A beautiful you episode 10

987 Words
Title: A beautiful you Chapter 10 MAAGA nag-lunch break si Aryana, ng matapos niya ang kanyang trabaho sa opisna. Agad niyang pinuntahan ang kaibigan si Maggie nag hihintay sa kanya sa fastfood na sinasabi nito sa text. “ Mabuti maaga ka ngayon” sabi nito ng makaupo siya sa tapat nito. “ Syempre maaga ko, natapos ang trabaho ko” tugon niya rito. “ Naka pag-order kana?” tanong niya rito. “ Hindi pa inantay kita. Ako nalang mag-order, dito kana lang, bantayan mo nalang iyang bag ko” sabi nito sa kanya at tumayo na para magpunta sa counter. Hindi sadyang mapatingin siya sa isang lalaki naka upo sa isang tabi sa loob ng kainan. Nakatingin sa kanya, sout nito ang pormal attire base sa hitsura nito mukha isa itong manager ng isang kumpanya. " Not bad for a husband." Sa isip niya. Nginitian niya ang lalaking nakatingin parin sa kanya. Gumanti sa kanya ng ngiti ang lalaki at sinabayan iyon ng pag tayo. " Yes! May nag lakas loob din na lapitan ako." Sigaw ng isipan niya nakatingin sa lalaki. Agad din siyang na dismaya ng makita itong nag lakad palabas ng kainan. " Ano ba talaga ang problema bakit ba hindi nila ako makuhang lapitan? Nag iba na ako ng pananamit ano paba ang kulang?"pag ngi-ngitngit ng kanyang kalooban. Malungkot na ibinaling ang attention sa pagkain nilapag ni Maggie sa kanyang harapan. " Bago iyang sout mo ah!" Untag sa kanya ni Maggie ng mapansin ang sout niya. nag-angat siya ng tingin saka ubod tamis na ngumiti kay Maggie " Nag shopping galor kami ni Christian kahapon." masigla niyang sabi rito. napangiti ito ng nakakaluko na halos umabot sa tainga "Uy! Ano na matutuloy naba ang kasal?" natatawa nitong tukso sa kanya. " Naku hinding hindi iyan mangyayari. Nag pasama lang ako pero walang kasal na magaganap. Tinulongan niya lang kaya ako baguhin ang panlabas ko para makahanap na ako ng aasawahin." dipensiya niya sa rili. Kinuha niya ang baso ng softdrink and sinimsim ang straw. " Bakit hindi nalang kasi kayo ang mag katuloyan. Wala ka namang problema sa magiging biyanan mo." muntikan ng pumasok sa ilong niya ang softdrinks sa sinabi nito " Alam mo, ikaw? wala ka talagang pinagkaiba sa ina ni Christian. Sinabi ko na sayo mag kaibigan lang kami hanggang dun nalang yon. Wala akong gusto sa mokong na yon period." pagdidiinan niya habang pinandilatan niya ito ng mata. Umismid si Maggie sa kanya sinasabi " Baka nga ang mangyari riyan friends with benefits kayo eh." Sinabayan nito iyon ng tawa. inirapan niya ang kaibigan" Kaloka ka. Diyan kana nga!"tumayo siya, saka iniwan na niya ito. Mabilis naman itong tumayo at sinundan siya." kunwari nagagalit pero, sa kaibuturan ng puso niya, kinikilig" natatawa nitong sabi nakabuntot parin sa kanya. " Hey! lubayan mo nga ako" kunwari na iinis siya rito. " Sige, bye! miss Madisson" natatawa nitong tukso sa kanya. Huminto siya sa paglakad saka nilingon ang kaibigan." Wag mo nga ako matawag na Madisson, kinakalibutan ako" nakairap niyang sabi saka nagtuloy na siya sa paglakad pabalik sa opisina. NAISIPAN niyang mag paiwan ulit kina hapunan. Kailangan sabihin niya kay Chtistian, kung bakit wala parin nagbabago sa pakikitungo ng mga kalalakihan sa kanya. Wala parin nag tangka kausapin siya, kahit nag iba na ang kanyang pananamit. " Kumusta na? May nanligaw naba saiyo?" Agad na tanong ni Christian ng lapitan niya ito. umupo siya sa silya nasa harap ng mesa nito" Kaya nga ako lumapit sa iyo. Bakit ganon, binago ko na ang panlabas ko pero wala paring nangahas na lapitan ako? Ano ba ang dapat kung gawin?" Nagugulohan niyang tanong. Binaba ni Christian ang hawak nitong ballpen at mataman itong tumingin sa kanya " Hindi lang kasi iyan sa panlabas, pati na rin sa kalooban mo." Napa kunot-noo siya sa sinabi nito" Ano ang ibig mong sabihin?" " Be friendly and act like hot." sinabayan nito iyon ng pag galaw ng balikat Nangonot ang kanyang noo sa sinabi nito. "Paano ba yong hot na sinasabi nito?" nalilito tanong sa kanya sarili. " Anong gagawin ko para maging hot ako? Ituro mo kaya ang ginagawa ng mga babae mo para iyon nalang ang sundin ko." sabi niyang tinitigan ito sa mata. " You figured out away to look hot the other day surely, you also know how to act hot." tugon nito, muli binaling ang paningin sa mga papeles nasa harapan nito. " Pinahirapan mo pa ako paano ba iyon?" naiirita niyang tanong muli ito nag angat ng tingin " You know, when you feel someting inside? You think of someone to make you feel arouse." sabi nito sa seryuso boses. Natigilan siya sa sinabi nito at nag isip, kung paano iyon. Mayamaya pa nag paalam na siyang mauna ng umuwi rito. Hindi ma alis-alis sa kanyang isipan ang sinasabi ni Christian hanggang sa maka rating siya sa kanila. Humiga siya sa kanyang kama at binasa ang pocket book na may love scenes. Ngunit wala parin siyang naramdaman ng pag iinit sa kanyang kaibituran. Nilapag niya ang pcoket book sa kanyang tagiliran at ini-imagine ang dalawang fictional character na nag making love. Pero wala paring epekto. Kahit anong gagawin niya hindi parin mag abosorb sa kanyang utak ang sinasabi ng binata. " makatulog na nga lang."sabi niya, sinabayan iyon ng pagbuntong hininga at Pinikit ang kanyang mga mata upang matulog nalang. Bigla niyang na imagine ang sarili nakaupo, sa kanyang upuan sa opisina, at nilapitan siya ng binata. Unti unti nitong nilapit ang mukha nito sa kanyang mukha. Hinuli nito ang kanyang mga labi.. Binuhat siya nito pa upo sa kanyang misa. " Hoy ano ba!" Saway ng kanyang utak ng makaramdam siya ng pag init sa katawan. " Hindi pwedi si Christian ang pag papantasyahan mo saway niya sa sarili. Bumangon siya at nagpapalakad lakad sa kuwarto. "Hindi pwedi, si Christian ang pagpapantasyahan mo" ulit niya sa sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD