Chapter 5: Lips

1898 Words
Shinoeh Weanne Cueva's P.O.V. Binitawan na niya ang kamay ko at pinabayaan na akong maglibot sa kusina. Binuksan ko ang ref at nakita ang maraming stock roon. May mga gulay at prutas. Iyon siguro ang dapat na unahing kainin dahil agad nasisira ang iba rito. May mga lamang dagat din at mga meat. Kinuha ko ang ham at binabad muna iyon. Medyo matigas kasi. Kumuha na rin ako ng dalawang itlog. Nakasandal lamang siya sa may pader at pinapanood akong kumilos. Seryoso ang kanyang mukha pero may iba rito. Mukhang nasa mood talaga. Maaliwalas kasi at hindi cold kung mapapansin. May kaunting bakas din ng ngiti sa kanyang labi. Kahit na naiilang sa paninitig niya ay nakagalaw pa rin naman ako ng maayos. Naluto ko pa rin naman ang balak kong almusalin naming dalawa. Sandwich iyon na may lettuce, tomato, ham, and egg. Nilagyan ko rin ng mayyonaise. Ganito ang paborito niyang almusal. Inilapag ko na iyon sa may la mesa. "Upo ka na," anyaya ko sa kanya. "Pangsasangkap lang kita ng kape," usal ko at tumalikod muli. May cofee maker naman doon. Sanay rin naman ako sa gusto niyang kape. Mapait. Lalagyan man ng asukal ay kaunti lang. Black coffee rin naman ang gusto ko pero mas mahilig na ako sa gatas kaya naman iyon ang sa akin. "Thanks," he said pagkalapag na pagkalapag ko ng kape sa harapan niya. "What we'll gonna do today?" I asked. Kumagat ako sa tinapay. Kinuha niya ang sa kanya at kumagat na rin doon. Kinabahan tuloy ako. Matagal na rin kasi simula ng ipaggawa ko siya ng ganoon. Kaya baka hindi na siya masarapan. Mataman pa akong nakatingin sa kanya. Tumingin din siya sa akin at tumango. Napangiti tuloy ako dahil doon. "Masarap pa rin. I missed it so much," bigkas niya at ang kape naman ang pinansin niya. Inilagay na niya ang nguso ng tasa sa kanyang bibig at dahan dahan nang ininom iyon. "Sakto lang ba ang pait?" tanong ko. Bakit ba parang napaka-concious ko sa ganito? Gusto ko kasing ma-satisfy siya sa luto at gawa ko. Iyon lamang. Kahit naman kanino ay gusto kong ganoon ang maging reaction sa gawa ko. Oo. Iyon nga. "Hmm," he hummed and took a sip again on his coffee. Napanguso ako. Hindi pa nga niya pala sinagot ang tanong ko kanina. Ano naman kayang gagawin namin dito? Gusto kong itanong sa kanya ang phone ko pero alam ko naman na hindi niya sasagutin iyon at hindi niya ibabalik sa akin. Natapos na kaming mag-almusal at siya na ang nagpresintang maghugas. Ako naman ngayon ang nanood sa kanya habang may ginagawa siya. I will not deny that I am imagining him now as my husband. Sino ba naman ayaw mapangasawa ang lalaking mahal niya? Truth to be said, he is a husband material. Hindi lang dahil sa artista siya at sikat. Dati pa lang ay nakikita ko na iyon sa kanya. Maasikaso at responsable siya. Alam niya ang pinapasukan niya. Kaya nga naman hindi ako makapaniwala na ginawa niya ito. Malaki ang pwedeng maging epekto nito sa kanyang career. Paano na lang kung malaman ng mga fans niya na may kasama siyang babae sa iisang bahay? At hindi man lang ang inexpect nilang makakatuluyan talaga ni Brent na si Yuria. Hindi man lang ang ganoong kataas na standard ang kadudugpaan ng idol nila? "Hey. What are you thinking?" pansin niya sa akin. "Ha?" Natapos na pala siyang maghugas at narito na siya sa aking tabi. Seryosong nakatingin sa akin. "Hindi ba talaga kayo ni Yuria?" lumabas iyon mula sa aking bibig. Hindi ko man lang napag-isipang mabuti bago ito masambit. Kusa ko lang itong naibigkas at nakatingin pa ako sa malayo habang tinatanong iyon sa kanya. Nag-iba ang timpla ng kanyang mukha. Bumalik na naman ang sobrang seryoso na Brent Jax. He cupped my face and let me look directly into his eyes. "Showbiz is a big industry, Shinoeh Weanne. Hindi mo alam kung ano ang totoo at hindi totoo," bagkus ay sagot niya. Bakit hindi nalang niya sagutin ng diretsuhan? Pwede namang sabihin niyang hindi o oo. Magsasalita pa sana siya ang kaso ay pinigilan ko na. "I get your point, Brent," saad ko at bumuntong-hininga. Tumayo ako at naglakad papunta sa mga bulaklak na nakita ko kanina. Marami sila at mukhang naaalagahan talaga. Hinawakan ko ang isa at tinitigan lang. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko ngayon. Lumilipad talaga ang utak ko sa kung ano-anong mga problema. "Where are you going?" pigil niya sa akin at hinawakan ako sa aking siko. Tuloy-tuloy lang kasi ako sa paglalakad. Wala sa animo at walang kaideya-ideya na muntikan na pala akong mabangga sa may pader. "Damn," he muttered and hold me. Napadila siya sa kanyang labi at pumikit ng mariin. "You are really affected to that." Napabuga siya ng hangin at pumiling sa akin. "Huh?" "We are not together, Baby. And I am not planning to court her. I have no feelings for her," sagot niya sa aking tanong kanina. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako hindi. Ang mga mata ko ay malikot at hindi makatitig sa kanya. "You don't believe my words," usal niya. "But that is the truth. You are the only one here." Kinuha niya ang kamay ko at ipinatong iyon sa kanyang dibdib. Malakas ang t***k at mabilis. "Mahirap kasing paniwalaan, Brent," amin ko sa kanya. Napatango siya at bumitaw sa kamay ko. "I know that it is hard for you to believe. But we have time here so that I can prove it to you. Just give me this chance," bulong niya. Ang boses niya ay napakasinseridad. Para bang hinehele ako nito. Lumipas na naman ang mga oras. Hindi ko alam kung bakit ba sa tuwing binabalak kong lumabas ay lagi niya akong pinipigilan. "I just want to roam around," saad ko at napalabi. Nakatanaw ako sa labas. Siya naman ay nasa may tabi ko. "Bukas na lang. Tirik na tirik ang araw," palusot niya. Bumaling ako sa kanya. "Are you a vampire? Takot ka sa araw?" may pang-aasar na sambit ko. I just want to make the ambience light. Lagi na lang kasing napakaseryoso ng aming feeling. Napangisi siya ng maliit at napapiling na lamang. Sa totoo lang, kahit na wala naman kaming ginagawang dalawa ay hindi ako nakakaramdam ng pagka-bored. Dahil na rin siguro palagi ko siyang nasa tabi. Hindi pa nga niya ako nilubayan. Kung saan ako dalhin ng aking mga paa ay naroon din siya. "Anong gagawin natin niyan?" pagtatanong ko. Nameywang siya at tumitig na naman sa akin. "What do you want to do?" he asked. Hindi ko pinansin ang tanong niya. Hindi ko iyon napansin dahil busy ang buo kong pagkatao sa paninitig sa kanyang mukha. Tulad ng dati ay gwapo pa rin siya. Pero mas na enhance ang pagkagwapo niya ngayon. Ibang-iba ang dalang epekto sa akin. Makalaglag panty nga talaga. Kaya natatawa na lang ako minsan eh. Hindi ko rin naman masisisi ang sarili ko kung bakit hindi ko kayang mag move on sa kanya. Well, basically hindi lang naman ang itsura ang basehan. "Your lips..." bulong ko. "What?" Nanlaki pa ang mga mata ko nang bumalik na ako sa huwisyo. Nasa may harapan ko na pala siya. Sobrang lapit na pala ng mga mukha naming dalawa. "Ha," nangapkap ako ng pwedeng ipalusot sa sinabi ko kanina. Bakit ba kasi iyon ang lumabas sa bibig ko? Iniwas ko ang mukha ko sa kanya pero agad siyang nakagalaw at nahuli ang aking bewang. "May sinabi ba ako?" Iyon na yata ang pinaka lame na palusot. Lumaki na ang ngisi sa kanyang labi. "I am just here, Baby. Hindi mo na kailangang magpantasya pa. Pwede mo namang hawakan at halikan na," panunukso niya. "Napakapilyo mo," turan ko at tinakpan ang aking mukha. Sobrang init na kasi niyon. Tinanggal ko ang pagkakahawak ko sa kanya at lumayo na. "Maliligo na ako," saad ko at kumaripas papunta sa may hagdan. "Sabay tayo!" dinig ko pang sigaw niya bago ako tuluyang makaakyat. Pumasok na ako sa banyo at sinara ang pintuan. Tumingin ako sa salamin at napapailing sa aking sarili. "Stop it, Shinoeh Weanne. Paano ang plano mo kung ganyan ka maka-react sa lahat nang ginagawa niya sa'yo?" bulong ko sa aking sarili. I think that I really need a cold shower now. Ibang init naman yata ang nararamdaman kong ito. At napasapo na lang ako sa aking noo nang ma-realize na wala nga pala akong dinalang damit. Nasa kalagitnaan na ako nang pagsasabon nang ma isip ko iyon. Hindi bale. May roba naman dito. At mukhang doon ako nagkamali. Sapagkat pagkatapos kong maligo ay dumiretso ako kung saan mga nakasampay ang mga ito. Pero hindi ko makita iyong ginamit ko. Oo nga pala at naiwan ko iyon sa may labas at ang tanging narito ay maliliit na tuwalya na hindi naman sakto sa akin. Pati na rin ang roba ni Brent. Wala naman akong choice kaya iyon na lang ang ginamit ko. Hindi naman niya siguro makikita. Nasa may ibaba pa siguro siya. Pero hindi ko alam kung ilang beses nga ba akong nagkamali ngayong araw. Muntikan na kasi akong mabuwal pagkabukas na pagkabukas ko pa lang sa pintuan. Nakasandal siya sa may pader at tila ba hinihintay niya talaga ako. "Brent..." saad ko at napalunok. Sinuyod niya ako ng tingin at mukhang nasiyahan nang makitang suot ko ang kanyang roba. Malaki iyon sa akin. Maluwang talaga kaya naman pinakatali ko na lang sa may bandang bewang para hindi mahulog. "Ahm. Wala kasi iyong roba ko," utas ko. Lumikot ang mga mata ko. "Magbibihis na ako," utas ko at naglakad na papunta sa may closet. Nasa kalagitnaan pa lang ay napigilan na niya ako. Hinawakan niya ang pulsuan ko at pinaharap ako sa kanya. "Bakit ka namumula?" Hindi ko alam kung hindi niya ba talaga alam ang tunay na dahilan o inaasar niya lang talaga ako. "Mainit," labas sa ilong na sagot ko na lang. Gusto ko na lang makapagbihis ano. "But you just finished showering tho." Napatingin na ako ng masama sa kanya. Sabi ko na nga at nang aasar siya eh. "Eh. Ewan ko talaga sa'yo. Magbibihis na ako," saad ko at bumusangot. Natawa siya ng mahina. Napatigil naman ako at pinagmasdan siya. Ang sarap niya talagang tignan kapag tumatawa siya. Nakaka-lift up ng mood. Napansin niya ang panonood ko sa kanya kaya naman unti-unting nawala ang ngiti sa kanyang labi. "Magbibihis na ako," mahina kong saad at tumuloy na sa paglalakad. Sinundan niya pa rin ako hanggang sa may closet kaya naman pinanlakihan ko siya ng mga mata. "Baka gusto mo munang lumabas?" pagpaparinig ko. Pumiling siya. Mas nanlaki ang mga mata ko. "What? Papanoorin mo akong magbihis?" gulat kong tanong. Napahawak pa ako sa may bandang dibdib ko. Bumakas ang malaking ngiti sa kanyang mukha. "Can I?" pagkuha niya pa ng permiso. Lumapit na ako sa kanya at hindi napigilan ang pagtampa sa kanyang braso. "Mas lalo kang pumilyo, Brent Jax," napapapiling kong saad. "Hindi naman ako tatakas ano. Magbibihis lang ako," pangungumbinsi ko pa sa kanya. "I will just turn around while you are putting clothes," he proposed. Kahit na naiilang ay pumayag na ako. Hindi ko naman siya mapipilit na lumabas ano. Kaya naman tuloy habang nagbibihis ako ay panakanaka ang tingin ko sa kanya. Baka biglang sumilip. Baka tuluyan na akong mabuwal kung ganoon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD