Dahan-dahan nang humupa ang hatid na sensasyon ng ikalawang orgasmong nakamit ko ngayong araw. Dumoble pa iyong intensity sa pagkakataong ito kaya halos mawalan ako ng malay. Nang mahimasmasan at lumilinaw na ang darang kong isipan ay bigla akong sinampal ng reality. Tahimik ang paligid, maliban sa mabibigat na paghinga nina Blake at Cupid na parehong nahiga sa tabi ko. Tulala naman akong nakipagtitigan sa kisame habang lihim na pinapagalitan ang sarili. Matapos ang sarap ay aanihin ko ang kahihiyan dahil sa taglay kong karupukan na may halong katangahan! Gustuhin ko mang maglupasay at magpagulong-gulong habang sinasabunutan ang sarili ay hindi ko magawa dahil maliban sa may mga katabi ako ay hindi pa bumabalik ang buo kong lakas. Hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang panginginig ng

