XXXVII. "You may take your break.." Hindi pa tapos magsalita ang prof ay nagtatayuan na ang mga estudyante. Napailing na lang ako habang inaayos ang gamit ko saka lumabas. Sumilip ako sa railings ng building para tignan ang paligid. Hinanap agad ng mata ko ang target ko ngayong araw. Isabelle Torres. Sinundan ko siya ng tingin na lumalabas ng room, nakikipagtawanan sa mga sosyalera rin na friends niya. I'm so sorry, Isabelle. Trabaho lang, walang personalan. Pagkalabas ko ng building ay hindi sinasadyang nakita ko ang School Principal, nakangiti siya habang tinatanguan ang mga estudyante na bumabati sa kanya. Medyo may katandaan na siya pero halata na malakas pa rin, binati ko siya nang mapalingon siya sa'kin. She looks so young despite of being in mid 50's. Wala siyang idea na sa'kin

