Shinoeh Weanne Cueva's P.O.V. Dumating na nga ang araw na pinakahihintay namin. Ayan na nga at kaunting oras na lang ay mapapanood na namin ang music video niya. Oo at natuloy na ang kanyang debut. Mamayang three ng hapon ay i-re-release na sa youtube ang kanyang music video. Wala ako sa buong taping niya dahil limited lang din ang visiting hours. Pero sinigurado ko naman na naroon ako tuwing break niya. Hindi ko pa rin narinig ang kanta dahil ayaw niya munang iparinig sa akin iyon. Iyong kanta na sinusulat niya dati habang nag-vi-video call kami ang kanyang debut song. Kaya naman pala sobrang pursigido niya sa pagsusulat niyon. Magkasama kami ngayon sa studio niya. May kasama rin kaming isa. Ang tumatayong manager niya. Magkatabi kami at ang manager naman ay nasa kabila. May mal

