A beautiful you episode 7

1565 Words
Title; A beautiful you Chapter 7 HINDI mapakali sa pag hahanap ng mai-sosout si Aryana. Sabi ni Christian kaya walang nag kakagusto sa kanya dahil hindi siya interesting looking. Naisipan niyang baguhin ang kanyang pananamit. Nag sout siya ng tube na yellow saka pinatungan niya iyon ng blazer na puti at tinernohan ng mataas na palda na kulay black at pinatungan niya ng malaking itim na garterise belt. Nag sout siya ng mahabang earings na kulay silver at naglagay din siya ng lipstick na pula at eye shadow na yellow para ka kulay ng kanyang tube na sout. Ilang beses niyang sinuri ang kanyang hitsura sa salamin bago lumabas ng bahay.” Hmmm ayos na siguro ito, sexy naman yong tube ko kahit may nakapatong na blazer” aniya sa sarili Kinuha niya ang kanyang bag at nagmamadaling lumabas ng bahay” siguro magugulat si Christian pagmakita ako sa bagong ayos ko” nakangiti niyang sabi sa sarili. " Good morning Aryana." Bati sa kanya ni Lisa ng makita siya nito lumabas ng kanilang gate. “ Good morning Liza” balik niyang bati rito sa masiglang boses. Inantay niyang magkumento ito sa bago niyang ayos. " I-abot ko lang itong resume ko." sabi lang nitong inabot sa kanya ang brown na envelope. " Bakit hindi niya na pansin ang bago kung hitsura?" Desmiyado niyang tanong sa sarili saka kinuha ang envelope. " Sige Lisa magtutuloy na ako i-abot ko ito sa boss ko." Saka tinalikuran na niya ito. NAPATITIG sa kanya si Christian ng buksan niya ang pinto ng opisina. Tumingin din siya dito saka ngumiti. “ Nagulat kita noh?” sa kaloob-looban niya. Naglakad siya patungo sa kanyang desk. " Jesus Christ, Aryana! ano ang ngyayari sayo?" bulalas ni Sandra ng makita siya. " Para kang naanakan ng sampo." Natatawang sabad ni Marnila sa kanya. Napasimangot siya sa sinabi ng dalawa, saka padabog na umupo sa silya. " Ibalik mo ang dating ayos mo maganda kana don. Ayaw ko sa ayos mo ngayon. Para ka yong babae na daanan namin ni Sandra na ngangalabit ng mga lalaking dumadaan tapos sasabihin. Pang kape lang po." ani Marnila, saka binunotan iyon ng tawa. naiinis siya sa sinabi ng dalawa. " Wag kana magalit nanibago lang kami sa hitsura mo” sabi ni Sandra ng makita siyang naiinis. “ Okay na iyong nag lagay ka ng lipstick, pero wag mo naman kapalan yong kunti lang ba." Nakangiting sabi ni Marnila. " Saka yang palda mo parang panahon pa iyan ng kupong kopong." natatawang sabi ni Sandra HINDI mapigil ni Christian ang mapangiti, habang nakikinig sa dalawa. Gusto niyang humahalakhak pero nag pipigil siya baka mag walkout na si Aryana kapag sabayan niya sina Marnila at Sandra. Kunwari busy siya sa kanyang papeles pero ang kanyang tainga nasa dalawa. Na walang tigil sa pagpupuna kay Aryana. " Tapos yang earings mong mahaba wag mo iparis riyan at wagka mag lagay ng belt” pagpapatuloy ni Marnila. “ Yang Eye shadow mo na yellow tanggalin mo iyan. Para kang Pinanganak ng 1920s kulang nalang pa iklian mo ang buhok mo hanggang tainga malamang para kanang sinaunang panahon." Sabay tawanan ng dalawa babae. Hindi na niya napigil ang mapahagalpak ng tawa sa pakikinig sa dalawa. “ Sorry ito kasing pinanuod ko” pagdadahilan niya ng matanaw si Aryana hindi maipinta ang mukha sa galit. Wala naman tigil sa tawa ang dalawa. Malutong na mga halakhak ang pinapakawalan nito. Kaya na hawa na siya sa humahagalpak. Naluluha na siya sa kakatawa. TILA GUSTO na hubarin ni Aryana ang kanyang sout sa harapan ng mga ito. Inis na inis na siyang tinapunan ng matalim na tingin si Christian. Gusto niyang pagsasabunutan naman ang dalawa na walang tigil sa kakatawa. Masama ang kanyang loob na tinapos ang kanyang trabaho hanggang sa sumapit ang lunch break. Hindi niya kinibo si Christian at ang dalawang kasamahan sa inis. " Aryana patawarin mo na kami." halos magka sabay na sabi ng dalawang kasamahan. Ng tumayo siya naghahandang lumabas ng opisina. Naisipan niyang puntahan ang kanyang kaibigan. " Maganda ka parin naman kaya lang nanibago lang talaga kami. Sa bago mong ayos ngayon” ani Marnila Tinapunan niya ng tingin si Christian nakatingin din sa kanya. Muli niyang binaling ang tingin sa kasamahan. " Okay na, ibalik ko nalang ang dati kong ayos bukas." sabi niya sa dalawa saka lumabas na siya ng opisina. " MY GOD! Aryana, ano ba ang ngyari sa hitsura mo?” Gulat na tanong ni Maggie ng makita siya nito. " Kala ko kasi seductive ako tignan nito. Hindi ba ako sexy sa ayos ko?" Seriouso niyang tanong sa kaibigan. " Okay naman ang ayos mo. Yang top mo okay, na pero hindi sa mahabang palda mo e partner. Yong kulay kasi hindi nababagay. Yang make up mo nawala na sa ayos. Maganda ka naman kahit hindi ka nag memake up." seryuso saad ni Maggie " Gusto ko lang naman kasi subukan ang bago ayos." aniya sa malungkot na boses. " Okay naman yon pero minsan, ibagay mo din kasi. Yong mga sout mo dati okay na yon class ka non tignan." " Class ba iyon? Puro pang office naman yong sout ko." maktol niya sa sinabi nito. " Kaya nga iyong mga ganon ang tipo na babagay saiyo." ani Maggie " Ibig mong sabihin mag sout ako ng pang office lagi?" naiinis niyang tanong dito. " Hindi, ang ibig ko sabihin wag ka mag sout ng palda ng mahaba hindi talaga bagay sa iyo." Paliwanag nito. “ Sige, ibalik kuna lang sa dati ang ayos ko” pagka sabing iyon tumayo na siya para bumalik sa opisina. TAHIMIK siyang nagtatrabaho hanggang sa sumapit na ang hapon. Ni hindi sila nag uusap ng kasamahan ng makabalik siya mula kay Maggie. Nag aayos na ng gamit ang mga kasamahan pero hindi parin siya kumilos sa kanyang kina-uupuan. Kakausapin niya si Christian na ituro sa kanyang ang mga kasoutan ng mga babaeng sinasabi nitong interesting looking. Hindi talaga siya susuko hanggat may manliligaw sa kanya. " Paano ma una na kami saiyo?" Paalam ng dalawa sa kanya. " Sige kita nalang tayo sa lunes." Tugon niya sa dalawa. " Paalam po sir Christian." anang dalawa bago lumabas ng silid. Humugot siya ng malalim na hininga saka naglakad palapit sa desk ni Christian. Nag angat ito ng tingin ng mapansin siyang nakatayo sa harapan nito. Bigla itong humahagikhik ng tumingin sa kanyang mukha. Mula kanina hindi niya ito nilapitan ngayon, lang nakaalis ang mga kasama. " I’m sorry." natatawa parin nitong sabi Pinag kruss niya ang mga braso sa kanyang dibdib " Naiinis na talaga ako sa iyo. Ikaw naman nag sabi kailangan seductive looking yong interesting ngayon pag tatawanan mo ako." Tumikhim ito saka pinilit nitong sumeryoso " Totoo naman sinabi nila hindi bagay sayo." Natawa itong bigla ng maalala ang sinabi ni Sandra na para siyang babae na ngangalabit sa mga lalaking gusto makipag talik sa halagang pang kape. Ngalingali na siyang hampasin ito ng laptop nasa harapan nito" Sige tumawa ka pa. Sige pa, tawa pa." Inis niyang sabi habang naka pamaywang. " Sorry sorry."sabi nito habang pinunasan ang maluha luhang mata sa kakatawa. Saka sumeryoso na ito ng ayos. " Bukas wala tayong pasok samahan kita mamili ng mga damit." " Talaga? Ituro mo sa akin paano yang mga seductive looking na pinag sasabi mo. Kailangan tulongan mo ako maka hanap ng mapapangasawa para lubayan kana ng mama mo." sabi niya rito. Magka sabay silang lumabas ng opisina ng makasalubong nila ang ina ng binata. " Ma, ano ang ginagawa mo dito?" agad na tanong ni Christian sa ina. “ Gusto kung isama si Aryana sa zumba. Jesus hija ano ba ang ngyari sa iyo at nagka ganyan ang hitsura mo?" baling nito sa kanya. Nakita niya ang pagtawa ni Christian, na pilit pigilan nito. Kaya nag mamadali na itong naglakad papunta sa saksakyan. " Hoy, Christian samahan mo kami." Tawag ng ina sa anak. huminto sa paglakad si Christian at nilingon sila " Ma sa susunod mo nalang isama sa zumba si Aryana. Baka pagtatawanan lang iyan doon” Naka ngiti nitong sabi habang nakatingin sa kanya. Wala naman nagawa ang ginang kita din sa hitsura niya nagmukha siyang katawa tawa sa sout niya. Kaya minabuti nalang maka uwi na siya para maka pag bihis na at maalis ang kuleriti sa kanyang mukha. AGAD hinubad ni Christian ang sout na sapatos ng makapasok sa loob ng kwarto. Hinubad niya ang kanyang long sleeved at sinunod ang jeans at ang pang hulihang saplot. Pumasok siya sa banyo para maligo. Matapos niyang maligo nilapat niya ang kanyang likuran sa kama at inunan ang dalawa niyang palad. Naiisip niya si Aryana, habang naka tingin sa bobong. Tila naka ramdam siya ng guilty para kay Aryana. Tama na ito sa kasoutan nito perfect na talaga ito sa ayos noon. Kabaliktaran ang mga pinag sasabi niya dito. Hindi niya alam kung bakit kailangan niyang baguhin ang kaanyuan ng dalaga gayong maganda na ito. Wala lang siguro sa kanilang lugar ang lalaking para rito” Ewan ko ba kung bakit hindi kita makuhang magustohan." Sa isip niya. Kailangan matulongan niya rin ito para lumabayan na siya ng kanyang ina. Para malaya siyang magdala ng babae sa kanila. Pinikit niya ang kanyang mga mata habang inisip si Aryana hanggang sa makatulogan na niya iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD