CHAPTER ONE

1092 Words
Habang nakaupo ay nakangiting pinagmamasdan ni Amara ang mga bata na masayang naglalaro sa maliit na hardin ng kumbentong kanyang kinalakihan. Kagaya ng karaniwang araw, suot niya ang kanyang puting abito.  Ang kumbento ng Little Angel ay isa lamang maliit na kumbento sa bayan ng Milagros, ang kumbentong kumupkop sa kagaya niyang ulila. Kaya ipinangako niya sa sarili na balang araw sa kumbentong ito rin siya maninilbihan. Gusto niyang maging ganap na madre at mamuhay sa Little angel habang buhay. Ang kumbentong ito ang nagpaaral sa kanya hangang sa nakatapos siya sa kursong nursing, na nagagamit naman niya sa mga batang narito at katulad niyang nobisyada. "Nasasabik kana ba hija?" Agad siyang napalingon sa nagsalita at napatayo. "Kayo ho pala mother superior." Magalang niyang sabi sa madreng dumating. "Nasasabik kana ba sa nalalapit mong paglabas sa kumbento?" Nakangiting ulit nito. Umiling siya at malungkot na ngumiti. "Pwede ho bang hindi na lang ako lumabas?" Tila nakikiusap ang kanyang tinig. Dalawang araw kasi mula ngayon ay kailangan niyang manirahan sa labas ng kumbento, parte iyon ng kanilang training para malaman kung sila ba ay para sa kumbento talaga. Kung mababago ba ng buhay sa labas ang kanilang kagustuhang maging isang tunay na ganap na madre. Hinawakan ni mader superyora ang kanyang dalawang kamay. "Amara, alam mong lahat ng nagnanais na maging ganap na madre ay dadaan sa ganyan, at kagaya nila kailangan mo rin pagdaanan," Nakangiting paliwanag nito sa kanya. Isang taon. Isang taon niyang hindi makikita ang mga ito, aminin niya man o hindi natatakot siya sa buhay sa labas. Dahil buong buhay niya umikot lamang sa kumbento, at isa pa madalang lamang siyang lumabas para makisalamuha sa mga ibang tao. "Natatakot po ako, baka magustuhan ko nang sobra ang buhay sa labas ng kumbento at mabigo ko kayo nina sister, pati na rin ang sarili ko," Malungkot niyang pahayag. Iginiya siya ng madre paupo sa kaninang inuupuan niya. "Huwag kang matakot sa ano mang kahihinatnan nang paglabas mo Amara, kung para ka dito alam kong babalik at babalik ka. Isa pa, kung sakali mang mabago ang desisyon mong maging madre wala namang masama. Lahat tayo ay malayang pumili sa buhay na ating tatahakin hija. " Napatitig siya sa kanyang kaharap, at napangiti.  Tama ito, nasa kanya naman kung anong daan ang pipiliin niya at sigurado siyang magbabalik siya sa kumbentong ito ano man ang mangyari. Being a nun is a lifetime decision and celibacy. "Sigurado po akong babalik ako dito at magiging ganap na madre mother superior." Pursigido niyang pahayag sa matanda. Nginitian siyang muli nito at hinaplos ang kanyang mukha. "Masarap magkaroon ng sariling pamilya Amara, magkaroon ng mga supling." Sagot nito na ikinakunot ng kanyang noo. "B-bakit niyo po sinasabi yan? Hindi ko po gusto 'yan. Masaya na po ako sa buhay ko dito, kayo po ang pamilya ko at ang mga batang nag aaral dito ang mga magiging supling ko balang araw." Mahaba niyang pahayag at totoo naman iyon. "Minsan, ginugusto natin ang buhay na mayroon tayo dahil sa nakasanayan na lang natin," Makahulugang sabi ni mother na hindi niya maintindihan. "Ayaw niyo po ba akong mag-madre?" Napapangiwi niyang tanong sa kaharap na ikinatawa nito at tumayo na. "Wala akong sinabi hija, gusto ko lang malaman mong malawak ang buhay na haharapin mo sa paglabas mo sa kumbento, at sana makabalik ka dahil hihintayin ka namin." Napatango-tango na lamang siya sa sinabi ni mother superior. Pagkaraa'y nagpaalam na ito at naiwan siya sa mga paslit na binabantayan niya. Pero napapaisip siya sa sinabi ng matanda kanina. Pero kahit anong isip niya ay hindi niya talaga maisip.  - - - - - - - - - - - - - ************* AFTER TWO DAYS. "Tahan na. Babalik naman ako eh." Pagpapatahan niya kay Ben na umiiyak, dahil nagpaalam siya sa dito at sa iba pang bata na mawawala muna siya pansamantala.  Lalong umingay nang magsi-iyakan pa ang iba. Niyakap niya ang mga ito isa-isa. Mamimiss niya ang mga ito, pero wala naman siyang magagawa dahil kailangan niyang umalis. "Amara, ihahatid ka ni Nestor sa manila,"Sabi naman ni sister Beth na halatang malungkot din sa pag-alis niya. "Mag-iingat ka hija, sina Mr. Ferrer na ang bahala sa'yo doon." Napatango siya kay mother superior at nilapitan ito. Bigla niya itong niyakap at naluha. Sa totoo lang mamimiss niya ito, dahil ang superyora ang itinuring niyang ina simula't sapul. "Mag-iingat rin po kayo dito ha? Babalik ako mother, pangako ko po," Sabi niya bago kumalas dito, nakita pa niyang nagpahid ng luha ang matanda bago ngumiti. "Hihintayin ka namin nina Sister beth, Arcy, Mileth, at sister Lara pati na ng mga bata dito." Sagot nito sa kanya at siya naman ay napatango.  Niyakap niya isa-isa ang mga taong naroon bago siya lumulan sa van na maghahatid sa kanya sa manila, sa mansion ng mga Ferrer na nagmamay-ari sa coffee shop na kung saan siya pansamantalang magta-trabaho. Pwede naman siyang mag-apply sa mga hospital kasi nurse naman siya pero mas pinili niyang doon muna sa mga Ferrer.  Una, dahil kilala niya ang pamilyang ito dahil isa sila sa tumutulong sa Little angel. Pangalawa, hindi pa siya handang makipagtrabano o makisalamuha sa mga hospitals. Ang coffee shop ng mga Ferrer ay hindi naman kalakihan dahil minsan na siyang nakapunta doon, noong isinama siya nina sister mileth. "Mag-iingat ka palagi doon hija," ani mang Nestor sa kanya habang nasa byahe sila patungong manila, napatango siya at ngumiti dito. "Mamimiss ko po kayo, pakitignan na lang po sina mother superior," bilin niya at nalungkot bigla. Napapaisip siya anong buhay kaya ang tatahakin niya sa loob ng isang taon sa mansion ng mga Ferrer. Kaya kesa mag-isip isip siya sa kung anu-ano, ninais na lang niyang umidlip habang nasa byahe.  - - - - - - - - - - ************** Nagulat pa siya nang maramdamang ginigising siya ni Mang Nestor. "Narito na tayo sa mga Ferrer hija," ulat ng matanda, pupungas-pungas siyang napatingin sa labas ng bintana ng kanilang sinasakyan. Nakita niya ang isang malaki at magarang mansion, na sadyang napaka ganda ng pagkaka gawa. Mula sa matayog na gate at sa mismong mansion. Medyo takip-silim na kaya sobrang nagliliwanag na ang buong mansion ng mga Ferrer. Bumaba si Mang Nestor, pagkara'ay nag doorbell.  Siya naman ay hindi pa bumababa. Nakaputing abito pa rin siya, hindi na niya naisipang magpalit ng damit panlabas. Nakita niya nang pagbuksan ng gate ang matanda, Isang babae ang lumabas. Tila nag-uusap ang mga ito pagkara'ay tumingin sa Van na kinalalagyan niya. Inayos niya ang sarili at bumaba na, naglakad papalapit kina Mang Nestor. "Magandang gabi po, ako po si Amara ang ipinadala ni Mother superiora dito," magalang niyang sabi, ngumiti ang kaharap na babae. "Hello Amara, ako si Gladys. Halikayo at pumasok. Nasa taas pa kasi sina Mr. Ferrer," Anito at nagpatiuna ng pumasok sa loob. Tahimik silang sumunod ng matanda sa babae. Hindi niya mapigilang igala ang paningin habang naglalakad, sadyang namamangha siya sa napaka garang mansion na kanilang napuntahan ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD