Shinoeh Weanne Cueva's P.O.V. Nanatili ang katahimikan. Tanging si Dyle na busy lang sa pag-nguya ang nakakagalaw ng maayos. Nang mapansin niya ang pagiging seryoso ay tumigil siya at pabalik-balik ang naging tingin sa amin. Mula sa amin ni Brent at mula sa panig naman nina Mama at Papa. Suminghot siya. "Sorry po. Ano pong pinag uusapan?" inosente niya pang tanong. Kahit na lumalaki na siya at may parte pa rin ng pagkabata niya talaga. Walang sumagot sa kanya kaya naman napakamot na lamang siya sa kanyang ulo. Binitawan niya ang kanyang utensils at nakisali na rin sa katahimikan. Nabigla pa nga ako nang tunawa si Mama. "Ikaw talaga bunso," saad niya at tumawa muli. Nagkatinginan kami ni Brent. Namamawis na rin pala siya. Kung kanina ay walang bakas ng kaba. Ngayon naman ay bakas

