Chapter 9: Letter

1871 Words
Shinoeh Weanne Cueva's P.O.V. Lumipas na naman ang mga araw. Hindi na ako mapakali dahil alam kong sa puntong ito ay baka nag fi-freak out na ang mga fans ni Brent. Hindi ko alam kung ilang araw na ba kami rito. Hindi ko na kasi iyon nabigyan ng atensyon. Pero paniguradong hinahanap na siya. Isa pang iniisip ko ay ang aking mga magulang. Malamang ay nagtataka na kung bakit hindi na ako tumatawag sa kanila. Kahit naman na busy ako dati ay nabibigyan ko pa rin ng panahon ang pagtawag sa kanila. At syempre, I am thinking too about my work. May babalikan pa kaya ako? Naramdaman ko ang paghawak niya sa aking balikat. "Hey," he said in a hoarse voice. Kakagising lang. Bumaling ako sa kanya. "Good morning," bati ko. Alam ko naman sa sarili ko na hindi lang ako umaarte para makuha ang tiwala niya, bagkus ay pinapakita ko talaga ang nararamdaman ko. Dumapo ang kamay niya sa aking bewang. "Maaga pa," utas niya. Totoo naman. Alas sais pa lang at pwedeng-pwede pang matulog. "Hindi na ako inaantok eh," sagot ko. Hinila niya ako ng dahan-dahan at dumausdos ang aking katawan sa pagitan ng mga bisig niya. Nakayakap na siya ngayon sa akin habang nakahiga kaming dalawa. Dahil sa tagpong iyon ay tila ba hinihila ulit ako ng antok. Yumuko siya ng kaunti para masilip ako. Nang makita ang pumupungay ko ng mga mata ay napangiti siya. "Sleep more," he whispered at mas lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakayakap sa akin. Nanunoot sa aking ilong ang kanyang amoy, napakumportable ko rin sa kanyang yakap. Kaya naman napapikit na ako at nakatulog. Pagkagising ko ay nakita ko ng tirik na tirik na ang araw. Wala na siya sa tabi ko. Malamang ay nasa baba na at nag pe-prepare ng pagkain. Alas nuebe na pala ng umaga. Nag-unat na ako at nagpasya nang tumayo. Pagkababa ko nga ay nakita ko ang kanyang likuran. Nakasuot lang siya ng apron at boxer. Napanguso tuloy ako. Dati ay sobrang naapektuhan na ako sa physical looks niya. Pero noong may mangyari sa pagitan namin ay mas dumagdag pa ang epekto niya sa akin. And I know that I need to stop it. Wala rin namang kapupuntahan. "Hey," he greeted and flashed a smile to me. Naawahan ako at napangiti na rin. His smile is the brightest among of all the things. It can lift up a mood. "What did you cook?" I asked. Tumingin ako sa may likuran niya at sinilip iyon. "Just a simple breakfast," he answered and hold my waist. Iginiya na niya ako pa upo. Sa may kabisera siya umupo. Ako naman ay sa gilid. Ganoon naman lagi ang pwesto namin. Tumayo ako at inasikaso na siya. Nilagyan ko na ng pagkain ang kanyang plato. "What will we do today?" Sinubo ko ang hotdog. Nasa may b****a pa lang iyon ng aking labi nang makita ko ang kanyang paglunok. Gusto ko mang maging inosente at huwag bigyan ng kahulugan ang paglunok niya ay hindi ko magawa. Napadila ako sa aking labi. Ano ba naman iyan? Baka ako lang itong nag-iisip ng ganoon at wala naman talagang kahulugan ang paglunok niya. Dahil sa pag-iisip ay naging mabagal ang pagkagat ko niyon. Nakita ko ang matalim niyang tingin sa plato sa harapan niya. His nerve on his hand are showing. Ang higpit na kasi nang pagkakahawak niya sa mga utensils. "Are you okay?" How dense you are, girl. Tinanong mo pa talaga iyon? Pumikit siya ng mariin at iniba ang topic. "I want to swim. Do you want too?" Tinapos ko muna ang pagkain sa hotdog bago nagsalita. "I'm fine with that. Let's bring foods there and drinks. Let's stay there for hours," sagot ko. Napatango siya. "Alright. Let's cook first before going there." Napatango ako. Wala rin naman kasing masyadong snack dito. Halos masusustansya lahata and I can understand. Lalo na at isa siyang celebrity. Tinapos na nga namin ang kinkain namin. Nagpahinga muna kami sandali bago mag-umpisa sa balak. Salitan kaming dalawa sa panghihiwa at pagluluto. Noong sa condo niya rin dati ay ganito rin ang aming ginagawa. "Ah.. the smell of tuna pesto is so good." Pinaypay ko pa ng mabagal iyon gamit ang isa kong kamay at inamoy ito. He chuckled at what I did. Nag-ready na rin kami ng sandwich. Panigurado naman ay gugutumin kami mamaya pagkatapos lumangoy ano. May picnic basket naman kaya nilagay na namin lahat doon. May mga soda rin at fresh juice. "The sun is with us today," I blurted out while he is busy driving the golf car towards the beach. Medyo nag-lie low kasi ang araw. Mainit pa naman pero hindi masakit sa balat ang sinag nito. Inalalayan niya muna akong makababa bago kinuha ang basket. May dala rin kaming folding beach chair. May folding din na la mesa. We set up it first before we decided to swim. Bago umalis kanina ay nakapag-ready pa kami ng susuotin. Inalis ko na ang manipis na dress. Lumitaw nga ang katawan ko. Naka-red akong two piece. Siya naman ay naka trunks lamang. Naptitig siya sa katawan ko at napanguso. Umiwas siya ng tingin at napapiling ng kaunti. Hinawakan ko ang kanyang kamay kaya naman napatingin ulit siya sa akin. "Let's go," I said and run with him until we reached the water. Bibitawan ko na sana ang kamay niya. Pero mabilis niya akong hinila at hinawakan sa bewang. Pagkatapos ay iniangat niya ako at tumalon sa dagat. Sabay kaming bumagsak sa tubig at natawa na lamang. "Binigla mo ako roon," turan ko. I splashed water on his face and swim away from him. I heard him laugh. "Kapag nahuli kita ay humanda ka sa akin," banta niya sa akin. Syempre sino ba namang papahuli kung sinabihan ng ganoon? Kaya naman mas binilisan ko pang lumangoy. Pero anong panama ko sa kanya? Tumigil ako at tumingin sa aking likuran. Napakunot ang noo ko nang makitang wala siya. "Brent!" I said loudly. Pinaikot ko pa ang ang paningin para tignan kung saan nga ba siya. "Sheez," hindi ko napagilang bulalas nang bigla nalang siyang lumitaw sa harapan ko. Hawak na niya muli ang aking bewang. "Got yah," then he smirked. Napatili ako nang kilitiin niya ako. "Stop," pakiusap ko ng hindi ko na makayanan. Tumigil naman siya. Pinagbigyan ako. Pinaharap niya ako sa kanya at hinawakan sa bewang. Itinaas niya ako ng kaunti. Ang mga kamay ko naman ay automatic na pumulupot sa kanyang batok. Inalis ko ang isa kong kamay roon at naglakabay iyon sa kanyang mukhang. Pinalis ko ang konting hibla ng buhok na nakapanpan sa kanyang isang mata. Tahimik lang kami habang nasa ganoong posisyon. "Let's do floating," I said. Napangiti siya at tumango. Binitawan na niya ako at pumusisyon na kami. Hindi naman talaga ako marunong mag-floating. Pero lahat naman ay natutunan at siya ang nagturo sa akin niyon. "Do you still remember when you are teaching me how to float? Grabe. Kada higa ko ay bumagbagsak ako agad sa tubig," natatawa kong sambit habang patuloy pa rin kami sa pag-agos. He chuckled too. "Yeah. You look frustrated that time. You tried it for so many times." "Buti nalang naging matyaga ka sa akin noon. Akala ko ay lulunurin mo na ako sa inis eh," biro ko. But no, he will never do that. He is just patiently waiting for me to get it right. Ni hindi nga niya ako nasigawan. Hindi rin niya ako binawal. He explained it calmly. "I will never do that, Baby," he smoothly said. "All I want is you to be drowned to me," he continued. Bumaliktad ako at tumayo. Hinampas ko siya sa kanyang dibdib. "Puro ka talaga banat!" Umayos na rin siya ng posisyon at tinaasan ako ng isang kilay. "I am just saying the truth," saad niya. Napanguso ako at tumalikod sa kanya. Namumula kasi ang aking mukha. "Mag-swimming na nga kang ulit tayo," utas ko at lumangoy na. Nang mapagod kami ay bumalik kami sa may dalampasigan. Inalis ko na ang takip ng tuna pesto at ginalaw na iyon. Siya naman ay ang sandwich ang kinuha. "I want to take a nap here," utas ko. May tabing naman kami kaya hindi masyadong maiinitan. "Alright. After you eat. Pero magpahinga ka muna saglit bago humiga," saad niya at kumagat ulit sa sandwich. "Here," I said. Nakatutok na sa kanya ang tinidor na may pasta. Ibinuka niya ang kanyang bibig at sinubo na iyon. Pagkatapos ngang kumain ay nagpahinga lang ako saglit bago humiga. Sinilip ko siya bago ko ipikit ang mga mata ko. Nakasandal siya sa reclining chair at nakatingin lang sa malawak na dagat. Ilang saglit lang ay nagising ako. Tumingin ako sa kanya at nakitang siya naman ang nakapikit ngayon. Lumipat ang tingin ko sa may dagat nang may mahagip ang aking mga mata. Nabigla nalang ako ng nasa harapan ko na siya. Nakapanpan na sa tinitignan ko kanina. "Oh. I thought you are taking a nap too," I said. Hindi nakalagpas sa paningin ko ang bangka. Malayo iyon pero paniguradong makikita ako nito kung kakaway ako. Kaya naman nagkaroon ng pag-asa ang aking puso. Sa totoo lang ay hindi lamang ang pag-swimming ang pakay ko rito. Tinitignan ko rin kung may dumadaan bang bangka rito. Nakatitig lamang siya sa akin. Masuri na pinapanood ang aking ekpresyon. Tila hinahalukay niya ang mga mata ko. Tinago ko ang pananabik sa aking mga mata. Baka magkaroon pa siya ng konklusyon. Tumayo na ako. Nakalayo naman na iyong bangka at hindi na naaninag ng mga mata ko. "Hey," tudyo ko na sa kanya. Bakas kasi ang napakaseryoso niyang ekspresyon. Hinaplos ko ang kanyang balikat. Natinag ng kaunti ang kanyang pagkaseryoso. Natapos ang araw namin doon na payapa naman. Nawala rin ang pagiging masyadong seryoso niya. Muli ay nagtungo kami sa dagat at naglaro roon. Just like what in movies does. Naghahabulan at nagbabasahan. Pagod na pagod tuloy ang katawan ko pagkabalik sa mansion. Umupo ako sa may sofa. Siya naman ay dinala na ang mga gamit sa kusina. Kahit na pagod ay desidido ako. Madaling araw na at gising na gising pa rin ako. Nasa may vanity ako ngayon. Nagsusulat ng letter para sa kanya. Inahanda ko na iyon. Dahil bukas ay aalis na ako. Madaling araw rin upang hindi niya ako mabantay. Takot man ako sa dilim ay alam ko naman na naroon pa ang sinag ng buwan at ito ang magsisilbing ilaw ko. Madalas naman na ang mga mangingisda ay madaling araw lumalayag. Bumaling ako sa may kama. Mahimbing na ang kanyang tulog. Mabuti nga ay hindi niya napansin ang pag alis ko sa may kama. Paniguradong napagod din kasi siya sa paglangoy. Tinignan ko ang sulat. Tapos na ako. Nakasaad na lahat ng gusto kong sabihin. Tinupi ko iyon at tinago sa may ilalim ng carpet. Hindi niya makikita roon iyon. Bukas ko pa naman balak iwan iyon sa may side table. Napabuntong hininga ako at bumalik na sa kanyang tabi. I can say that I really enjoy my stay here with him. Naging masaya ang pakiramdam ko at kahit papano ay napunan ang lungkot sa aking puso. I caressed his face. "I still love you, Brent Jax. But we can't be together."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD