"Hoy! Amara! Lumabas ka diyan! Harapin mo ako!" Mula sa pagkakahimbing ay naalimpungatan si Amara sa mga sigaw sa labas ng kanilang mansion. Marahan siyang bumangon at nasalo ang sariling ulo dahil biglang kumirot iyon. Dahil ata sa puyat kagabing kasama si Jexel at sa pag iyak niya sa panaginip niya kagabi. Panaginip na nangyari sa nakaraan at patuloy siyang sinusundan. "Amara!" Muli ay sigaw ng kung sino man sa labas ng kanilang mansion. Maya maya pa nakarinig siya ng mga sunod-sunod na katok sa kanyang pintuan. "Senorita Callie, pinapababa po kayo ni Senora." Dinig niyang sabi ng isa sa mga katulong nila. "Susunod na ako." Maya maya pa narinig na niya ang yabag palayo. Ngunit bago siya bumaba, sinilip niya sa terrace ng kanyang kwarto ang tao sa labas. Nangunot noo siya nang mak

