A beautiful you Episode 9

1157 Words
Title; A Beautiful you Chapter 9 NAPAPIKIT si Aryana, ng makita ang binti ng ginang huminto sa likuran ni Christian. Napatingin sa kanila ang ginang ng makatayo ito mula sa likuran ni Christian. Hinding hindi siya mag kakamali mula ulo hanggang paa ng anak kilalang kilala niya, dahil siya ang nag silang nito. Kilalang kilala niya ang malapad nitong likuran. " Christian anak?"Sabay hawak nito sa ulo para e angat. Napa buntong hininga si Christian ng hawakan ng ina ang ulo. " Ma, ano ang ginagawa mo dito?"hindi alam ni Christian ang magiging reaction. Pinandilatan nito si Christian ng mata " Bakit mo ako pinag tataguan? lukong bata ka” sabi nitong sinulyapan ng ginang ang babae nakayuko sa ilalim ng misa. " Sino iyang kasama mong babae?” tanong ng ginang sa anak. Napa-kagat labi siya ng marinig niyang nagtatanong ang ginang kay Christian. “ Patay” bulalas niya “ Hija e-angat mo iyang ulo mo, nakikita na kita wag kana mag tago." sabi pa nito sa kanya Bumuntong hininga na muna siya bago inangat ang ulo " H-helo po mrs Madisson." Nahihiya niyang sabi ng maiangat niya ang ulo. Namilog ang mata nito ng makita siya, " Aryana hija? Bakit kayo nag tagong dalawa? Pinag lihiman muna akong lalaki ka?" sabi nito sa anak, kinurot ito sa tagiliran. “ Ma, wag ka naman mangurot” nahihiyang angal ni Christian sa ina. Pinagtitinginan na sila ng mga tao nandoon. “ Gusto, kuna magtampo sa iyo hija, hindi mo sinasabi sa akin, nag di-date na pala kayo ng anak ko” baling nito sa kanya “ Date? hindi kami nag di-date!” gusto niya kumuntra rito. " Ma, wag kayo mag ingay dito nakakahiya." Maktol ni Christian. Sumenyas ang ginang sa waiter na hanapan sila ng table na pang limahan kasama nito ang tatlong amega. " Mga mare ang mamanugangin kung si Aryana." Pag pakilala ni mrs Madisson sa kanya sa mga kasamahan nito. Gusto na niyang mag palamon sa kanyang inuopuan para maalis siya sa harapan ng mga ito. Ngumingiti ang mga kasama ng ginang sa kanya. Pilit naman siyang ngumiti rito bilang pag bati. Hiyang hiya na siya sa sinasabi ng ginang tungkol sa kanilang dalawa ni Christian. Nahihiya naman siyang kuntrahin iyon, baka mapahiya ang ginang sa mga kasama nito. “ Dito na kayo, halika hija” anang ginang naglakad palapit sa waiter ng mahanap sila nito ng upuan. Saglit silang nagkatitigan ni Christian nangungusap ang kanilang mga mata paano sila makawala sa ina. " Mag tatampo na ako sa inyong dalawa pinag lihiman niyo na ako." sabi nito sa kanila na pinalungkot ang boses “ Dito ka umupo sa tabi ko” sabi nito sa kanya. " Ma, may pinag uusapan lang kami ni Aryana tungkol sa trabaho namin." Pangatwiran ni Christian, na umupo sa tapat niya. " Trabaho? e araw ng sabado ngayon?" giit ng ina sa inisip nito nag de-date sila. tumikhim muna siya bago nagsasalita" Actually, po mrs Madisson pa uwi na din po ako ng makita ko si sir Christian, nag hi lang po ako sa kanya." alibi niya " Hija tita Martha nalang ang itawag mo sa akin. Saka, wagka muna umalis pag aalis ka mag tatampo ako sa iyo." sabi nitong tumingin sa kanya. Wala na siyang magagawa kundi ang kumain kasama ang ina ng binata. " Hindi na talaga ako makapag hintay na maikasal ang dalawang ito mga mare." Masaya nitong baling sa mga kasamahan. Bahagya siyang na bilaokan sa sinabi nito. Inabot ni Christian ang tubig sa kanya. “ Ang lambing ng anak ko, kay Aryana” kinikilig pa nitong sabi. " Wag niyo kaming kalimutan kunin na maging ninang niyo, ha?”halos magka sabay na sabi ng magkukumare. Napaubo na siya, sa sinasabi nito. “ Ayos ka lang ba Aryana?” alalang tanong ng ginang hinaplos-haplos ang kanyang likuran. " Kailangan maikasal na kayo dahil mag 31 kana Christian. Gusto ko nang makakita ng apo” Baling ng ginang sa binata. Hindi na niya maitago ang pagpa mumula ng kanyang pisngi sa mga pinagsasabi ng ginang. " Mama, naman sa bahay nalang natin iyan pag usapan."puna ni Christian sa ina. HINDI na makatiis si Christian, sa pinagsasabi ng ina. Kailangan makagawa siya ng paraan maka-alis sila ni Aryana sa harapan ng kanyang ina. Naisipan niyang e-text ang kaibigan si si Jolo, pinakiusapan niya itong tawagan siya para maka pag dahilan siyang maka-alis. Ilang saglit lang ang lumipas ay nag ring din ang kanyang celphone. Tumayo siya bitbit ang celphone " Ma sasagutin ko lang itong tawag." paalam niya. Tinapunan niya muna ng tingin si Aryana bago siya lumabas ng kainan. Kita niya ang pamumula ng mukha ng dalaga malamang nahihiya na ito sa turan ng ina. NAPAKUNOT-NOO si Aryana sinundan ng tingin ang papalayong binata. “ Abay, niligtas niya lang ang sarili niya” sa kaloob looban niya. Gusto na niyang makaalis pero nahihiya siyang iwanan ang ginang. Hindi niya alam ano ang ipag dahilan niya dito para maka alis na siya sa kanyang inupoan. " Hija, kapag nakasal na kayo ng anak ko sigurodo akong magiging masaya ang bahay." nakangiti sabi ng ginang sa kanya. “ Ang swerte muna sa magiging byanan mo hija, mabait na at butong buto saiyo” segunda ng amega nito. Isa iyang dahilan kung bakit ayaw niyang makasal sa anak nito. Ayaw na ayaw niyang tumira sa kahit na sinong byanan sa iisang bobong. Mas maganda ang mag bukod. Gusto man niya itong barahin pero wala siyang magagawa ina ito ng kanyang amo. " Ikaw ba hija, ilang taon kana?" Tanong sa kanya ng kumare nito. Pilit siyang ngumiti kahit, pakiwari niya nasa hot seat na siya " 29 napo." " Naku! kailangan niyo na talaga mag asawa ni Christian. Dapat nga 25 palang nag aasawa na kayo. Dahil pag sapit ng 30 ng babae nahihirapan na itong magka anak.." Sabad ng isang kumare. " Christian na saan kana ba? Iligtas mo naman ako mula dito." Sa isip niya habang hinahanap ng kanyang mata ang binata kanina pa lumabas ng restaurant. Biglang nag liwanag ang kanyang mukha ng matanaw ang papasok na binata sa restaurant. " Ma kailangan namin mag paalam dahil nag antay ang client namin." Pag sinungaling ni Christian ng makalapit ito sa kanilang mesa. Agad siyang tumayo, hindi na niya hinintay sumagot ang ginang. Gusto na niya talaga mawala sa harapan ng mga ito. " Dalawin mo ako sa bahay ko hija."sabi nito sa kanya “ Upo. Mauna napo kami” nakangiti niyang sabi. Tinapunan niya muna ng tingin ang mga kumare ng ginang. Saka dali dali na siyang tumalikod palabas ng kainan. " Pag pasensyahan muna ang mama ko ha?" Hinging umanhin ng binata ng makasakay sila sasakyan nito. " Ayos lang yon. Walang problema sanay na ako” nakangiti niyang tugon rito. Pero sa ka looblooban niya para na siyang ginigisa ng ginang at ng mga kumari nito kanina. “ Weeew!” hiyaw niya sa sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD