Shinoeh Weanne Cueva's P.O.V. Ako naman ang napalabi nang makita ang trending sa isang social media app. Nandito pa rin ako sa kanyang condo unit. Siya naman ay nasa banyo dahil naliligo. Ginawan pa talaga ng ship name ang dalawa. Well, hindi na ako nabigla ng may mga ganito akong nakita. Some fans will really ship him with any girl na makakasalamuha niya. Lalo na kung maganda ito. At mukhang may dating kung sila nga talaga. Napapiling na lamang ako. But I will not deny the fact that I am getting jealous about it. Normal lang naman iyon dahil ako ang totoong girlfriend. Pero ayaw ko ng palakahin pa ang issue na ito. Talaga nga namang kailangan niyang makipag-interact sa babae dahil magmumukha naman siyang bastos kung kinausap siya nito tapos ay hindi siya sasagot. "What's the probl

