Napabangon si Jexel hindi dahil sa maka gising panga na sampal ng dalaga. Kundi dahil sa nakita niyang galit at luha sa mga mata ng dalaga bago ito umalis. Nagsi alisan na ang mga taong nakiki-usyoso sa kanila tanging mga kaibigan na lang niya ang naroon, wala na rin si Kyla dahil sinundan nito ang kaibigan. Nasabunutan niya ang ulo, kung anong kalokohan kasi ang naisip niya bigla. Alam niyang lalo siyang iiwasan ngayon ni Amara, lalo na itong maglalagay ng pader sa pagitan nila. Lalo na siyang mahihirapan. "Iba ka fucker," sabi ni Evan na tatawa tawa. Kaninang manghingi siya ng tulong, namumulikat siya noon pero agad ding nawala. Kaya nang makalangoy palapit sa kanya kinindatan niya ang mga ito na agad namang nakuha ng mga ito. Alam niya naroon at nanonood lamang si Amara, ayon na

