Four

1623 Words
IV. Two weeks has passed mula nang pumasok ako sa Kcads, okay naman kung makitungo si Monique. Kapag kinausap ko siya, kakausapin niya ako. When i smile at her, she will smile back. Kahit ganito ang itsura ko, mukhang manang na ewan. Hindi niya ako jina-judge, she didn't change. Hindi siya katulad ng ibang estudyante dito. "Hey, Castro." Like this one. "Why?" Tanong ko sa lalake na nakatayo sa tapat ko, mohawk ang hair niya at matangkad na medyo may kapayatan. He has a tattoo on his wrist at nakabukas ang dalawang butones ng kaniyang polo. Trying hard to be cool, eh? Pinatong niya ang napakaraming materials sa table ko. Hmm, hindi pala pinatong. Binagsak niya to be exact. Nagkalat-kalat ang iba sa sahig dahil nahulog ang mga iyon. "May lakad ako mamaya, ikaw na gumawa nitong project ko. Galingan mo para tumaas ang grade ko." Aniya sa nag-uutos na tono kaya kumunot ang noo ko. "Wala kang kamay?" Tanong ko kaya kumunot din ang noo niya. Tumango-tango siya at tumawa na parang naaasar. "Tumatanggi ka na?" Inis na tanong niya pero hindi ako sumagot. Kinuha ko 'yung mga materials niya sa table ko at binato sa mukha niya. "Do it yourself." Walang ganang sabi ko kaya napakagat siya sa labi niya. Hinawakan niya ako sa kwelyo at inangat kaya napatayo ako. I was about to kick his crotch nang marinig ko ang iritadong boses ni Monique. "Hoy, what are you doing?" Aniya. Nakatayo siya sa may pinto at nakapamewang. "Wag kang makialam." Mariin na sabi nitong mohawk boy. "Sinasabi mo ba sa'kin na hayaan lang kita na saktan ang isang babae? Bakla ka ba o ano?" Matapang na tanong ni Monique at humakbang ng isang beses. Marahas na binitawan ako sa kwelyo nitong mohawk boy. Humakbang siya palapit kay Monique kaya hinanda ko na ang sarili ko para sipain siya sa likod. Bahala na kahit malaman nila ang pagkatao ko, not Monique. Not her. "Anong meron?" Biglang napatigil si Mohawk boy nang biglang pumasok si Rigo na nagtataka. This charming guy! "Inaawat ko lang 'tong lalake na 'to, sasaktan niya na dapat si Ynna girl kanina. Mabuti na lang dumating ako." Nakakunot ang noo na sabi ni Monique na animo'y nagsusumbong. "And i think he's gonna hurt me! Palapit na siya sa'kin oh!" I can't help but to smile, she's so cute. Kinagat ni Rigo ang kanyang labi para pigilan ang pag ngiti. Lumingon siya kay mohawk boy at mabilis na nawala ang kanyang emosyon. "Totoo ba 'yon, tol?" Tanong niya sa lalake. "Ano dapat kong gawin sayo?" Suminghap si Mohawk boy at pumikit ng mariin. "Pasensya na." "Just don't hurt her again!" Ani Monique habang tinuturo ako kaya inis na tumango 'yung lalake at lumabas. Nanlaki ang mata ko. Ibang klase, takot talaga ang ibang estudyante sa barkada nila King. Lima silang magbabarkada and all of them are so fine! Si King, Billy, Kieran, Rigo at 'yung lalakeng may nakakatakot na ngisi.. si Kyle. Anyway, 'yung Kieran 'yung nakita ko na nakikipag halikan sa gilid ng hagdan. At habang tumatagal ay lalo kong napapatunayan kung gaano siya ka-manwhore. Sana lang talaga ay hindi siya magkasakit sa ginagawa niya. "Thank you!" Kunwaring nahihiya na sabi ko sa kanilang dalawa. Nginitian lang ako ni Monique kaya awkward na ngumiti rin ako sa kanya. Inayos ko 'yung mga materials na nagkalat sa sahig at tinapon sa trashcan, hindi ko kailangan 'to. Nang pabalik na ako sa upuan ko ay namilog ang mata ko nang madapa ako dahil may nakaharang na paa sa daan ko. "Ayos ka lang?" Tanong ng hindi pamilyar na boses. Boses na walang kahit akong tono ng pag-aalala at pagso-sorry. Blangko lang, nagtanong lang siya. Parang walang laman. Nag-angat ako ng tingin kaya bumungad ang madilim na mata ni Kyle Vergara. Naramdaman ko ang pag-iinit ng mukha ko nang makita siya ng malapitan. His features are so... Wala sa loob na tumango ako kaya tumaas na naman ang isang gilid ng kanyang labi. That grin again, bakit tuwing nakikita ko 'yan ay kinikilabutan ako ng husto? Mabilis akong tumayo at nagmamadaling bumalik sa upuan ko. Naramdaman ko ang pag sunod niya ng tingin kaya lumingon ako. Nagtama ang aming mata, ngumuso siya habang nilalagay ang isang earphone sa kanyang tenga. Narinig ko ang boses ng professor kaya napaiwas ako ng tingin, napahawak ako sa dibdib ko na malakas ang kabog. Nagbuntong-hininga ako at pinilit ilipat ang atensyon sa klase. Dinismiss kami ng alas syete ng gabi at umuulan pa. Lalong lumalakas ang ulan pero wala akong payong, nakatakip ang waterproof kong bag sa ulo ko habang lakad takbo ako papuntang gate dahil naghihintay na doon 'yung taxi na service ko. Ginawa kong service 'yung driver ng taxi na alam na nagpapanggap lang ako. He's very kind at halatang mapagkakatiwalaan siya, para lang siyang tatay kung makipag-usap sa'kin. Alam niya 'yung mga schedule ko sa school para alam niya kung kailan niya ako susunduin. Mabilis na ang takbo nang bigla akong napatigil dahil biglang nawala ang patak ng ulan sa lugar ko, nakita ko ang anino sa harap ko. Napalingon ako sa gilid ko at nakita ang matangkad na lalake na may hawak na payong. Mula sa daan ay binaling niya ang tingin niya sa'kin. Madilim ang kalangitan pero mas madilim ang mata niya. Walang emosyon ang kanyang mukha at halos guhit na lang ang kaniyang labi. Nag-angat ako ng tingin sa transparent na payong na tanging ako lang ang nasisilungan ng ayos. Nakikita ko ang kabilang balikat niya na nababasa ng ulan. Bakit ba siya lumalapit sa'kin? Hindi niya ba alam kung gaano siya nakakatakot? May idea ba siya kung anong nararamdaman ko kapag malapit siya? Malamig ang simoy ng hangin dito sa labas pero mas nanginginig yata ang katawan ko dahil sa presensya niya. "U-uh.." Pasimple akong lumalayo sa kanya kaya lumalapit siya at patuloy akong pinapayungan. "A-anong ginagawa mo?" Nagtatakang tanong ko kaya lumingon siya, ngayon ko nakita na pati ang kabilang bahagi ng buhok niya ay nababasa rin. May tumutulong tubig sa mata niya mula sa buhok niya! Ngumuso siya at binalik ang tingin sa madilim na daan. Napaigtad ako ng hawakan niya ako sa braso at hilahin dahil muntik ko nang matapakan ang isang maliit na bato. Nanlalabo na ang paningin ko. Makapal ang salamin ko at natuluan ito ng ulan kanina kaya malabo, hindi ko ito mapunasan. Hindi ko alam kung bakit hindi ko mapunasan. Natatakot akong gumalaw dahil sa katabi ko! Bigla siyang tumigil sa paglalakad kaya napatigil din ako. Naginhawahan ako nang makita ang service kong taxi sa harap ko. At last! Lumingon ako kay Kyle. Binuksan niya 'yung pinto ng taxi at mahinang tinulak ako papasok sa loob saka siya sumakay din, nanlaki ang mata ko habang pinapanood siya na sinasara ang payong. Sinara niya ang pinto kaya kinagat ko ang aking labi. "Uh.. Can you find another taxi? This happened to be my personal service--" "Wala nang ibang dumadaan na taxi dito ng ganitong oras at umuulan pa." Aniya. Ginulo niya ang kaniyang buhok para matuyo agad ito. Sasabay siya sa taxi na ito? "Pagbigyan mo na, anak. Totoo naman po na wala nang masasakyan ngayong oras, kawawa naman itong si pogi.." Sabi ni Manong kaya frustrated na tumango ako. Umurong pa ako malapit sa pinto para magkalayo kami ng katabi ko. Hindi siya kumikibo. Pinasak niya ang earphone sa tenga niya at pumikit habang nakasandal. Natutulog ba siya? Huminga ako ng malalim. Hindi ko maiwasan na hindi siya tignan! Naka-itim na shirt siya ngayon, pinalitan niya 'yung uniform niya. Nakapahinga ang braso niya sa kanyang tiyan. Them biceps though, sinundan ko ito ng tingin hanggang sa kamay niyang may hawak na phone. Nakita ko ang mamahaling brand ng kanyang relo, pati na rin ang sapatos niya ay ang bagong labas na bersyon ng isang sikat na brand ng sapatos. Masyado yata siyang mayaman para sa isang estudyante lang, mukhang spoiled ng magulang ang isang 'to. Binalik ko ang tingin sa mukha niya, nakapikit lang talaga siya. Bakit ang haba haba ng pilikmata niya? Ang unfair, lalake naman siya at hindi niya kailangan ng mahabang pilikmata! Mahaba ang akin pero walang wala ito kumpara sa kanya. May maliit na bilog na itim na hikaw sa kanyang tenga. Ngumuso ako, para sa'kin ay nakakadagdag ng appeal sa lalake ang paglalagay ng hikaw sa isang tenga. Si Billy ay silver na krus ang hikaw, si King naman ay kalahati ng isang bilog. Hindi ko maiwasan na purihin sila kapag may suot silang gano'n. Maangas lang tignan para sa'kin. "Ma'am, nandito na po tayo." Ani manong driver kaya nagulat ako. Naubos ang oras ko sa kakatitig sa katabi ko! Ngayon ko naramdaman ang hiya sa sarili ko. Nagmamadaling binayaran ko si manong at maingat na bumaba ng taxi, kailangan ay hindi magising ang lalake na 'to para hindi niya malaman kung saan ako nakatira. Walang boses na nagpaalam ako kay manong at maingat na sinarado ang pinto ng taxi pagkababa ko, pero hindi pa ako nakakalapit sa gate ay naramdaman ko na ang dalawang pares ng mata sa likod ko. Napangiwi ako at nilingon ang lalakeng nakasakay sa loob ng taxi. Hindi nga ako nagkamali, nakatitig siya sa'kin. Walang emosyon ang mukha. Nag-iwas siya ng tingin at binaling ang tingin sa kanyang unahan, halos matulala ako nang makita ang bahagya niyang pagyuko bago ngumisi. Hindi ko na namalayan na umaandar na pala ang taxi, sinundan ko na lang iyon ng tingin hanggang sa mawala ito sa paningin ko. Pumikit ako. Ngayon ko lang napansin na halos hindi ako huminga! What is he doing to me? He's giving me anxiety.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD