"Smooth operation, my foot," bulong ko sa sarili habang mariing kinagat ang loob ng aking pisngi para pigilan ang pag-irap. Pero sa kabilang banda ay mas okay na rin na trabaho ang tingin ni Lawrence sa pagsama niya kay Fhel. Ang gaga lang itong masyadong asyumera! Ayokong mapansin ni Lawrence ang tahimik naming iringan ni Fhel. Baka isipin nitong nagiging childish na naman kami. Nang muli kong ituon ang buong atensiyon sa lalaking kaharap ay winaglit ko na sa'king utak ang inis dahil ilang oras siyang nakasama ni Fhel sa byahe, ayokong ma-dehydrate at biglang maging uhaw sa atensiyon niya dahil sa inggit. Halos ilang buwan din no'ng huli kong nakaharap si Lawrence nang ganito kalapit. Palagi lang kasi itong nasa Isla Buencamino tapos ubos na ang dahilan ko upang magpabalik-balik doo

