Title; A beautiful you
Chapter 8
ABALA si Aryana sa paghahanap ng kanyang sosoutin. Susunduin siya ngayon ni Christian, ano ba ang dapat niyang isout?
Kumuha siya ng jeans mula sa kanyang drawer at tinernuhan niya ng puting long-sleeved at tinupi niya ang manggas hanggang siko. Saka nag lagay siya ng earings na pearl at tinernohan niya ito ng fashion necklace pearl at sinuot niya ang kanyang black high heels.
Naka pony tail ang maitim na mahaba niyang buhok. Nag lagay siya ng kunting red lipstick at nilagyan ng kunting mascara ang kanyang mahabang pilik mata.
Matapos niyang masuri ang kanyang kabuohan ay agad siyang lumabas ng bahay. Natanaw niya ang sasakya ni Christian nakaparada sa kabilang daan.
" DAMN! she look so classy and sophisticated with her outfit." Bulalas ni Christian ng makita ang dalagang lumabas ng gate.
Sa tatlong taon nilang pag sasama nito bilang magka trabaho ngayon lang niya nakitang nag sout ng jeans si Aryana.
“ Bagay pala dito ang jeans." Sa isip niya na hindi inalis ang mga mata sa papalapit na dalaga.
Agad siyang bumaba ng sasakyan at pinagbuksan niya ito ng pintuan ng passenger seat.
" You look nice." Puri niya sa ng makalapit ang dalaga. Amoy pa niya ang perfume nito.
“ Salamat” nakangiti nitong tugon sa kanya at umupo na sa tabi ng driver seat.
" ANG gentleman pala nito. " Sa isip niya, ng tulungan siya nitong maikabit ang seatbelt. Napasinghap siya ng maamoy ang pabango nito.
Pagtapos maikabit ang seatbealt ay isinara nito ang pinto ng saksakyan at umikot papunta sa driver seat.
" Ngayon lang kita nakita nag sout ng jeans." ani Christian ng makaupo ito sa tabi niya. Binuhay nito ang makina ng sasakyan.
napangiti siya sa simpleng papuri nito sa kanya. Ngayon lang siya nakarinig ng papuri.
" Matagal na din kasi itong nakatago sa kabinet ko, naisipan kong isout." sabi niyang nakatingin sa binata.
" Not bad sa tenerno mong long slave bagay sayo." sabi nitong tinapunan siya ng tingin.
“ Pero hindi parin ang seductive na sinasabi mo?” gusto niyang sabihin pero sinarili na lamang niya iyon.
Makalipas ang ilang minuto narating din nila ang kilalang mall.
Pumasok sila sa isang kilalang botique.
Pumili siya ng bestida na kulay maroon v-neck ang shape at isang spaghetti strap dress at isang backless na kulay pula at puting dress na sleeveless na may lace, bohemian ang style no’n.
" Okay kaya ito?" Tanong niya sa binatang naka upo sa isang sulok.
" Isukat mo para makita ko kung bagay ba sayo."
Agad siyang pumasok sa dressing room para isukat iyon. Naisout na niya ang puting sleeveless bohimian ang style. Nagpaikot ikot siya sa harapan ng mahabang salamin.
“ Bagay kaya sa akin?” tanong niyang sa sarili sinuri ng maigi ang fitting nito sa kanyang baywang. Hapit na hapit naman iyon sa kurti ng maliit niyang baywang.
Nakangiti siyang lumabas ng room, para ipakita kay Christian ang kanyang ayos.
“ What do you think?” tanong niya sa natigilang binata. Hindi niya alam kung nagustuhan ba nito ang kanyang ayos.
Umikot ikot siya sa harapan nito. “ Ayos lang ba? Bagay ba sa akin?” pukaw niya sa pananahimik ni Christian. Matagal pa ito bago nagsasalita. Ginagalaw lang nito ang dalawang kilay.
" OH BOY!” ani Christian ng makita si Aryana nag paikot ikot sa kanyang harapan.
“ She look so hot." bulalas niya ramdam niya ang bahagyang pag galaw ng kanyang talong na katago sa ilalim ng kanyang brief.
" Maganda gusto ko iyan. Bagay saiyo” nakangiti niyang sabi.
“ Talaga ba? Baka niluluko mo lang ako?” panigurado nitong tanong sa kanya.
“ Aryana naman, kaya nga tayo nandito, para maghanap ng damit na babagay sayo, bakit paba kita lulukuhin?” tugon niya rito
“ Sige, ha basta sinabi mo eh” sabi nitong muling pumasok sa fitting room.
Mayamaya pa ay muli itong lumabas at sout ang iba pang napili nito. Nakitaan naman niya na bumagay kay Aryana.
" Gusto ko lahat ng napili mo, kunin mo iyon lahat." sabi niya sa seryusong boses.
“ Sige, sinabi mo eh” natatawa nitong sabi. Naglakad ito papunta sa counter para bayaran ang mga damit nagustuhan niya. Sumunod siya kay Aryana sa counter.
NAPANGITI naglakad si Aryana papunta sa counter. Kahit papano masaya din siyang kasama niya ang binata namimili ng damit. Marami itong alam. Kaya tiwala siyang tama ang kanyan napiling damit ay bagay sa kanya.
" Ako na ang mag babayad." Alok ni Christian sa kanya nakatayo ito sa kanyang gilid.
“ Ako na” sabi niya
“Ako na Arayana, ako ang nagdala sayo rito” giit nitong inabot ang card sa casher.
“ Nakakahiya naman ako ang may gusto mag shopping tapos iba ang nag bayad." Sabi niya rito
“ Ako naman ang nag alok”giit ng binata.
Wala na siyang magawa, hinayaan na lamang niya ito sa gusto nito.
Matapos mabayaran ang mga damit ay nag aya si Christian na kakain muna sila bago siya nito ihatid pauwi sa kanila. Sinang ayunan naman niya iyon.
Pumasok sila sa isang filipino foods, agad silang nilapitan ng waitress ng maka upo sila sa pang dalawahang upuan. Inabot nito ang menu.
Tumingin ito kay Christian kita sa mukha nito na kinikilig sa binata. Napa-ismid siya sa ipinakita ng waitress para sa binata.
" Pumili kana sa gusto mong kainin." pukaw nito sa kanyang pananahimik.
" Hindi pa rin ako maka paniwala na walang nanliligaw sa iyo kahit nong highschool kapa?" Di makapaniwala nitong tanong habang nag aantay sila sa kanilang order.
Sasagot sana siya ng mahagip ng sulok ng kanyang mga mata ang babae papasok sa restaurant kasama ng mga amega nito.
“ Naku, anak ng tukwa!” bulalas niya sa sarili ng mapagsino iyon.
" Christian ang mama mo." sabi niya sa binata, abalang nakatitig sa kanya nag-aantay ng kanyang sagot.
Napalingon ang binata sa may pintoan. Nanlaki ang mga mata makita ang papasok na ina kasama nito ang mga kumare.
Balisa silang napayuko sa ilalim ng misa. Pareho silang, ayaw na ayaw nilang makita sila ng ginang dahil ipag pipilitan naman nito ang kanilang kasal.
Lalo pa at kasama nito ang mga amega. Mapapahiya sila nito. Hindi pa naman ito ma-awat awat kapag nagsisimula na itong magsasalita.
Kinakabahan siya ng marinig ang boses ng ginang na palapit sa kanila.
“Sana hindi niya tayo mapansin” bulong ni Chritian sa kanya. kunwari pinulot nito ang kutsara sa sahig.