Muli ay itinaas ni Felan ang kanyang baso, inubos ang laman nito at pagkatapos ay binaba. Tila isa iyong pormal na pamamaalam bago walang anuman na dahan-dahan siyang tumalikod, kasama ang kanyang dalawang pamangkin. "Until tomorrow, then," hindi lumilingon nitong pahayag. "Safe travels back to your quarters, everyone." Tila walang nangyaring tuluyan nitong nilisan ang kinaroroonan balcony. "We will accommodate the transition according to the protocol, Felan," malamig at pormal na pahabol na tugon ni Sloan hanggang sa tuluyang naglaho ang presensya ng mga Carson. Nakatingin ang lahat sa surveillance kung saan sinusundan ang bawat galaw ng mga Carson palabas ng headquarters. Nang tuluyang makalayo ang mga ito ay tsaka pa lang mabilis na naglaho ang pormalidad sa paligid. Biglang suma

