III.
"Ma'am, nandito na po tayo."
Napaangat ako ng tingin dahil sa sinabi ng driver ng taxi. Binaling ko ang tingin sa labas ng bintana at nakita ang maraming estudyante na halatang mayayaman.
Expensive cars, clothes, bags, shoes etc. is all over the place. May halatang maaarte at meron din naman na simple lang. May halatang mayayabang at meron din mukhang center ng bullying.
Sinenyasan ko 'yung driver na teka lang kaya tumango siya. Inipit ko ng bun ang buhok ko saka nilabas sa bag ko ang wig na binili ko. Pinatong ko 'yon sa ulo ko at nilagyan ng mga clip ang mga gilid.
"Ma'am, bakit po kayo nagsusuot nyan?" Tanong ng driver kaya napalingon ako sa kanya.
"Quiet lang manong, ha?" Sabi ko kaya kahit nagtataka ay tumango sya. Ngumiti ako saka sinuot ang glasses na binili ko, nilabas ko ang lipstick ko na kulay peach para magmukha akong maputla. Inayos ko ang pantay na bangs ng wig habang tinitignan ang repleksyon ko sa maliit na salamin na dala ko.
"Wow, ma'am. Para talagang hindi ikaw." Sabi ni manong kaya lalo akong napangiti. "Secret agent po ba kayo o artista, ma'am? Kasi nakakapagtaka na tinatago niyo ang itsura niyo at ganyan kayo manamit, e ang ganda ganda niyo pa naman."
I laughed. "None of the above, manong. Basta quiet lang manong, ha? Wala naman akong bad intention kaya ko ginagawa 'to."
"Sige, ma'am. Marunong naman ako magtago ng sikreto." Nakangiting sabi niya kaya nagpasalamat ako. Nagbayad muna ako sa kanya bago bumaba.
Marami agad nakapansin sa'kin pagkababa ko pa lang ng taxi. May nandidiri, may nakakunot ang noo at may mga pinagtatawanan ako. Hindi maiwasan na kumunot ng noo ko, totoo pala 'yung ganito? Yung pagtatawanan ka kapag ganito ang itsura mo?
Nagbuntong hininga na lang ako at dire-diretso na pumasok sa gate pero hinarang ako nung guard kaya napatigil ako.
"Ano pong kailan niyo ma'am? Kung anak niyo ang pakay niyo, ipapatawag na lang namin." Sabi no'n kaya hindi makapaniwalang napanganga ako.
"Transfer student ako. Student." Madiin na sabi ko kaya tinignan niya ako mula ulo hanggang paa.
"Walanjo. May kabataan pa pala na nagsusuot ng ganito." Iiling na sabi niya kaya inirapan ko sya at pumasok sa loob.
Ang kapal ng mukha. Nag-wig lang naman ako at salamin tapos 'yung suot ko, well.. pang manang naman talaga. Pero mukha ba akong nanay? Grabe naman siya!
Nagpunta ako sa office dito para malaman kung saan ako at pati na rin 'yung schedule ko, may maliit na mapa akong hawak. Masyadong malaki ang school na 'to at hindi ko ito kabisado, baka maligaw pa ako.
Pumasok ako sa isang sa tingin ko ang pinakamaliit na building dito na parang walang katao-tao. Hanggang third floor lang siya at nasa pinakadulong bahagi ng school. Ayon sa mapa ay nandito ang office.
Umakyat ako ng hagdan at pagliko ko ay muntik na akong mahulog dahil sa nakita ko, mabilis akong kumapit sa hawakan ng hagdan. May naghahalikan na estudyante sa gilid ng hagdan... may naghahalikan!
Kitang kita ko kung paano pumasok ang kamay nung lalake sa skirt nung babae, napaungol iyon kaya napangiwi ako. Dang, my innocent eyes! Yumuko ako para lagpasan sila pero natigilan ako nang makita sa gilid ng mata ko na lumingon sa'kin 'yung lalake habang naghahalikan pa rin sila.
Nagtama ang mata namin. Makapal ang kanyang kilay at messy ang kanyang itim na buhok, pulang pula ang kanyang manipis na labi. Ngayon ko napansin na nakaputing manipis na longsleeves siya na tinupi hanggang siko, halos makita ko ang katawan niya dahil sa nipis nito. May dogtag na nakasabit sa kanyang leeg. He's hot and all, but... Fuckboy spotted!
Nakasandal sa dingding 'yung babae kaya siya sana ang makakakita sa'kin kung hindi lang siya nakapikit. Nakatagilid ang ulo nung lalake at nakita kong nakabukas na 'yung butones ng blouse nung babae kaya nakikita ang puti nitong bra.
Dumapo ang kamay nung lalake sa malusog nitong dibdib. Yuck! Makaalis na nga!
Nagmamadali akong umakyat at narinig ko pa ang malalim na pagtawa nung lalake. Lumingon ulit ako at nakitang titingin na dapat sa gawi ko 'yung babae pero nilihis agad nung lalake ang ulo nito kaya hindi ako nakita.
Napapikit ako ng mariin. Paano nila nagagawa iyon sa loob ng school?!
Umiling-iling na lang ako. Winaksi ko ang iniisip nang makita na ang office, kumatok muna ako bago ko binuksan ang pinto. Tumambad sa'kin ang isang mukhang Head professor na nakaupo sa swivel chair, pinasadahan niya ako ng tingin at kumunot ang noo.
"Ynna Savannah Castro?" Tanong niya kaya ngumiti ako at tumango.
"Good morning po." Bati ko.
"Sinabi na sa'kin ni King Cadwell na magpapanggap ka pero hindi ko inakala na ganito kalala, picture mo lang ang nakita ko kaya hindi pa ako sigurado kanina kung ikaw nga 'yan.." Mabait ang kanyang tono kaya natawa ako.
She is actually my kasabwat. Alam niyang nagpapanggap lang ako, alam niya kasing close ang family ko kay Auntie Kera which is owner ng school na 'to na mama ni King. Kaya pumayag sya na maging kasabwat, ang hirap naman kasi kung ako lang talaga diba?
Usapan pa naman namin nila Billy at King na walang pansinan dito. Aakto sila na hindi nila ako kilala, hindi sila palakaibigan kaya kung kakausapin nila ako ay maraming magtataka.
"Just give this paper to the professor. Nakausap ko na siya at alam niya rin, don't worry. Mapagkakatiwalaan natin siya." Sabi niya habang binibigay ang isang maliit na papel.
"Really? Thank you po." Tumayo na ako at nagpaalam saka nagpunta sa room na nakalagay sa papel na 'to.
Nang makita ko na 'yung room ay sakto na may papasok doon na professor kaya hiningi ko agad ang atensyon nito.
"Yes?" Tanong niya. Hindi ako nagsalita pero binigay ko sa kanya 'yung papel. Tumaas saglit ang kilay niya saka ako nginitian.
"Follow me." Aniya at pumasok na sa loob. Nahihiya man pero pumasok na rin ako.
Nilibot ko ang tingin sa paligid at nakita ang nandidiring tingin ng mga estudyante. May ibang parang sinubsob sa espasol, meron din parang ang laki ng eyebags dahil sa kapal ng eyeliner at eyeshadow. May namumutok ang red lips at may parang pinagsasampal dahil sa pula ng pisnge.
"Ew, who is she?"
"Omo, look at her eyeglasses. Hindi na makita 'yung mata niya. Creep."
"Whose katulong is she?"
"Don't tell me transferee sya?"
"She's cute. May taga-gawa na tayo ng projects."
Hindi maiwasan na mag-init ng ulo ko. Ganito ba ang tingin nila sa mga ganito ang itsura? Marami akong nakikita na ganito pero never na pumasok sa isip ang mga ganitong bagay. Mapapailing ka na lang talaga sa isip ng ibang tao.
Lumingon ako sa pinakalikod ng room para hanapin ang mga pamilyar na mukha at ayun nga sila.
Si King na napapailing, si Monique na nakatingin lang. But i can see na nawi-weirdo-han siya sa suot ko. May katabi siyang handsome guy na halatang makulit, nakangiti ito at ang aliwalas ng mukha niya dahil sa kaputian. Malaman ang kanyang labi at maliit ang maamong mata. He is very charming, indeed.
Hinanap ng mata ko si Billy pero iba ang nakita ko. Yung lalake sa mall.. nandito siya! Ang liit naman ng mundo?! Dahil sa kanya ay kung anu-anong pinagsasabi sa'kin nung mga cashiers na 'yon pero wala naman siyang kasalanan..
Bagay sa kanya ang longsleeves na uniform niyang tinupi niya hanggang siko, may nakalagay na earphone sa leeg niya. Mula sa phone niya ay bigla syang lumingon sa'kin. Agad kong tinakpan ang mukha ko dahil sa gulat.
Biglang kumabog ang dibdib ko nang tumagal ang titig niya sa'kin. s**t, his eyes are so dark! Walang emosyon ang kanyang mukha kaya hindi ko maiwasan na kilabutan.
"She's Ynna Castro and she just transferred here from Canada." Pakilala sa'kin nung professor kaya napaiwas ako ng tingin sa kanya at nagpunta sa seat na tinuro ng professor.
Kinagat ko ang aking labi bago umupo sa upuan sa tapat ni Monique, nararamdaman kong sinusundan nila ako ng tingin.
"Hello, new student!" Maligayang bati nung guy na katabi ni Monique. Gusto ko sana lumingon pero nandoon si Monique, paano kung makilala niya pa rin ako?
Tinaas ko na lang 'yung kamay ko nang hindi lumilingon at nag-hi. I heard them both laughed.
"Damn, she's cute." Narinig kong sabi nung lalake kasunod ng hagikgik ni Monique.
Nag-init ang mukha ko dahil sa hiya. Hindi ko na lang 'yon pinansin pero hindi ko yata kaya na hindi pansinin ang isang pares ng mata na halos saksakin na ang likod ko dahil sa ginagawang pagtitig.
Nilingon ko 'yung lalake na nakita ko sa mall at nakitang nakatitig pa rin siya, he's scanning me from head to toe again! Kinilabutan na naman ako, bakit ba siya nakatingin? Napaigtad ako nang tumaas ang tingin niya sa mata ko, nag iwas agad ako ng tingin at nakita ko sa gilid ng mata ko na gano'n din siya.
Binalik ko ang tingin ko sa kanya at nakitang pinaglalaruan niya ang labi niya gamit ang dulo ng ballpen na hawak niya. Nakatingin siya sa unahan kung nasaan ang professor, naka-side view siya kaya lalo kong nakita kung gaano katangos ang kanyang ilong. May maliit na itim na hikaw sa tenga niyang may nakapasak na isang mamahalin na earphone. Kakaiba ang dating niya, parang nakakatakot siyang tignan kasi parang hindi niya iyon magugustuhan.
"Okay, so pay attention now." Napalingon bigla ako sa prof nang magsalita 'yon. Inayos ko ang pagkaka-upo ko at sa huling pagkakataon ay lumingon ulit ako sa kanya.
Nanlaki ang mata ko nang makitang nakatagilid na ang kanyang ulo at nakatingin sa'kin. Mula sa blangkong mukha ay unti-unting tumaas ang isang gilid ng labi niya.
ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ
Napaiwas agad ako ng tingin dahil sa kilabot na naramdaman ko, hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa bag ko dahil sa nararamdaman na panginginig.
ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ
Ngumiti siya. Ngumiti lang naman siya pero bakit ganito ang epekto?
ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ
Ngumuso ako. Because it is not a friendly smile! It was a damn smirk, it gave shivers down my spine. Parang warning. Parang babala ang ngiti na iyon. It was scary.. at hindi ko alam kung paano ako magre-react.
ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ