Nakatulala si Amara, habang pinagmamasdan ang kanyang abito. Nakaupo siya sa kanyang kama nang umagang iyon, kakatapos lamang niyang maligo. Ayaw niyang aminin, pero may kung anong nagbago sa loob niya. Sa gusto niya at sa ninanais na ng puso niya.. Pinagmamasdan niya ngayon ang abito niya upang maibalik siya nito ang isip sa nais noong una pa lamang, pero tila nabibigo siya. "Huwag kang matakot sa ano mang kahihinatnan ng paglabas mo Amara, king para ka dito alam kong babalik at babalik ka. Isa pa, kung sakali mang magbago ang desisyon mong maging madre, wala namang masama. Lahat tayo ay malayang pumili sa buhay na ating tatahakin hija." Bigla niyang naalala ang mga salitang iyon na mula kay mother superiora. Mga salitang hindi niya pinansin noon, dahil hindi niya inisip na may mang

