CHAPTER THREE

1066 Words
"Hindi na ako makatulog eh," aniya sa mga ito. Nginitian siya ni Kyla, "Halika, magkwentuhan na lang tayo. Kwentuhan mo kami about sa kumbentong pinanggalingan mo, sabi kasi nina tita lourdes mag-ma-madre ka daw eh," Mahabang pahayag ni Kyla sa kanya na ikinatuwa naman niya. Sadyang ito ang madaldal at mas approachable kesa kay Sally na tahimik lang na nakikinig. Umupo siya sa tabi ni kyla, kumakain pa rin ang mga ito. "Bakit nais mong maging madre? Eh, napaka-ganda mo at pwedeng pwede kang maging madre Amara." Si Kyla muli. "Bata pa kasi ako gusto ko na iyon eh, atsaka iyong lang ang paraan ko para maibalik ko ang kabutihang ipinakita sa akin ng mga madre doon," nakangiti niyang pahayag dito. "Buo na ang desisyon mo? Sayang naman ang ganda mo kung mabuburo lang doon. Kung ako ang may ganyang mukha, naku! Baka modelo na ako ngayon at sikat." Biglang sabat naman ni Sally na ikinatawa niya.  "Napakahinhin mo namang tumawa Amara, nakakainggit. Hindi katulad ko, kapag tumawa abot hangang kabilang kanto," ani Kyla na humalakhak pa. Sadyang mahinhin talaga siya, siguro dahil na rin sa paligid na kinalakhan niya. Madaming aral ang bumungad sa kanya mula kamusmusan. "May mga magulang ka pa ba, Amara?" Tanong ni Sally na tumayo at tinungo ang lababo para hugasan ang pinag kainan. Napailing siya. "Wala na, sabi ni mother superior sa akin ay ulila na akong lubos," paliwanag niya dito, tumingin ang mga ito sa kanya na tila naawa. "Okay naman ako kahit walang magulang eh," muli ay sambot niya. Pero sa totoo lang minsan ay naiisip niya ano kayang pakiramdam ang magkaroon ng isang magulang? "Nakakalungkot naman pala ang kwento mo, pero hayaan mo na. Ganoon talaga ang buhay Amara, ang importante may mga kumupkop sa'yo at hindi ka naging palaboy," sabi ni Kyla sa kanya na nangalumbaba pa paharap sa kanya. "Pero ang ganda mo talaga, hindi nakakasawang tignan yang maamo mong mukha," dagdag puri nito sa kanya na ikinapula ng kanyang mga pisngi. "Oh siya, maiiwan ko na kayo. Maliligo muna ako at para makatulog na. Napagod ako ngayong araw dahil sa mga estudyante." Sabat ni Sally at iniwan na silang dalawa. Marami pa silang napagkwentuhan ni Kyla, Atsaka sinabi na rin nito ang mga gagawin niya bukas sa coffee shop. Nang inantok na siya ay nagpaalam na siya sa kausap para makapag-pahinga na. - - - - - - - - - - - - *********************** KINABUKASAN "Amara, ipinabibigay ni Tita Lourdes." Bungad sa kanya ni Kyla paglabas niya sa kwarto. Inabot nito sa kanya ang ilang pares ng mga damit na alam niyang uniform niya na susuotin mamaya. "Salamat Kyla, ang kyut naman," sabi niya dito na natawa naman. "Ikaw lang ang naka slacks sa atin. Konserbatibo ka talaga ha," biro nito sa kanya at nilampasan na siya. Ni-request niya talaga kay Tita Lourdes na kung pwede sana ay slacks ang ibigay sa kanyang uniporme at hindi skirt. Pumayag naman ang huli at walang kaso daw iyon. Pagkaligo ng dalawa, ay naligo na rin siya. Nakakahiya naman kung babagal-bagal siyang kumilos lalo na't unang araw niya sa trabaho. Pagkaraan ng ilang minuto, tapos na siya at lumabas na sa may sala. Handa na siya, pero ang dalawa ay busy sa pagme-make up. Pero siya ay hindi. Hindi naman sa bawal pero tila hindi angkop para sa kanya. "Grabe, bagay na bagay sa iyo ang dilaw Amara. Napaka puti kasi." Pansin ni Kyla sa kanya nang humarap ito. "Kulob lang ito sa kumbento, dahil na rin siguro sa abito," Nahihiyang sabi niya, maganda din naman si Kyla at Sally. Hindi nga nakakasawa ang mukha ng mga ito. "Baka kapag nakatabi ka namin, magmukha kaming kasam-bahay mo ha?" Sabi ni Sally habang inaayos ang gamit. Natawa na lang siya dahil masyado siyang naiilang kapag pinupuri siya ng mga ito. Ilang saglit pa ay lumabas na sila ng quarter nila upang makapasok na. Sa main gate pa rin ng mga Ferrer sila dadaan. Sa bandang gilid sila dumaan, sa may gazebo at swimming pool na pagkalaki-laki. Gaano ba kayaman ang mga Ferrer? May tiga hatid at sundo pala sila, swerte naman pala nila, hindi na sila mahihirapan pang mag commute papunta sa trabaho.  "Ilang taon na kayo sa mga Ferrer?" Naisipan niyang biglang itanong sa dalawa habang nasa byahe sila. "Ako  mag iisang taon pa lang, si Kyla naman mahigit dalawang taon," sagot ni Sally sa kanya. Napatango-tango na lang siya, matagal na rin pala ang mga ito doon. Hindi na siya magtataka. - - - - - - - - - - - ********************** "I know that smile," ani Evan sa kanya nang makalapit ito sa kanya at umupo sa kalapit na upuan. "What?" Patay malisyang sagot ni Jexel dito, habang humihigop sa kape niya. They were having their breakfast, hindi sila umuwi at nakitulog kina Ezrael. "I saw that you, moron!" Natatawang sabi ulit ni Evan sa kanya at binato siya ng isang pirasong chips. "Hindi lang ikaw, me too." Sabad naman ni Anthony na papalapit din, tangan ang kape sa tasa. "Saw what?" Natatawa na niyang tanong sa dalawa na ngumiwi sa kanya. "Kinindatan mo 'yong nobisyada kahapon, seriously Jex? Pati madre?" Hindi makapaniwalang pahayag ni Evan sa kanya na tinawanan lang niya. "Alam namin kung gaano ka katinik sa mga babae, but please spare her." Pina-ikot pa ni Anthony ang mga mata. "Anong masama sa ginawa ko? Kinindatan ko lang naman siya, and hindi ko mapigilan eh, I found her cute on that white habit," aniya sa dalawang kaibigan. "Cute my ass, kilabutan ka Jex. Oo, she's pretty but for pete's sake Jex! She's a nun!" Natatawang turan naman ni Evan. Napahagalpak siya ng tawa sa mga reaksyon ng kanyang mga kaibigan. He was just playing around. Masyadong seryoso naman ang mga ito. "Pinag-uusapan niyo ba ako?" Biglang sabat ni Ezrael na kakadating lang, may mga dala pang pagkain para sa kanila. Kaya minsan mas masarap magpa-ampon sa kaibigan eh. "Nope. Pinag-uusapan namin 'yong nobisyadang bisita niyo kahapon. What's her name again?" Si Anthony. "It's Amara," ani Jexel na may kakaibang ngisi sa mga labi habang hinihimas-himas ang baba. Totoong nakyut-an siya sa tila white lady kahapon. Makulit kasi ang mata niya minsan, nangingindat ng natitipuhan. Hindi niya kontrolado. "Dagdagan mo nga ang kape mo Jex, at nang kabahan ka naman at mapaisip na nobisyada 'yang binabalak mong aswangin," Natatawang sabi ni Ezrael na sinang-ayunan naman ng dalawa. Napa kibit-balikat na lamang siya sa mga ito at nakisabay nang kumain, mga panira sa buhay ang mga kaibigan niya. Madalang na nga lang siyang makatipo, kumo-kontra pa. Eh paano po, madalang ka ngang maka-tipo pero sa nobisyada naman? High ka ba? Biglang bulong ng isang bahagi sa kanyang isipan. Weird nga, siya ang hinahabol-habol ng mga babae at unang nagpapakita ng motibo. Pero ngayon ngang nagka tipo siya, isang nobisyada pa? 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD