chapter 71

2343 Words

"Bakit parang masama nga talaga ang loob mo dahil sa pagdating ko?" namaywang na sumbat sa'kin ni Fhel nang mapag-isa kami sa silid niya. Magkatabi lang ang silid naming dalawa kaya madali lang sa amin ang pumunta sa silid ng bawat isa. Binigyan ko pa muna siya ng ilang oras para makapagpahinga at kinahapunan ko na siya kinatok sa silid niya. "Wala pa akong sinabi," nandidilat kong tugon sa pambungad niyang pahayag. "Hindi na kailangan," paingos niyang sagot. "Kita mo nga oh, tingin mo pa lang ay parang gusto mo na akong pabalikin sa Pinas." Umismid pa siya bago nilakihan ang pagkakabukas ng pinto. Nilagpasan ko lang siya at tuloy-tuloy na sa loob ng silid niya. Halos magkasing-laki lang ang silid naming dalawa, at halatang parehong metikuluso ang pagpili ng mga dekorasyon. Bumaba

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD