Shinoeh Weanne Cueva's P.O.V. Dati pa nga siya may gusto sa akin. Inamin niya iyon at hindi na nag-alinlangan pa. Ang kaso nga lang ay sobrang pula ng kanyang mukha at pati na rin ang kanyang mga tenga. At ngayon, ako naman ang namumula ng mukha. Hinintay naming dalawa na matapos ang grade eight ko at grade ten niya bago kausapin ulit sina Papa at Mama. Sa mga nagdaang buwan at araw ay sobrang lapit namin talaga sa isa't isa. May mga part din na medyo nag-aaway kami dahil na rin sa mga umaaligid. Napalitan kasi si Irian ng isa pa. Si Nick naman. Iyong ka-grade niya pero hindi naman kaklase. Hindi ko nga alam paano ako napansin niyon. Isa siyang baseball player sa school namin. Nanood ako noon kasama si Miria. Oo at naging close kami simula nang umalis si Precy. Siya na iyong lu

