Pwede pa naman sigurong umatras 'no? Iyong charged to experience na lang iyong nasimulan kong kalokohan, bago pa magkaroon ng damage! "Uwi na tayo," kumurap-kurap kong pag-iiba ng usapan. "Kailangan pang gamutin ang paa ko," paalala ko sa kanya. Tila pinapaalala ng kumikirot kong paa na higit pa roon ang dadanasin kong sakit kung sakaling maubos ang pasensya ni Blake at biglang sakyan ang pang-aakit ko. Pero sa halip na patakbuhin ni Blake papunta sa direksiyon ng mansyon ang kabayo ay bigla niya itong minainubra patungo sa direksiyon ng kakahuyang nakapaikot sa estate. Sa bilis nang pagpapatakbo niya ay hindi ko nagawang magpahayag ng reklamo at pagtutol, halos mapayakap na nga ako sa kanya. Paulit-ulit ko siyang minura sa isip ko hanggang sa muli kong naramdaman ang pagbagal namin.

