Chapter 4: White roses

1844 Words
Shinoeh Weanne Cueva's P.O.V. "Are you happy while I'm away from you?" Hindi ako nakaimik. Ang bibig ko ay nakatikom. Gusto kong sabihin sa kanya ang saloobin ko. Gusto kong sabihin ang totoong nararamdaman ko sa kanyang tanong. Pero para saan pa? Para saan pa kung sasabihin kong malungkot ako. Malungkot na malungkot. May parte sa aking puso na kulang at sa tuwing nakikita ko siyang kasama ang ibang babae ay nasasaktan ako. Bakit ko pa sasabihin iyon kung sa huli ay maghihiwalay rin naman kami. I know that I am so negative about it. But I am just facing the reality. Kahit naman kasi na anong pilit kong maging positive. Kung alam ko naman na wala talagang patutunguhan ay hindi na ako umaasa. Umiwas ako ng tingin sa kanya at napayuko na lamang. Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya. Inalis niya ang pagkakapatong ng kanyang ulo sa akin. Binitawan niya ang hair brush sa may vanity mirror. Napatingala ako muli at bumaling sa kanya. Nakatalikod na siya sa akin. Ang isa niyang kamay ay nasa tungki ng kanyang ilong at minamasahe iyon. He looks very frustrated right now. Napapikit ako ng mariin. Pagkabukas ng mga mata ko ay tumayo ako at lumapit sa kanya. "Brent," bigkas ko sa kanyang pangalan. Humarap siya sa akin at pilit na ngumiti. "I guess you're tired. Matulog kana," utas niya. Mabilis akong pumiling. "Ahm. I'm not sleepy yet. Matagal kaya akong nakatulog kanina." Saka ako ngumuso. Hindi pa naman kasi talaga ako inaantok. Napatango siya. "Then what do you want to do?" mahina niyang tanong. Dammit. Hindi ko siya matiis. Sabi ko na nga ba ay rurupok na naman ako eh. Pumiling ako sa kanya. Napakunot siya ng noo. "What? You don't want to do anything?" Pumiling ako muli. "I am not happy, Brent," pagbibitaw ko ng mga salita. Mas lalong kumunot ang kanyang noo. Marahil ay naisip na nag-iba na naman ang isip ko at gusto ko na namang umalis dito. Tumitig ako sa kanya gamit ang mga mata kong may bakas ng kalungkutan. Napaawang ng maliit ang kanyang labi. Pagkatapos ay humigit siya ng malalim na hininga. Pinanood ko lamang ang kanyang reaksyon at hindi muling nagsalita. Pinadaan niya ang kanyang dila sa kanyang labi. Inisang hakbang niya ang pagitan naming dalawa. Iniyuko niya ng kaunti ang kanyang ulo at direkta na namang tumingin sa aking mga mata. Hindi ko alam kung anong pumasok o sumanib sa akin. Ngayon kasi ay sobrang lakas ng loob ko na makipagtitigan sa kanya. Hindi nanlalambot ang mga binti ko. "Then why did you break up with me?" seryoso niyang tanong. Mahina ang kanyang boses at malalim. Pero dumadagundong at nagbibigay ng ibang epekto sa akin. Napalunok ako. Hindi ko kasi inaasahan ang ibinato niyang tanong sa akin. Hindi ako nakapag-ready na ganoon ang sasabihin niya. Lumikot ang mga mata ko. Nawala bigla ang lakas ng loob ko kanina. "You know the reason," I said. The reason where I lied. Natawa siya ng walang laman at napapiling habang magkalapit pa rin ang mga mukha namin. "Liar," mapanuya niyang sambit at tumayo ng maayos. Napanganga ako at hindi makahanap ng salitang ibabato. Liar? May alam ba siya? May alam na ba siya? Alam na ba niya ang totoo? Pero paano? Sinong nagsabi sa kanya kung ganoon? Napapiling ako ng patago. Imposible. Ang manager lang naman niya ang may alam niyon at sobrang labo na sabihin niya ang tungkol dito kay Brent. Malabong-malabo. Bakit naman niya ilalaglag ang kanyang sarili 'diba? Naglakad siya papalapit sa may kama at umupo sa dulo niyon. "You better rest now. Alam kong pagod pa ang katawan mo," pang iiba niya sa usapan. Para gumaan ang mabigat na atmosphere. Lumapit na rin ako sa may kama. Sa kabilang side ako pumwesto. "Matulog kana rin. Alam kong pagod ka rin," utas ko at humiga na. Umusod siya at humiga na rin. Kaunting distansya na naman ang naglalayo sa amin. Itinaas niya ang comforter at ipinatong iyon sa aming dalawa. Nanlaki pa ang mga mata ko at namula ang aking pisngi nang ipadausdos niya ang kanyang isang kamay sa ilalim ng aking katawan. Partikular sa aking bewang. He cupped my face and carefully placed it on his chest. "Let's sleep now, Baby," he muttered. Narinig ko nalang ang pagbigat ng kanyang hininga. Tanda na natutulog na siya. Tinignan ko ang kamay niyang nasa may bewang ko. Hindi ito iyong ipinadausdos niya. Bagkus ay ang isang kamay na niya ito. Bali nakayakap siya sa akin. Ipinikit ko na ang mga mata ko. Paniguradong mahabang araw na naman ang kakaharapin ko bukas. Hindi ko alam kung kailan ako tatakas. Hindi ko alam kung kailan ako tyetyempo. Pero mas mainam ng mapaaga iyon. Baka hinahanap na siya ng mga fans niya. Naging payapa ang aking tulog. Mahimbing at tila ba walang problema. Nagising ako na nakapatong pa rin ang kamay niya sa aking bewang. Tila ba ayaw talaga akong pakawalan. Ang pagkakaiba lang sa pwesto namin bago matulog ay ang mukha niyang nakasuksok na ngayon sa aking leeg. Lumayo ako ng kaunti sa kanya at tinitigan siya. Damn. I am really lucky to see him as I wake up huh. Ako na yata ang fan girl na pinagpala ng bukod tangi. Napangiti ako ng maliit. Ngayon ay alam ko na kung bakit naging mahimbing ang tulog ko. Because he will always be my comfort zone. Kasi nasa may bisig niya ako at hawak-hawak niya. Ha! How I wish that I can freeze the time and be with him forever. Pero syempre hanggang pangarap na lamang iyon. Napakagwapo nga naman talaga nang bungad sa akin ng umaga. Bare face, sleeping, but still looking like an angel. Dahan-dahan kong inalis ang kamay niya sa aking bewang at umupo. Napatili ako nang bigla niyang dakpin ang bewang ko at ihiga ulit ako. "It's still early," inaantok niya pang saad. Ibinaon niya muli ang kanyang mukha sa aking leeg. "Brent," bawal ko sa kanya. "It's already eight in the morning," tukoy ko nang makitang may nakasabit palang wall clock. Nasanay na kasi ako na maagang gumigising talaga. Lalo na sa trabaho ko. Hay, bigla ko tuloy naisip ang aking trabaho. May babalikan pa kaya ako? Sana naman. Inilayo niya ang mukha niya sa akin. Nakapikit pa rin ang mga mata niya habang nakanguso. "Are you already hungry, Baby?" paos niya pang sambit. Malambing pa ang pagkakabigkas niyon. Kaya naman hindi ko mapigilan na hindi kiligin. Ano ba naman iyan, Shinoeh Weanne! Ang landi landi mo, napakarupok mo! Tumango ako kahit naman na hindi niya iyon nakita. "Ako na ang magluluto ng almusal nating dalawa," utas ko para na rin makatayo na. Gustong-gusto ko nang hilamalusin ang aking mukha. I want to brush my teeth now. Nakakahiya naman sa artistang kasama ko ano. Baka nga may muta pa ako. Well, hindi naman ako mapaglaway kaya hindi ako concious doon. Binuksan niya ang isa niyang mata at sinilip ako. Mabilis kong tinakpan ang mukha ko sa aking buhok. Napanguso siya sa inasta ko. Dahan-dahan siyang umupo at lumapit sa akin. "Why are you covering your face?" seryoso niyang tanong. Hinawakan niya ang buhok ko at dahan dahang inalis ang pagkakatakip niyon sa aking mukha. Inilagay niya ang ilang hibla sa likuran ng aking tenga. "Good morning," he said. Nabigla ako nang halikan niya ng mabilis ang aking labi. Naitulak ko siya ng kaunti. "Brent! Hindi pa ako nag toothbrush," bawal ko sa kanya. Napangisi siya. "I miss seeing you blushing," bagkus ay saad niya. Gosh. How can I protect my heart from this kind of action? Imbis na maka move on ako ay mas nahuhulog pa ako. Iniwan ko na siya roon at nagtungo na sa may banyo. Narinig ko ang mga yapak niya sa aking likuran. Pumasok din siya at tumabi sa akin. Pinanood ko ang mga galaw niya. Kinuha niya ang dalawang toothbrush na nakalagay roon. Nilagyan niya ng toothpaste at ibinigay sa akin ang isa. "Here," saad niya at tinanggap ko na. Malaki ang salamin sa harapan namin kaya naman napapanood namin ang isa't isa. Nakatitig siya sa akin habang busy sa pag-aasikaso sa kanyang mga ngipin. Kung siya ba naman ang makakasabay kong mag-toothbrush araw-araw ay baka maglaway na talaga ako. Pasimple kong kinurot ang sarili ko. Lumalabas na naman kasi ang pagiging malandi ko sa kanya. Binanlawan ko na ang ginamit ko at nagmumog na. Binasa ko na rin ang mukha ko para maalis ang pinagbakasan ng pagtulog ko. "Hey," saad ko nang hawakan niya ako sa bewang at idinikit sa may pader. "Nakapag toothbrush na tayo," usal niya. May pinapahiwatig. Sasagot pa sana ako sa kanya ang kaso ay sinakop na niya ang labi ko. Malalim ang halik na ipinukol niya sa akin at hindi ko maiwasan na hindi tumugon sa kanya. Sa tagal naming hindi nagkasama at naghalikan, pakiramdam ko ay bumabawi kami. Hinaplos niya ang ibabang parte ng aking labi gamit ang kanyang hinlalaki. "Let's cook our breakfast now," he said and smirked. Pinagsiklop niya ang mga kamay namin at sabay na kaming naglakad palabas ng kwarto. Dahil ngayon lang ako nakalabas ay ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataon na pagmasdan ang mansyon na kung saan kami. Hindi ako pamilyar sa lugar na ito. Noong kami pa ay marami na kaming napuntahang dalawa. Pero ang lugar na ito ay hindi ko pa kailanman napuntahan. Baka bago ito. Malaki iyon at maraming naka-display. May mga portrait na nakasabit sa mga dingding. Napatigil ako nang makita ang portrait ng isang babaeng nakatalikod. Hindi ako pwedeng magkamali. Ako iyon. Nakasuot ako ng ball gown para sa party ng hotel. Mga panahong wala na kaming dalawa. "Baby," pagkuha niya sa aking atensyon. Kumunot ang noo dahil tumigil ako sa paglalakad. Sinundan niya ang tinitignan ng mga mata ko. Nang makita niya iyon at napakagat siya sa kanyang labi. "Naroon ka noong may party?" pagtatanong ko. Hindi ko kasi siya nakita roon. Walang bakas niya ang napansin ko. Tumango siya. "Yeah. You are so gorgeous that night, Baby." Bumalik ang tingin niya sa akin. "Hindi mo alam kung gaano ko pinigilan ang sarili ko para lang hindi KA puntahan ng gabing iyon," utas niya at pinaglapit ang mga mukha namin. "I watched you from afar talking to that guy," bumakas ang uyam sa kanyang boses. Napaawang ang aking bibig. Si Mr. Cuenco ba ang tinutukoy niya? "I am just talking to my boss," pagtatanggol ko sa aking sarili. Akala mo naman talaga ay may ginawa akong kasalanan. "Let's just not talk about that." Saka niya iniwas ang tingin niya. "Let's start our day positively." Saka na kami nagpatuloy sa pagbaba. Mas nanlaki pa ang mga mata ko nang makita kung ano ang nasa ibaba. Malaki nga pala talaga ang tinutuluyan namin ngayon. Higit sa lahat. Ang nakapukaw sa aking pansin ay ang mga bulaklak na nakalagay sa may vase. Ang mga bulaklak na pinakapaborito ko noon. Pero pinakaiiwasan ko ngayon. White roses, ang bulaklak na palagi niyang binibigay sa akin noong kami pa. Iniiwasan ko iyon ngayon dahil siya ang naalala ko sa mga ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD