Parang may nagbuhos ng malamig na yelo sa likod ko. Pinapormal ko ang ekspresyon sa mukha ko at binalingan si Chailyn. Sumalubong sa'kin ang inosente at cute nitong mukha na nagliliwanag sa kasiyahan dahil sa sarili nitong ambag sa usapan. Sa sulok ng mga mata ko at napansin ko ang napapangiwing mukha ni Sarah habang si Fhel naman ay halatang nagpipigil ng tawa. "Daddy, you should be funny like a monkey so that Mommy will smile everytime she'll see you," payo pa ni Chailyn sa ama. "Right, Mommy? You love monkeys." baling nito sa'kin. Si Chailyn—ang munting anghel ko na nagsisilbing panggamot sa stress ko—ay opisyal na naging munting demonyita na sumira sa natitira ko pang dignidad sa harap ng sarili niyang ama! "A monkey?" mahinang tanong ni Cupid, bahagyang nag-freeze ang nakaka-inis

