chapter 15

2177 Words

Nang ibalik ko ang tingin sa direksiyon ni Sloan ay inangat din nito ang sariling baso na may lamang amber-colored liquid at bahagyang isinaludo ito pabalik kay Felan Carson. Walang ngiti sa mga labi nito, ngunit ang simpleng galaw na iyon ay sapat na upang magparating ng tahimik na pagkilala. Pagkatapos ay ibinaling na ulit ni Sloan ang tingin sa'kin at itinuro ang mahabang mesa sa gitna at nagmuwestra sa amin na maupo. Bumitaw na sa'kin si Fhel, pero agad din itong sumunod nang maglakad ako patungo sa dulo ng head table, sa mismong katapat na puwesto ni Sloan. Tila saglit na nawala ang pagiging madaldal ni Fhel habang pareho naming naramdaman ang bigat ng mga tingin mula sa upper chambers. Napalunok pa ang gaga at palihim akong kinurot sa tagiliran habang halos hindi humihingang na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD