Dahil siguro sa pwesto namin ni Blake ay medyo sumikip din ang hangin sa aking dibdib. Ang saddle ay idinisenyo para sa iisang tao lamang pero sa pagkakataong ito ay napilitan kaming mag-share kaya konti na lang at kumandong ako sa kanya. "Masyadong masikip," maya-maya ay reklamo ko habang pilit na inilalayo ang katawan mula sa kaniya. "Pwede bang umusog ka nang konti?" "Stay still kung ayaw mong mahulog," pabulong ngunit matigas niyang utos sa mismo tapat ng tainga ko. Ang mainit niyang hininga ay tumama sa sensitibong balat ng aking leeg, na nagdulot ng biglaang panginginig sa buo kong katawan pero hindi dahil sa lamig. "I need to hold the reins. Unless you want this horse to throw us both off, stop moving." Syempre kinabahan naman ako, dahil baka nga bigla akong mahulog at madagdaga

