"Saan tayo pupunta?" Basag ni Amara sa katahimikang nasa pagitan nila ni Jexel ng mga oras na iyon. Nasa loob sila ng sasakyan at hindi niya alam saan sila pupunta. Kanina pa rin niya napapansin ang katahimikan ng binata at hindi siya sanay doon. Usually kasi hindi ito nauubusan ng kwento sa tuwing magkasama sila. "Saan tayo pupunta?" Ulit ng dalaga sa tanong niya kanina dahil tila hindi siya narinig ni Jexel. "Huh?" Anito na nagulat pa sa tanong niya at bahagya siyang tinapunan ng tingin, pagkaraan ay muling ibinaling sa pagmamaneho ang tingin. "Hindi na surprise kapag sinabi ko sa'yo." "Tiyakin mo lang na magiging masaya ako sa pagdadalhan mo sa akin ha? " Biro niya sa binata. Ngumiti naman ito, pero ang ngiting iyon ni Jexel ay hindi umabot sa mga mata nito. Something is wrong, ram

