Hindi pa man tuluyang tumino sa isip ko ang suhestiyon ni Felan Carson ay muli itong nagsalita. "To guarantee absolute peace between our factions and completely secure her safety," pagpapatuloy nito habang dahan-dahang itinatapat ang malamig at misteryoso niyang titig sa akin, "Miss Kylie will be bound to the Carson family. A legal polyandry marriage between her and both of my nephews... Cupid and Blake Carson." Isang nakakabingi at nakakalunod na katahimikan ang bumalot sa buong silid, bago ito pinalitan ng mabilis na singhap at bulungan ng mga representative families mula sa upper chambers. Polyandry?! Dalawa silang kakasalan ko?! "WHAT THE ACTUAL F-?!" hindi na napigilang tili-bulong ni Fhel sa tabi ko, halos mapalukso sa kinauupuan habang nakahawak sa kanyang leeg, nanlalaki ang mg

