XXXI. Pabagsak na umupo sa itim na couch si Kieran Domingo, nilingon niya ang dalawang kaibigan na tahimik na nanonood ng basketball sa flatscreen. Kahit interesado siya sa pinapanood ng mga ito ay nanatili ang titig niya sa dalawa, akala niya ay lilingon ang mga ito pag tinitigan niya pero parang wala lang sa mga ito kaya kailangan niya pa talagang magsalita para makuha ang mga atensyon. "Nasaan na naman si Kyle?" Tanong niya sa mga ito. Walang sumagot kaya napabuntong-hininga na lamang siya. Hindi niya alam kung bakit nakuha niya pang magtanong, laging wala si Kyle at halos hindi nagpapapasok sa school dahil may hinahanap ito. Halos isang taon na ang nakakaraan nang mangyari ang insidente ng pagpatay kay Chloe Tan, ilang buwan ang nakalipas ay nasistensyahan si Savanna Castro ng 23 ye

