamang para sa twenty-one years old na si Vinnezer Ilagan ang araw na ito o iyon lang ang naiisip niya.Narinig niya ang pagtunog ng kumakalam na sikmura. Tiningnan niya ang relong pambisig. Alas dose na ng tanghali. Tanghaling tapat ngunit hanggang ngayon ay wala pa siyang kain. Wala pang laman ang sikmura niya bukod sa mainit na kape na ininom niya kanina bago siya umalis sa bahay ng lola niya kung saan siya nakatira.
Hindi pa umaabot ang alas cinco ng umaga ay umalis na siya sa bahay. Gumising siya nang maaga para mauna sa interview at makaiwas na rin sa traffic na tiyak niyang magiging malala na naman. Mula pa naman siya sa norteng parte ng Metro Manila at sa Makati pa ang destinasyon niya. Sabi nga sa kasabihan, 'daig ng maagap ang masipag', pero sa huli ay nahuli pa rin siya dahil mas may maaga sa kanya na dumating. Kaya ang kinalabasan ay pangatlo siya sa panghuli na nakarating doon. Idagdag pa na medyo nawala siya dahil hindi siya sanay sa lugar na pinuntahan. Mahina pa naman siya direksyon at mabilis malula lalo na kung sa bagong environment.
Aminado si Vin na hindi siya masipag. Masasabi niya na may katamaran siya. Well? Paano nga ba niya iyon nasabi? Marami ang dahilan. He graduated in year 2011 with the course of Associate in Computer Science. Mula noon hanggang ngayon ay tatlong trabaho pa lang ang napapasukan niya. His first job was a service crew in a convenience store. Anim na araw lang ang itinagal niya doon. At marami ang dahilan kung bakit siya umalis doon. Una, masyado iyong malayo sa bahay nila. Pangalawa, hindi sa kanya sapat ang sweldo na wala man lang kalahati sa minimum rate. Ang masaklap pa ay kapag nag-short siya sa kaha ay aabonohan niya iyon ng sweldo niya at ang kalalabasan ay mababawasan ang sweldo niya. May kahinaan pa naman siya pagdating sa numero at puro pasang-awa ang grado niya sa Mathematics.
Napabuntung-hininga siya. Muling nagparamdam ang walang laman niyang tiyan. Mahapdi na rin iyon dala ng sobrang gutom.
His second job was a baggage counter in a famous mall on the province where he grew up. Dahil sa wala siyang mahanap na trabaho na mag-fi-fit sa kanya sa Maynila, nagdesisyon siya na umuwi sa kanila at iyon nga ang naging trabaho niya. He was nineteen when he got that job. Umabot siya ng isang buwan at dalawampu't siyam na araw sa trabaho niyang iyon. One month as a baggage counter and the twenty nine days was a reliever for the promodiser who left without consent. Pagkatapos ng kontrata niya roon ay hindi na siya umulit. Hindi na rin siya tinawagan ng agency na inaplayan kaya hindi na siya bumalik.
At ang panghuli niyang trabaho ay sa isang government agency. Field work ang trabaho na tumagal din ng tatlong buwan. Pagkatapos ng trabaho niya roon ay heto siya ngayon, jobless and useless. Hindi pala nababagay na sabihin sa kanya ang pangalawang salita dahil hindi naman talaga siya useless. Siya lang naman kasi ang dakilang errand boy sa kanilang bahay. Pambabae man o panlalaki na gawin ay siya na ang gumagawa maliban sa pagluluto. Wala siyang alam sa pagluluto maliban sa pagpiprito at paglalaga.
Muling kumalam ang sikmura niya. Talagang naghuhuramentado na sa gutom na nadarama, Tumingin-tingin siya sa paligid. Nagbabakasakali na makakakita ng malapit na kainan ngunit wala siyang nakita. Naglakad-lakad siya para maghanap ng karinderya. Binigyan siya ng budget ng lola niya para makakain sa sikat na foodchain pero mas pipiliin niya ang kumain sa karinderya. Kailangan niyang magtipid. Nakakahiya naman kasi kung sa bawat lakad niya ay hihingi siya ng pera sa lola niya.
Gamit ang kanang kamay, ipinantakip niya iyon nang bahagya sa kanyang mata para maging pananggalang sa sikat ng mainit na araw. Grabe na ang pawis niya. Idagdag pa sa paghihirap ang pagkalam ng sikmura niya. He' s really starving!
Dahil sa pagtingin-tingin sa paligid. Hindi niya napansin ang kasalubong niyang lalaki. Nagmamadali ito. Huli na para makaiwas siya na mabangga nito. Sa taas niyang limang talampakan at limang pulgada alam niyang talo siya sa tangkad nito na sa tantiya niya ay five feet at eleven inches.
Dahil nga sa nagmamadali ito ay napalakas ang pagbangga nila sa isa't-isa. Dahil sa panghihina na dala ng sobrang gutom ay nawalan siya ng balanse. Bumagsak siya paupo sa konkretong daan. Napangiwi siya sa sakit.
"Aray ko!" Daing niya. Kapag minamalas ka nga naman. Gutom ka na mukhang magkaka-injury pa siya sa lakas ng impact ng pagbunggo niya dito. Mabuti na lang at hindi nagkalat ang gamit niya sa daan. Safe and secured ang pagkakaselyo noon sa plastic envelope na nabitawan niya.
Napatingin siya sa lalaking nakabanggaan niya. Katulad niya ay bumagsak rin ito paupo sa daan. Ngunit tila wala itong ininda na sakit. Masama ang pagkakatingin sa kanya ng lalaki. Bigla siyang kinabahan. Kaba na hindi dahil sa matalim nitong titig kundi sa hindi pamilyar na pakiramdam na umahon sa loob niya.
Simula elementary hanggang ngayon ay aminado si Vin sa gender preference niya. He was a part of third s*x. Isa siyang... Actually, hindi niya alam kung ano ang tawag sa kanya pero acceptable na rin ang bakla or so whatever they calling gay people. Ang kaibahan nga lang niya ay hindi siya paminta at hindi rin siya crossdresser. Siya ay siya. Simple, plain and bland. Malamya siya kung kumilos at kumibo dili. Hindi siya nag-e-effort na magpalaki ng katawan katulad ng ibang bisexual at hindi siya naglalagay ng kolorete sa mukha tulad ng ibang bakla. Hindi rin siya nagpupunta sa kung saan-saan na lugar para makakuha ng papa na magtototoot sa kanya at tototootin niya.
He was plain as an ordinary rice. As bland as an untasteful viand.
Eksakto lang ang katawan niya. Hindi payat, hindi rin masasabing mataba. Sa mga hindi nakakakilala sa kanya, iisipin ng mga ito na tunay siyang lalaki ngunit kapag nakilala siya ng mga ito ay masasabi ng mga ito na confirm siya at kasapi ng federasyon.
Natigil siya sa pag-iisip ng kung ano ba talaga siya nang makita niya ang nakalahad na kamay sa harapan niya. Tila nagsasabing 'tumayo ka na riyan, tutulungan kita'. Mula sa nakalahad na kamay ay lumipad ang tingin niya sa may-ari niyon. Ang lalaking nabunggo niya!
Wala ng talim sa titig nito. Kalmado ang hitsura. Napansin niya ang kagandahang lalaki nito. The guy possesses thick eyebrows just like him. Long eyelashes na parang sa isang babae. Maganda ang itim na pares ng mata nito, tsinito, matangos na ilong na bumagay sa mapula at manipis nitong labi. The guy standing infront of him was perfect. Idagdag pa ang may kaputian at makinis na balat nito. Maganda rin ang pagkakabagsak ng buhok nito na ang style ay katulad ng sa mga K-pop artist.
Tinubuan siya ng paghanga rito. Kasunod niyon ang hiya sa lantarang ginawa niyang assessment sa features nito.
"Can you please stand up. Nangangalay na ang kamay ko," sabi nito. Even the guy's voice was good to his ears. "Ano na?" Untag nito sa kanya na nagpagising sa natutulog niyang kamalayan.
Bumalik ang tingin niya sa nakalahad nitong kamay. Hindi niya inabot iyon. Tumayo siya ng mag-isa. Bakit hindi niya inabot? Simple lang. Hindi niya trip. Bumagsak siyang mag-isa kaya tatayo siya ng mag-isa. Hindi obligasyon ng lalaki na tulungan siya lalo na at isa siya sa may kasalanan kung bakit sila bumagsak. Okay lang sa kanya kung isipin ng lalaki na suplado siya. Wala siyang pakialam doon.
Pagkatayo ay pinagpag niya ang nadumihan na likuran ng suot niyang pantalon. Habang ginagawa iyon ay nakamasid lamang sa kanya ang lalaki na nagbigay sa kanya ng uneasiness. Hindi siya sanay na sinusundan ng tingin ang kilos niya. Tumigil siya sa ginagawa at hinarap ang lalaki. Baka naghihintay ang lalaki na humingi siya ng paumanhin sa pagkakabunggo nilang dalawa. He wasn't really good in a conversation like this. Simpleng paghingi ng paumanhin ay hindi niya magawa. He wasn't used to this kind of situation. Kinalma niya muna ang sarili. Nang masiguradong okay na siya ay saka siya nagsalita.
"Pasensya ka na, mister. Pasensya ka na sa carelessness ko. Hindi kita napansin. Sana `wag kang magalit sa `kin. Hindi ko talaga sinasadya." Sunod-sunod na sabi niya. Dinagdagan pa niya iyon ng pagyuko-yuko katulad ng nakikita niya sa asianovelas na pinapanood ng lola niya.
Sa panggigilalas ni Vin ay tumawa ang lalaki. Isang malutong na tawa na nagpakunot ng noo niya. Pinagtatawanan siya nito? Bakit? Kailan pa naging katawa-tawa ang paghingi ng paumanhin sa isang tao na nasaktan mo? May sayad ba ito sa ulo? May topak? Naka-drugs?
Nakadama siya ng inis sa lalaki. Ang kapal ng mukha nito na pagtawanan siya kung kailan siya seryoso. Natigil ito nang mapansin ang matalim niyang titig. Sumeryoso ito ngunit halata pa rin sa mukha ang tuwa. May namuong luha sa gilid ng mata nito dahil sa sobrang pagtawa.
"Anong nakakatawa?" Naiinis na tanong niya. Kinuha niya ang plastic envelope na na nasa tabi.
"Ikaw. Nakakatawa ka," sagot nito. "By the way, I'm Mack.”
Speechless si Vin. Pagkatapos siya nitong pagtawanan magpapakilala ito na parang walang nangyari. Mukhang may sayad nga talaga ang gwapong nilalang sa harap niya. Sayang ang kagwapuhan nito.
Hindi na niya ito sinagot. Agad niya itong iniwanan at naglakad nang mabilis para makalayo dito. Akala niya ay hindi na ito susunod ngunit nagkamali siya. Sumabay sa mabilis niyang paglakad ang lalaki.
"Hey! You're not yet answering me. Hindi mo tinanggap ang pagpapakilala ko. Na-offend ba kita in someway?" Clueless na tanong nito. Inglesero pa ang kumag. Saglit itong nag-isip. "I get it," anito na parang bata. Tila may nalaman na kamangha-mangha. "I'm sorry. Maybe you were thinking that I'm laughing at you. Sorry. Well, it was kinda true, though. Talaga namang nakakatawa ka. You look trying hard earlier when you did that. But don't worry, even you look trying hard, you still look cute to me."
Muli siyang natameme. Napahinto siya sa sinabi nito. Ganoon din ito.
Cute.. Sinabihan siya nitong cute.
"Let me introduce myself again. I’m Mack Dwayne Concovar. I'm twenty two years old. Ikaw? Ano ang pangalan mo?"
"I'm sorry. I'm not talking to stranger," wala sa huwisyo na sagot niya. Still, he was thinking on what he just said. Cute.
"Wala ka sa sarili mo. Nagugutom ka na ba? Gusto mo ilibre kita."
Bigla siyang natauhan.Oo. Gutom na siya. Gutom na gutom.
"Look mister na nabangga ko." Ngumiti ito na nagpa-distract sa gagawin niya sanang pagtataray. Kinalma niya ang sarili. "Alam mo ba na hindi normal sa isang tao ang makipag-usap sa taong hindi niya kilala?"
"Yeah I know that."
"So, bakit mo ako kinakausap ngayon?"
"Because I already introduced myself to you. So it meant that I'm not a stranger to you anymore."
Hindi siya nakapagsalita. May punto ang lalaki.
"Hindi pa ako nakikipagkilala sa`yo," tanging nasabi niya.
Lumuwang ang pagkakangiti nito. "It's okay. Alam ko naman na ang pangalan mo. You are Vinnezer Ilagan."
Napanganga na lamang siya. "Paano mo nalaman ang pangalan ko?"
Itinuro nito ang hawak niya na envelope. "Diyan.”
"Okay. Given na alam ko ang pangalan mo at nakuha mo ang pangalan ko. Still, you are a stranger. Kung makikipag-kaibigan ka. Pasensya na hindi kita ma-e-entertain. Marami na akong kaibigan," aniya, sabay bira ng alis.
Already lot of friends my ass! It wasn't true that he have lot of friends. Wala siyang masyadong kaibigan. Sa probinsya ay ilan lamang ang kaibigan niya. Samantalang dito ay dalawa lang. At ang dalawa na iyon ay parehong kasapi ng third s*x. May ilan rin siyang kasa-kasama palagi sa school nila ngunit ang trato niya sa mga ito ay barkada. They were just there during good times. Sa mga panahon na kailangan niya ng makakausap ay sina Joanna at Diega ang lagi niyang kasama kaya ang mga ito ang maituturing niyang tunay na kaibigan niya. Madalas na kasama niya rin ang dalawa kapag tumatambay siya.
Nakahinga siya nang maluwang nang mapansin na hindi na siya sinusundan ni Mack. Success! Sigaw niya sa isip. Sa wakas nakalayo siya sa weirdong lalaki. Saglit siyang natigilan nang maalala ang buong pangalan ng lalaki.
"Mack Dwayne Concovar," sambit niya. Nagkataon pa na ka-apelyido ito ng dati niyang kaklase sa college. May babae siyang classmate noon na Concovar ang apelyido at masasabi niyang malapit siya rito noon, nawalan lang siya ng komunikasyon kay Mikki nang umuwi siya sa probinsya at mamalagi roon ng isang taon.
Ang buong akala ni Vin ay hindi na siya susundan ng lalaki. Malaking 'buong akala' lang pala iyon dahil sumusunod pa rin ito sa kanya. Nasa likuran niya ito at hindi nagsasalita. Nang mapansin nito na nakatingin siya dito ay umagapay ito sa kanya. Hinayaan na lamang niya ito. Pagod na siya makipagsagutan. Ayaw na niyang magsayang pa ng energy sa lalaking ito. Wala naman siguro itong gagawin na masama sa kanya. Saka malayo ata iyon sa imposible dahil sa mukha nito. Well, looks can be deceiving though.
Nang may makita siya na karinderya ay agad siyang pumunta roon. Sumunod sa kanya ang lalaki. Pagkapasok nila ay marami ang tao. May mga nakapila sa order-an ng pagkain. May mga nakatayo na tila naghihintay ng matatapos na kumain. Hindi na niya iyon pinansin. Matatagalan naman siya sa pag-order at siguro ay may matatapos na ring kumain.
"Ikaw na ang maghanap ng pwesto natin. Ako na lang ang mag-o-order para sa `tin," sabi ng lalaki. Pabulong iyon kaya dama niya sa kanyang tainga ang mainit na hininga nito. Nagbigay iyon sa kanya ng kiliti. Lumayo siya rito. Bigla siyang na-awkward.
Hindi niya ito pinakinggan. "Hindi na. Sabay na tayong mag-order. At `wag mo nga akong utusan na parang close tayo. Remember, stranger tayo."
Ngumiti ito. Umiling-iling pero hindi tumanggi. Nasa unahan siya nito nakapwesto. Binilang niya kung ilan ang nasa unahan niya. Tatlo na lang. At last makaka-order na siya at makakakain na. May dumaan sa likuran ni Mack. Dahil masikip, hindi sinasadyang nadikit ang katawan nito sa kanya. Napalunok siya nang maramdaman ang solidong katawan nito sa likuran niya. May naramdaman rin siya sa parteng gitna nito. At malaki iyon. Lumayo siya rito. Nadedemonyo ang utak niya sa gwapong estranghero na ito.
Malapit na sila sa babaeng nagbibigay ng order. Kukunin na sana niya ang pitaka niya sa kanyang bulsa nang makapa niya na wala roon ang pitaka niya. Bigla siyang kinabahan. Tiningnan niya ang dalang envelope. Wala roon ang wallet niya at imposible naman na ilagay niya iyon doon.Nagbabakasakali siya na nandoon ang wallet at baka na-misplace lang niya. Kinapa niya ang dalawang bulsa sa likurang bahagi ng suot niyang pantalon. Wala rin. Sunod sa magkabilang bulsa. Mas lalong wala.
Mahina siyang napamura. Nakadama siya ng panghihina. Kung minamalas ka nga naman! Bakit sunod-sunod pa? Wala siyang ibang pera. Lahat ng pera niya ay sa pitaka nakalagay. Hindi siya naglagay ng pera sa kanyang bulsa dahil sa pag-aakalang safe roon ang wallet niya pero malaking akala lang pala iyon. Hindi na niya matandaan kung saan niya iyon naiwala.
Napansin ni Mack ang pagkaligalig niya.
"Okay ka lang?" May pag-aalalang tanong nito sa kanya.
"Hindi. Nawawala ang pitaka ko," halos mangiyak-ngiyak na sabi niya. He felt so hopeless.
"What? Saan? Kailan pa?"
"Hindi ko alam kung saan."
"Paano na ngayon `yan?" Tanong nito. Nasa boses pa rin ang pag-aalala.
Napayuko siya. Paano na ngayon? Nagugutom na siya. Paano siya nito makakauwi sa kanila? Pinigilan niya ang maiyak sa kamiserablehan na nararamdaman.
"Hindi ko alam. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Wala akong pera. Paano ako nito ngayon? Nagugutom na ako. Hindi ako nito makakauwi." Sunod-sunod niyang sabi.
Hindi niya kilala si Mack nang lubusan ngunit minabuti niyang sabihin dito ang problema niya. Gumaan lamang ang bigat ng loob na nararamdaman niya. Inakbayan siya ni Mack. Nagulat man hindi siya pumiksi.Wala na siyang lakas para gawin iyon. Masyado na siyang nade-drain sa gutom at sa pag-iisip ng kamalasan na nangyayari sa kanya. Pakiramdam niya nga safe at secure siya sa akbay nito.
"Don't worry. Ako ang bahala sa `yo. Ililibre kita ng pagkain. Pwede rin kitang ihatid sa inyo. May sarili akong kotse." May assurance sa boses nito. Nandoon ang hangarin na makatulong sa kanya.
"Sa-salamat," nahihiyang sabi niya.
Nakokonsensiya siya tuloy sa kagaspangan ng ugali na ipinakita niya dito kanina. Mack saved him. Mack served as his knight in shining armor. At siya ay isang gay-in-distress. Nataon pa talaga na sa ganitong sitwasyon. Waring tinadhana talaga na ngayon siya dapuan ng kamalasan. Kung ipinanganak lang siyang assuming baka in-assume na niya na ito talaga ang hero niya.
Tumingin siya kay Mack. "Sorry sa inasal ko kanina." Nararapat lang na humingi siya ng paumanhin ditto dahil sa aksyon niya kanina. Masyado siyang maarte at ang kaartehan niyang iyon ay hindi makakatulong sa kanya. Kung ibang tao baka kanina pa na-offend sa kanya. Mabuti na lang at friendly ang nature ni Mack.
Ngumiti si Mack at humarap sa kanya. Nanlaki ang mata niya. Kaunting espasyo na lang at maaari ng dumikit ang labi nito sa labi niya. Agad siyang nag-iwas ng tingin. Malakas din ang t***k ng puso niya dahil sa uneasiness na binigay ng sitwasyon nila. Apektado siyang masyado hindi katulad nito na balewala lang ang muntikang mangyari.
"Taken. You're already forgiven. Wala na sa `kin `yon. So, now, can we be friends?" Muling sabi nito. Nasa mukha ang pag-asam at hindi niya kayang balewalain iyon kaya ang pag-iwas ng tingin ang ginawa niya. Sa totoo lang may pagdadalawang-isip pa rin sa kanya kung tatanggapin ba ang pakikipag-kaibigan nito o hindi. Wala naming mawawala sa kanya kung susubukan niya. Subok na rin naman ang pagiging friendly nito.
Inilahad nito ang kanang kamay. Inabot na niya iyon ngunit hindi pa rin siya nakatingin dito. Upang gumaan ang sitwasyon na nilagay niya sa awakward state, nagsalita na siya. Tumingin na rin dito. Desidido na siya na maging kaibigan ito.
"Yeah, friends. Tatanggi pa ba ako? Tagapagligtas kita eh."
Malawak na ngiti ang naging tugon nito at pinisil ng bahagya ang kamay niyang hawak nito.