Kanina napapansin ni Amara, na tila ang tahimik ni Sally at may malalim na iniisip. Nahihiya naman siyang tanungin ito at baka wala sa mood. Pero nangingibabaw ang pag aalala niya dito, dahil kaibigan niya ito. "S-Sally?" Agaw niya sa atensyon nito. Nasa lababo ito at ini-a-handa ang tubig na baon. Gulat pa ito nang tumingin sa kanya, tila hindi napansin ang kanyang presensya. Tama nga siya, malalim ang iniisip nito. "A-Amara? Bakit?" Anito na ngayon lang niya napansin na nangingitim ang nga gilid ng mga mata ng kaibigan. "Okay ka lang? Parang may problema ka?" Aniya na hindi maitago ang pag aalala. Malamya itong ngumiti, tila nag atubili kung sasabihin ba ang iniisip. Kinuha niya ang kamay ni Sally at pinisil iyon, tsaka siya ngumiti dito. "Ano man ang bumabagabag sa iyo, handa akon

