Chapter 3 - Siya

1030 Words
Pagak na tumawa ang lalaki sa aking harapan at nagpalipat-lipat nang tingin sa amin ng nasa likod ko ngayon. "Back off, dude! She's mine!" may diing pagbabanta niyang sabi sa lalaking nagbu-buwisit akin. Napataas ang kilay ko sa sinabi niya dahil ang lakas naman nang loob nitong angkinin ako! "Really? Prove it!" hamon pa nito. Napalunok ako bigla dahil sa sinabi ng linktik na 'to! "W-what do you mean?" nauutal kong tanong dahil hindi ko ma-gets ang gusto nitong patunay. "Kiss her," hindi ako nito sinagot at ang tingin nito ay nasa lalaking nasa likoran ko. "Ano?!" bulalas ko. Makakaligtas nga ako sa lintik na 'to pero sa lalaking nasa likod ko naman ang po-problemahin ko! "Are you sure about that?" ewan ko pero may himig na pagyayabang ang boses nitong nasa likod nang sagutin niya ito. "baka kasi lalo ka lang mainggit." Nagtagis ang bagang ng lalaki dahil sa sinabi nito at matalim ang mga mata nitong nakatitig sa amin. "Kayo na naman?! Hindi na ba kayo nadala? Ikaw, Brent. The last time we've met halos hindi mo na nga madilat iyang mata mo eh!" tukoy ni Terrence sa lalaking nambastos kay Sj kaya napalingon kami sa kanila. Natatawa itong binitawan ang braso ni Sj at hinarap si Terrence. Ngumisi ito nang ala demonyo at nilagay ang dalawang kamay sa bulsa nito. "And you're here, again. Ano? Magpapaka-hero ka na naman? Kayo nitong mga kaibigan mo! Ang hilig ninyong mangi-alam!" galit na sabi nito. Mukhang may alitan na ang mga ito at heto na naman nag pang-abot na naman sila nang dahil sa amin. "Eh gag* ka pala, eh!" "Ahhh..." Nagulat na lang kami bigla nang tumalsik ito dahil sa sipa ni Terrence kaya sabay-sabay kaming napasigaw maging ang mga nagsasayawan ay nakuha na namin ang atensyon. "Dito ka sa likod ko," bulong ng lalaki at maingat na nilipat ako nito sa kan'yang likoran, tinanggal niya ang pagkakahawak sa bewang ko ngunit kinuha naman nito sa isang kamay ko at iyon ang hinawakan. Hindi na ako umangal dahil aaminin kong nag-aalala ako sa nangyayari. 'Pero sino ba kasing may sabi na lapitan nila kami?' "Put*–" Pasugod na sana ang lalaking kausap namin nang bigla itong patirin nitong kasama ko. Lumagapak ito sa dance floor, lumingon ito sa amin pati sa mga taong nakapalibot habang nanlilisik ang mga mata sa galit. "Sinong pumatid sa paa ko?! galit na asik nito ngunit walang sumagot ni isa. Parang wala lang ginawa itong kasama ko kaya palihim na napangiti na rin ako. 'Buti nga!' Tinulungan itong tumayo ng isang kasamahan nila at muling napalingon na naman kami nang tumayo na rin ang lalaking sinipa ni Terrence. Nakakuyom ang kamao nito at pasugod na rin nang biglang salubungin naman nang sapak ni Enzo. "Hayysstt... Nagalusan tuloy 'tong kamay ko dahil sa gaspang ng mukha mo! Bigyan kita pang facial, umuwi ka na," may pang-aasar pang sabi nito sa ngayon ay plakda at may black eye na si Brent unamo. "Ang yayabang ninyo! Lalo ka na, eh, hindi nga kayo maipagtanggol nitong mga pulpol mong mga kasama!" "Anong kaguluhan 'yan?! Nagsidatingan ang mga bouncer ng club kaya nagsi-alisan ang mga tao at gumilid. Kami na lamang ang natira at mga kaibigan ni Terrence. "Wala boss! Nagkumustahan lang kami nina Brent, aalis na rin naman sila," sagot naman ni Terrence. Nakatayo na rin si Brent na may bangas ang mukha at inayos nito ang damit at humakbang na paalis ngunit bago iyon ay binangga pa nito si Enzo sa balikat. Tila may sinabi ito dahil natawa naman si Enzo pero hindi ko na narinig. "Talaga? Lagi akong handa, anytime," sagot pa ni Enzo. Binalingan rin ako nang tingin ng lalaki kanina maging ang kasama ko na ngayon ay nagkatitigan din sila bago tuluyan na silang makaalis kasunod ang mga bouncer. Unti-unti na rin bumalik ang mga tao sa dance floor. "Come on, guys! Let's enjoy the night! Have fun!" sigaw naman ni Terrence. Lumapit na si Zoey sa akin kaya agad ko naman hinila ang kamay ko na hawak ng lalaki. Hindi ko pa rin nakikita ang mukha niya dahil hinarap ko na si Zoey. "Aw! Aray ko naman!" daing ni Terrence dahil bigla siyang tinadyakan ni Lara. "Akala mo makakaligtas ka! Bakit mo 'ko hinalikan? Tarantado ka, anong baby?! Nagtawanan na lamang kami ni Zoey dahil nawala bigla ang angas ni Terrence kanina habang si Sj naman, ayon. Kausap si Dominic. "Nasaktan ka ba?" tanong ni Dominic kay Sj. "Ahmn... Yes, here oh." 'Pa-comfort yarn?' Pabalik na kami sa table namin nang lingunin ko na ang lalaki na tumulong sa akin do'n sa bastos kanina. Pero gano'n na lang ang gulat ko nang makilala ko kung sino siya. Maging siya ay tila nagulat din nang makita ako pero agad din nawala ang reaksyon sa mukha niya at mataman akong tinitigan. "I-ikaw?" "Oh magkakilala kayo?" Nagpalipat-lipat na tanong ni Zoey sa amin ni Riley. Yes! Siya nga! Ang matagal kong hinintay, ang taong kinalimutan na lang ako bigla. Ang guwapo niya, tama ang mga babae kanina. Mas lalo nga siya gum'wapo ngayon. Sa bagay, mga bata pa naman kami no'n! Pero, hindi eh! Hindi pa rin mawawala ang galit ko sa kan'ya, biglang nanikip ang dibdib ko at bigla ako nilukob nang lungot at "No! Hindi ko siya kilala. Kamukha lang pala, sorry," ani ko. "let's go, Zoey!" Hinila ko na ito paalis ngunit tumigil ako saglit at nilingon ito ulit. "Thank you, kanina," nagpasalamat pa rin ako sa kan'ya at pinilit kong maging kalmado kahit na naghuhulumintado ang dibdib ko ngayon at gusto ko na lamang umuwi. 'Dapat siguro hindi na lang ako tumakas!' Nang makarating kami sa table namin ay tahimik lang ako, ramdam ko ang paninitig ni Riley sa akin at minsan at nagtatama ang mag paningin naming dalawa pero agad din akong umiiwas. Sila-sila na lang ang nag-uusap hanggang sa dumating si Dominic ang crush ni Zoey. Halatang may pagkasuplado ang isang 'to dahil nakasalubong ang kilay at hindi man lang ngumingiti at madalang lang din itong magsalita hindi tulad ni Enzo at Terrence, ewan ko na lang din kay Riley dahil matagal na siyang wala sa buhay ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD