XXX. Napaangat ako ng tingin nang malakas na bumukas ang malaking pintuan ng presinto. Agad na kumawala ang hikbi na kanina ko pa pinipigil nang makita na si Kyle 'yon. Para akong bata na naligaw sa isang mall na sa wakas ay nakita na ang magulang ko na kanina ko pa hinahanap. Napatitig siya sa'kin pero hindi agad nakalapit, nagtataka 'yung mga mata niya. May halong galit at pag-aalala. Gusto kong magsumbong sa kanya! Gusto kong sabihin sa kanya na bugbugin niya lahat ng nandito dahil ginagawa nila sa'kin dito. I want him to help me, i need him so much. Pero hindi ako makapagsalita dahil baka mapaghagulgol lang ako. "K-kyle.." Mahinang sabi ko habang tumutulo ang luha ko. Hindi ako makalapit sa kanya dahil hindi ako hinahayaan na tumayo ng mga pulis, naka-posas ang dalawang kamay ko. H

