chapter 68

2186 Words

Mabilis na nawaglit sa isip ko ang komprontasyon namin ni Chloe, dahil mas priority ko ang paparating na si Fhel. Hindi ko nakontak ang gaga kaya walang nagawang hinintay ko na lang ang pagdating niya kinabukasan. Si Carlos ang umasikaso ng mga susundo kay Fhel mula sa airport papunta rito sa main estate ng mga Carson kung saan ako nakikitira. Alam ko ang schedule nang pagdating nito kaya ilang minuto pa lang ay naghihintay na ako sa front porch. Kasama ko si Sarah kanina pababa at nakasalubong namin si Chailyn na hindi na humiwalay at ngayon ay kasama ko nang naghihintay sa darating kong bisita. Nang malamang si Fhel ang darating ay biglang naging excited ang bata. Kilala nito ang pinsan ko kaya iniisip siguro nitong may karagdagan itong kalaro. "She's coming! She's here!" excited

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD