Buti na lang day-off nila kinabukasan at hindi niya makikita si Jexel. Kasalukuyan sila ngayong nagbabyaheng tatlo nina Kyla, pupunta sila ulit sa bahay nina Sally. Hangat maari gagawin niya ang lahat maiwasan lamang ang binata. "Ate Amara!" Masayang salubong sa kanya ni Selana nang makarating na sila sa bahay nina Sally. Yumakap pa ang dalagita sa kanya, naging malapit ito sa kanya noong unang beses siyang nagpunta doon. "Ay wow! May payakap yakap ka selena ha? Paano naman kami ng ate mo?" Kunwa'y tampo ni Kyla sa dalagita na natatawa. Kumalas sa kanya si selena. "Hello mga ate, nagluto kami ni nanay ng palitaw! Alam namin na darating kayo, kaya nagluto kami ng memeryandahin," ani Selena na mababanaag ang galak sa maputla nitong mukha. Nagtungo sila sa maliit na sala at sinalubong si

