XXXVI. Malayo pa lang ay nakikita ko na si Gael na nakasandal sa railings ng waiting shed, nilalaro niya ang paa niya habang pinagmamasdan niya iyon. Nakalagay ang dalawang kamay niya sa bulsa niya. Minsan ay mag-aangat siya ng tingin para batiin pabalik ang mga bumabati sa kanya na napapadaan lang. Dahil malakas ang pakiramdam niya ay naramdaman niya ang pagtitig ko, napangisi siya nang makita niya na nagmamadali ako palapit sa kanya. Nang malapit na ako ay binuka niya ang dalawa niyang kamay para salubungin ako ng yakap. "Kanina ka pa?" Tanong ko saka kumalas sa pagkakayakap. Ngumuso siya at tumango kaya napangisi ako. "Maaga natapos ang klase mo?" "Oo, minadali ng prof dahil may lakad siya. Sabi naman niya wag muna kaming umuwi pero umalis na ko.." Hinawakan niya ang kamay ko at hin

