Chapter 3 - Bulong

1139 Words
"Perfect!" Pumapalakpak pang sabi ni Sj at pinasadahan kaming tatlo nina Zoey at Lara. "Bff... Good luck. I hope this time, hindi na tayo belong sa team sawi!" Napangiwi ako sa pinagsasabi ni Sj. 'Hindi naman ako sawi.' "Gag*! 'Wag mo nga kaming idamay diyan ni Bree. Sa inyong dalawa ni Zoey, MAS IKAW ANG SAWI, SJ" may diing sabi pa ni Lara. Agad naman sumimangot si Brat habang si Zoey ay nagpipigil na tumawa. "How dare you!" inunahan na rin siya ni Lara kaya hindi na namin napigilang bumungisngis ni Zoey. Totoo naman kasing palagi siyang sawi pagdating kay Enzo dahil kahit anong papansin niya ay may girlfriend na rin ito. Si Miles. "You're so mean! Akala ko, you guys loved me. Lalo ka na Lara," maarteng maktol nito at nagpapadyak pa sa inis. "Oo nga! Sa tindi ng pagmamahal ko sa iyo, gustong-gusto na kitang isako eh," dagdag pa ni Lara kaya tawa na kami nang tawa palabas ng washroom. "Uy Sj, si Enzo!" pagkukunwaring nakita ko ang crush niya. "Really? Where?" Nagpatiuna na itong maglakad sa amin at tila nalimutan ang pagtatampo. Gano'n kabilis magbago ang mood niya pagdating kay Enzo. "Tsk! Malala na talaga!" mahinang sambit ni Lara kaya siniko ko na siya. "Hayaan mo na. Ikaw talaga hilig mo pagtripan iyang si Brat. Support na lang natin, diyan siya masaya eh," ani ko pa. "Kaya nga naiinis ako kasi may girlfriend naman si Enzo, asang-asa naman iyang lokang iyan." Bumuntong-hininga ako. Mabuti na lang wala pa akong lovelife. Naghanap na kami ng pagpu-puwestohan at nauna na ngang makahanap si Sj. Napatingin ako sa kabilang side, kaya pala dahil malapit kina Enzo. Lumapit na kaming tatlo nina Zoey at Lara at naupo. Si Lara naman ay talaga umiindak na sa music dahil kanina pa nga siya sayaw na sayaw. "Iinom na ba kayo agad?" tanong ni Zoey. Umiling ako dahil wala akong balak uminom. Gusto ko lang talaga lumabas kasama sila. "Hindi," tangi ko. "Ayoko rin. Tara sa dance floor muna," aya sa amin ni Lara kaya tumayo kaya na rin kami. "Bff... May bagong kasama sina Enzo, he looks so hot. Who's him kaya?" sabi naman ni Sj nang paalis na sana kami. Napalingon naman kaming tatlo nina Zoey at Lara sa gawi nina Enzo at mga kasama nito. "Saan diyan?" tanong naman ni Zoey. "Ayon oh! Iyong naka-black." Turo niya pa. Nakita ko nga pero hindi iyong mukha dahil naka-side view ito. "Oo nga 'no? Ngayon ko lang din nakita iyan," pagsang-ayon pa ni Zoey. Napataas ang kilay ko dahil halos karamihan sa mga babae nakatingin sa puwesto nina Enzo. "Grabe, ang guwapo ng bagong kasama sa grupo nina Enzo at Terrence, 'no? May girlfriend na kaya iyon?" narinig naming nag-uusap ang ang dalawang babae habang dumaan sa gilid namin. "Of course! Sa mukhang iyon wala pang girlfriend? Baka marami– Marami nang umiyak," nagtatawanan ang mga ito na dinig pa rin habang papalayo. "Ay tara na nga! Pati ba naman tayo makikigulo sa mga iyan? Buti pa iyong dalawang dumaan aware na sila sa katotohanan." Pumagitna na kaming apat sa dance floor. Hindi sa pagmamayabang ay magagaling kami sumayaw at malalambot ang bewang. "Yes! Go ghurls, sway your hips seductively," sabi pa ni Lara. Para kaming may mga sariling mundo at walang pakialam sa iba basta magsasaya lamang kami. May mga sumiksik na bagong dating sa gawi namin at limang mga lalaki sila. Nababangga nila kami pero ayos lang kasi hindi naman maiiwasan iyon sa dance floor kaya nagpatuloy lang kaming sumayaw. Pero habang tumatagal ay tila hindi ko na gusto ang pambabangga sa amin ng mga lalaki. Naiinis na rin si Lara at sinasamaan niya na rin nang tingin ang mga ito. "Ahmm...guys, usog tayo konti. Ang init eh!" rason ka na lang para makalayo kami nang kaunti sa mga lalaking iyon. Si Sj naman ay walang alam dahil tuloy lang din ang sayaw niya. Mas kami kasi ni Lara ang malapit doon sa mga lalaki dahil parehong nasa likuran namin sila. "Lara, 'wag mo nang patulan, okay? Tayo na lang lumayo sa kanila," bulong na pakiusap ko rito. "Naku, uupakan ko talaga iyang mga iyan eh! Subukan pa nilang dumikit sa 'tin." Wala rin talagang inuurungan ang isang 'to dahil sa aming apat, si Lara ang magpaka-amazona. "Basta, hangga't kaya nating umiwas ay iiwas tayo, okay?" Pero nakita kong naghiwa-hiwalay sila na parang pinaikutan na nila kami kaya nararamdaman na ako nang pagkailang at pangamba. 'Hindi na maganda 'to!' "Aw!" Nasagi ng isa si Sj pero alam kong sinad'ya iyon ng lalaki. "Can you please make some distance dahil nakakabangga ka na," sita nito sa lalaki na halatang nagpapapansin lang. "Oh sorry, nasaktan ka ba? Saan banda let me see." "No! Can you just stay away na lang!" agad na angal ni Sj kaya tila napikon iyong lalaki. "Ang arte mo naman! Pero gusto ko nga iyong ganiyan eh. Ms. Supladang pakipot." "How dare you!" nagalit na si Sj sa kabastusan ng lalaki kaya hindi na nakapagpigil pa si Lara. "Hoy! Bastos ka! Sino ka para bastusin ang kaibigan ko? Kanina pa kayo ah!" "Whoa! Kasama pala kami. P're mga bastos daw tayo oh," singit na sabi naman ng nasa likuran ko. Naramdaman kong hinaplos niya iyong pang-upo ko kaya sa pagkabigla ko ay nasampal ko siya. "Bastos!" Tumagilid ang mukha nito sa pagkakasampla ko at hindi ko iyon pinagsisisihan. "Puwede ba, umalis na kayo rito!" pakiusap naman si Zoey na halatang natatakot na. Ngumisi pa parang demonyo iyong sinampal ko na tila hindi nasaktan. Humakbang ito palapit sa 'kin kaya napa-astras ako. "Get off your hands on me, bastard!" Napalingon ako nang hinaklit ng isang lalaki si Sj at pilit naman binabawi ang braso niya. Si Lara naman ay handa na rin sumugod at ako ay muling napa-atras dahil muling humakbang na naman iyong bastos na lalaki. "Bitawan mo nga ang kaibigan ko, gag* ka!" galit na asik ni Lara. "Please tumigil na kayo!" Nahihintakutang pagsusumamo pa ni Zoey pero nagtatawanan lang ang mga bastos! "Tingnan natin ang tapang niyong apat." "May problema ba rito? Hi babe, I'm sorry. I'm late." Biglang sumulpot si Terrence at kinabig si Lara palapit sa kan'ya at hinalikan ito sa labi. Namilog ang mga mata ko dahil do'n! 'Kailan naging sila?' "Pag-hindi mo binitawan iyang braso niya uuwi kang isa na lang kamay," may pagbabantang sabi naman ni Enzo sa lalaking hawak pa rin ang braso ni Sj. Ako naman ay napatigil sa pag-atras dahil sa kung sino ang nasa likuran ko. Hindi ko ito nilingon dahil sa lalaking bastos na nasa harapan ko. "Don't move. Trust me, okay? I'm with Terrence and Enzo," halos kilabutan ako sa bulong siya nang maramdaman ang hininga nito sa tenga ko. Napasinghap ako bigla nang maramdaman ang isang kamay nitong humawak at pumaikot sa bewang ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD