Title; A beautiful you
Chapter 6
PAGKA galing ni Christian sa opisina dumeretso ito sa pad ng kaibigan. Tahimik ang kapaligiran” nasaan kaya yon sablay na iyon” aniya sa sarili
Kinuha ang susi ng pad ni Jolo sa ilalim ng paso. Maingat siyang pumasok sa loob ng mabuksan niya iyon.
" Christian naman papatayin mo naman ako sa nerbyos” angal ni Jolo ng palabas ito ng banyo at nakita siyang pumasok sa pintuan.
“ Kala ko walang tao. Bakit tahimik?” nakangiti niyang tanong saka umupo sa sofa.
" Anong gusto mo magpaparty ako? Bakit ka ba nandito?” anitong pinahid ng towalya ang basang buhok.
" Si Aryana kasi kinausap ako." aniya sa mahinang boses.
" Mag papakasal na siya sayo? Pumayag na siya sa pambubuyo ng ina mo sa kanya?" Nakangiti nitong tanong
“ Loko! Tinatanong niya kasi ako kung ano daw ang mali sa kanya.Bakit daw walang lalaki nag kakagusto ayain siyang lumabas."
“ Wait. Ibig mong sabihin never pa siya nag kakaboyfriend since birth?" Kunot- noo tanong nito.
" Yes. Wala daw nangahas sa kanya na ligawan siya." humiga siya sa sofa.
" Ibig sabihin virgin pa si Aryana? Pari ang swerte mo pag pinakasalan mo si Aryana." natatawang sabi nito.
napabangon siya sa sinabi nito " Loko! Kahit virgin pa iyon ni hindi nga sumagi sa utak ko ang ligawan siya. She’s not my type." pag-didiinan niya
" Well Christian Madisson is very known habulin ng mga babae." Natatawa nitong tukso sa kanya.
“ Pero ingat ka sa kasabihan, the more you hate the more you love” dagdag nito
" Alam mo pare hindi ako nababagay kay Aryana, sa mundo ni Aryana naka perfect niya, Kita mo paano siya gumalaw halos gusto naka ayos ang lahat. Hindi ako nababagay sa mundo niya. Kahit plain ito pero yong mga kilos niya parang naka perfect na”
" Bakit, may gusto kana ba sa kanya kung saka sakali baguhin niya ang perfect niyang mundo." Tukso nito
" Never iyan sumagi sa isip ko."
" Hindi kaba na develop sa kanya mag hapon kayong magkasama. Saka hindi naman pangit si Aryana."
" Oo maganda naman talaga si Aryana kaya lang napaka lamig nitong tignan." wika niya sa mababa boses.
" Ni minsan hindi nakapag patayo ng talong mo si Aryana?" Natatawa nitong sabi.
" Loko ka. Ayaw kona muna sa babae." sbai niyang muling humiga.
" Hah? Ano na gusto mo lalaki? Kaya kaba nandito sa pad ko type mo naba ako pare?" ani Jolo nakatayo sa kanyang harapan.
" Sira ulo g**o to” Natatawa niyang sabi. Hinampas ito ng unan nasa kanyang gilid” hindi tayo talo. Loko ka!”
" Kailan ang huli tumayo yang talong mo?" curious nitong tanong
" 8 months ago pa." tugon niyang pinatong ang kanyang braso sa noo.
" Tagal na pala hindi ka muli naka tikim. Ano naba ang nangyari sa hearttrobs ng San Nicholas ." Natatawa nitong sabi.
“ Ikaw nga, guwapo walang nobya”tukso niya rito
“ Anong wala, hindi ko ba nobya si Maragret?” tugon nito
“ Sana all!” natatawa niyang sabi
" Mabalik tayo kay Aryana. Ano sinabi mo sa kanya ng tinanong ka?" umupo ito sa gilid niya.
" Sinabi ko na plain looking siya gusto ng mga lalaki ay yong friendly at seductive looking. Yong very interesting." tugon niyang pinikit-pikit ang mga mata.
“ Ano naman ang sinabi niya?” curious nitong tanong. “ Sa palagay mo hindi iyon nasaktan sa sinabi mo?”
“ Ewan ko, basta sinabi ko sa kanya kung ano ang nakikita ko sa kanya. Tinanong niya ako, edi sinagot ko lang din siya”
" Hindi naman pangit si Aryana nagagandahan nga ako sa kanya." tugon ni Jolo
" Bakit hindi mo niligawan? Paano kaya pare kung asawahin muna si Aryana, para tigilan na din ako ng mama ko total nagagandahan ka naman sa kanya." Boyo niya dito.
Hinampas siya nito sa paa " Para e pakulam ako ng mama mo?" Natatawa nitong biro." Alam mo naman obssesed iyon kay Aryana. Baka pag ligawan ko ipakulam ako ng nanay mo, inagawan ko ang anak niya." dagdag pa nito.
" Sira! Hindi iyan mangyayari itaga mo sa bato. Hindi ko papakasalan si Aryana." Mariin niyang tanggi dito
" E ano nga ang gagawin mo hindi ka naman titigilan non, Paano ka mag aasawa hindi nga makapunta sa bahay niyo ang mga naging nobya mo. Nag ala Dionesia nga ang nanay mo yong pinag cross ang finger nong nalaman may nobya ka." Natatawa nitong sabi.
" Ewan ko ba diyan sa nanay ko, anong nakita niya kay Aryana at pinagtulak tulakan ako don”
" Baka dahil nakitaan niya ng kabaitan si Aryana. Hindi naman mahalaga ano ang ayos ng tao, mahalaga mabait at mapagkatiwalaan” ani Jolo.
Bumangon siya mula sa pagkakahiga at umayos ng upo " Pare paano kaya tulungan mo ako?" Seriouso niyang sabi dito.
" Ano nanaman ang maitutulong ko?" curious nitong tanong
" Ligawan mo si Aryana pare." seryuso ang kanyang mukha tumingin sa kaibigan.
" Nasisira naba ang ulo mo? Nagagandahan lang ako kay Aryana pero hindi ko sinabi liligawan ko.
Pero curious ako ano kaya ang gagawin ni Aryana matapos mong sabihin sa kanya ang gusto ng mga lalaki, para din obsses na yon mag ka roon ng boyfriend." ani Jolo sumandal sa sandalan ng sofa.
" Syempre ikaw ba hindi naka tikim ng halik at 29 age." Natatawa niyang sabi.
" Parang na curious ako anong pag babago ang gagawin ni Aryana” ani Jolo
" Ewan!” Sinabayan niya iyon ng kibit balikat.
“ Baka ma inlove ka, pag nagtransform iyon. Baka kakainin mo ang mga sinasabi mo” natatawa nitong sabi sa kanya.
“ Malayo iyan mangyayari. Ang layo ni Aryana sa mga babaeng gusto ko”
“ Naku, wag kang magsasalita ng tapos” kuntra ni Jolo sa sinabi niya.
Sa kaibuturan ng puso niya, inisip niya ano kaya ang gagawin ni Aryana matapos nitong malaman ang tungkol sa ayos nito.
Nakaramdam tuloy siya ng pagka guilty sa kanyang sinabi rito kanina.
“ Pero okay din iyon, para naman mabago niya ang ayos niya. Baka dahil doon makatagpo na siya ng lalaking magkaka gusto sa kanya, lalo pa’t hindi pa pala ito nagkakaroon ng nobyo” bulong niya sa sarili.
Tumayo siya saka nagpaalam sa kaibigan na uuwi na.
“ Oh, iyon lang ba pinunta mo?” ani Jolo sa kanya
“ Iyon lang” nakangiti niyang tugon
“ Mukhang ba bother kana kay Aryana ah” natatawa nitong tukso
“ Luko ka, makauwi na ngalang” aniyang lumabas na ng pad ng kaibigan.