Kahit nakakainis si Blake ay one hundred over ten ang galing nito sa pagpapatirik ng mata gamit ang labi at dila. Hindi pa man kumakalma ang katawan ko dahil sa pinaranas niya sa'king orgasmo ay bigla kong naramdaman ang panibagong presensya sa loob ng silid. Bumigat pang lalo ang paghinga ko habang tila may sariling radar na tumuon ang paningin ko sa particular na direksiyon ng pamilyar na presenya. Sunud-sunod akong napalunok nang tumambad sa mga mata ko si Cupid na prenteng nakasandal sa gilid ng vanity table ko habang nakatingin sa direksiyon namin ni Blake. Walang kakurap-kurap ang mga mata niya, at malakas ang kutob ko na kanina niya pa kami pinapanood. Naging tensiyunado ang buo kong katawan, pero hindi naman ako makagalaw dahil masyado nang huli para sa modesty ko gayong kan

