CHAPTER TWO

1070 Words
Pinaupo sila sa isang napaka-gandang sala. May malalambot na sofa, grabe. Hindi siya sanay sa mga ganitong magagarang paligid, dahil sa kumbento ay napaka simple lang ng kanilang pamumuhay. Kahit nga cellphone hindi sila nakakagamit talaga, wala siyang ganoon. Ilang saglit pa, nakita na niya na papalapit na sa kanila ang mag asawa Ferrer na may malalawak na ngiti sa mga labi. Kinamayan sila ng mga ito, at umupo sa harapang sofa nila. "Nice to meet you again Amara, It's been a while," ani Mrs. Ferrer sa kanya. Siguro mga nasa 55 ang edad nito pero napaka bata pang tignan. "Oo nga po, kamusta na po kayo? Masaya po ako na kayo ang magiging amo ko sa magiging trabaho ko," Sagot niya sa babae na napailing. "Drop that 'Amo' hindi magandang pakinggan. You can call me, tita lourdes. Sandali at maiiwan ko muna kayo ha? Magpapahanda ako ng pagkain para maka-kain na kayo." Masaya nitong paalam at iniwan silang tatlo nina Mr. Ferrer, "Sana ay magustuhan mo dito Amara, mababait ang mga kasama namin sa coffee shop. Tiyak mag-eenjoy ka doon," ani Mr. Ferrer, na nagpapatawag na lang din ng tito Greg sa kanya. Pinagmeryenda muna sila ng mag-asawa, dahil sabi nila ay maaga pa para mag hapunan. Masaya silang nagkukukwentuhan ng kung anu-ano, pero madalas ay tungkol sa kanilang kumbento. Sadyang napakabait ng mag asawang ito kaya lalong pinagpapala ng Diyos. Nasa kalagitnaan sila ng masayang kwentuhan, nang biglang may dumating. Apat na lalaki, pawang lahat ay may hitsura at halatang may mga kaya sa buhay. Tumitig siya sa mga ito, partikular sa lalaking aa tantya niya ay nasa 6ft ang taas. Maskulado ang pangangatawan at sadyang sa kanilang apat, ito ang mas nakaka-agaw ng pansin. Halata din sa mukha nito ang pagka-pilyo. Nakasuot ito ng white polo, na hindi naka-butones ang tatlong butones sa taas, pagkara'ay white pants na sadyang humahakab sa malaman nitong mga binti. Medyo may pagka brown din ang buhok nito, nagtama ang kanilang mga mata at nanlaki ang mata niya nang kindatan siya ng lalaki. Agad siyang umiwas ng tingin at napa sign of the cross pa. Unang beses niyang maganun, ano at puting-puti ang damit ng lalaki na sumisimbolo sa kadalisayan, pero tila napaka maka mundo. "Good evening ma, pa," bati ng isang lalaking naka black at nakita niyang nagmano sa mga magulang.  Anak pala nina Mr. Ferrer ang isa sa mga apat. Nagsi-mano din ang tatlo, hindi na siya muli pang nagnais tignan ang lalaking nakaputi. Ayaw niyang tumingin sa mga taong magiging dahilan ng kanyang pagkakasala. "Amara, Mang nestor, this is my son Ezrael and his friends." Pakilala ni Mrs. Ferrer sa mga baging dating. Ngumiti siya kay Ezrael at sa dalawa pa na pawang nakatitig sa kanya, ayaw man niyang tignan ang lalaking naka-polo pero ayaw niyang maging rude. Pagka-ngiti niya sa lalaki, tinaas baba pa nito ang dalawang kilay at muli siyang kinindatan. Muling nanlaki ang mga mata niya at umiwas muli ng tingin dito. Hindi niya alam kung nakita ba iyon ng taong kasama nila, hindi ba nakikita ng lalaking ito na naka abito siya at halatang isa siyang nobisyada. Pero kung umasta sa harapan niya tila hindi nito alam na nobisyada siya? "Sa taas lang kami Ma, nice to meet you Amara and Mang Nestor," sabi ni Ezrael at umalis na kasama ang mga kaibigan nito. Hindi na niya sinundan ng tingin pa ang mga ito, dahil ayaw niyang masilayan ang lalaking nasa puting polo. - - - - - - - - - - - - ********************* Dinala sila ni Mrs. Ferrer sa isang quarter na para sa mga trabahador sa coffee shop ng mga ito, grabe. Napakaganda din ng quarter na iyon at malawak. May sariling kusina, sala at Cr. May isang silid doon na alam niyang malawak din. "Tatlo kayo dito hija, sina Sally at Kyla ang mga kasama mo. Mamaya darating na din ang mga iyon." Paliwanag ni tita lourdes, si mang nestor ay bumyahe na pabalik ng milagros. "Hindi po pala ako maiinip, may mga kasama ako. Salamat po Tita Lourdes," aniya sa kaharap. "Oo, mababait ang dalawang 'yon. O siya, maiiwan na kita. Magpahinga ka muna, kung nagugutom ka may mga pagkain naman diyan. Wag kang mahiya." Tumango-tango siya sa babae at pagkara'ay umalis na ito. Pumasok siya sa kwarto, ginamit niya ang binigay na duplicate key ni Tita Lourdes. Bumungad sa kanya ang tatlong saktong laki ang kama, nagmasid siya at alam niyang sa kanya ang nasa kanang bahagi sa may sulok dahil na rin iyon lamang ang tanging walang gamit. Agad siyang nahiga, talagang napagod siya sa byahe. Sa hindi malamang dahilan bigla niyang napabangon, dahil biglang naglaro sa kanyang balintataw ang lalaki kanina. Nanlaki ang mga mata niya at nag sign of the cross. "Mali, mali. Huwag ko ng isipin ang kapangahasan ng lalaking iyon." Kausap niya sa sarili. Ipinilig-pilig ang ulo at tumayo para ayusin ang mga gamit. May durabox na siyang nakahanda doon, pagkara'ay naisipan na niyang maligo para makatulog na. Tila napipikit na kasi ang kanyang mga mata. - - - - - - - - - - - - - ************************ Naalimpungatan si Amara, dahil tila may nagbubulungan sa paligid niya. Pagmulat niya ng mga mata, dalawang babae ang bumungad sa kanya. Nakangiti ang mga ito sa kanya. "Pasensya ka na, nagising ka ata namin?" Tila nahihiyang pahayag ng isa. Ngumiti siya at napailing dito. "Ako si Kyla, Ikaw si Amara right?" Muli ay sabi nito. Tumango siya, "Ako naman si Sally." Nakangiting pakilala naman ng isa. "Masaya akong makilala kayo. Kayo ang makakasama ko sa coffee shop hindi ba?" Nahihiya pa niyang tanong. Magkapanabay na tumango ang mga ito, Ngumiti naman siya, mukhang mabait naman ang dalawa kaya sadyang naging komportable ang pakiramdam niya. "Osige matulog ka na ulit. Kakain lang kami, hindi pa kami nagdi-dinner eh. Kumain kana ba?" Madaldal na sabi ni Kyla. "Oo kumain na kayo, tapos na ako kanina pa. Goodnight," Sabi na lang niya, nahihiya pa siya sa dalawa kaya sa ngayon, ganito na muna niya kakausapin ang mga ito. Humiga na siya at nagtalukbong ng kumot. "Ang ganda niya noh?" Narinig pa niyang sabi ni kyla ng medyo nakalayo na ang mga ito sa kanya. Dinig naman niyang sinang ayunan naman ni Sally ang sinabi nito. Pakiramdam niya namula ang pisngi niya sa mga narinig mula sa dalawa. Hindi siya sanay sa mga ganoong papuri. Sadyang nakakapaninago nga ang mga nasa paligid niya ngayon. Bigla nanaman siyang nalungkot, dahil naalala ang kumbento. Iba pa rin ang pakiramdam ang nasa kinalakihan, dahil sa mga naiisip hindi na siya muling nakatulog, kaya naisipan niyang lumabas sa sala. Nadatnan niyang masayang nagkukuwentuhan ang dalawa, na tila close na close sa isa't isa. Nakakatuwa lang dahil siya ay walang naging kaibigan na malapit lapit sa edad niya. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD